Kailan lang ay sinira ng bagyo ang Edelweiss Flower Farm. Kahawig nito noon ang isang nakalbong kabundukan; walang sigla, walang buhay, walang pag-asa. Ngayon, maliwanag ang sikat ng araw sa bahaging iyon ng bundok. Namumukadkad ang mga bulaklak sa Edelweiss. Animo'y nakaguhit ang mga ngiti sa bawat talulot ng Sunflower. Nagsasayawan din ang mga tangkay ng Anthurium at Baby's breath. Ang ulap ay kulay asul at nagsasaboy ito ng kapayapaan sa buong lugar.
"On your post now. The bride is coming in 5 minutes," masayang anunsiyo ng wedding coordinator. Makikita sa mga mata ni Kenji ang pananabik habang inaayos ni Kyle ang kanyang tuxedo. All white ang kulay ng suot niyang tuxedo. Maayos ang pagkakatali ng mahaba niyang buhok kaya't lumilitaw ang kanyang dominanteng mga panga. At ang mata niyang hapones ang peg ay mas lalong nagpagwapo sa kanya sa mga oras na 'yun.
"Congrats, man! Nahanap mo na rin sa wakas ang babaeng magpapaligaya sayo habang buhay," proud na sambit ni Kyle na kanyang bestman sa kanyang kasal.Finally, he made up his mind. Tuluyan na niyang isinara ang pintuan patungo sa ibang bansa. Iwinaglit na niya sa kanyang plano ang maging isang full-time architect dahil matapos nilang irevive ni Azalea ang nawasak na flower farm, ay nangako silang magsasama na habang buhay sa puso ng Edelweiss.
"Maraming salamat sa suporta, Kyle," tanapik nila ang braso ng isa't isa at naghanda na sa pagdating ni Azalea. Maging ang mga magulang ni Kenji ay nababalot din ng ligalig. Masayang-masaya ang mga ito dahil sa wakas ay napagdesisyunan na rin niyang magpakasal. Bagay na matagal nang hinihiling ng mga ito sa kanya.
"The bride's here!" muling anunsiyo ng wedding coordinator. Naghanda na ang lahat. Tumugtog ang kantang Ikaw ni Regine Velasquez. Unang naglakad sa isle si Kenji. Nagniningning ang mata ng mga bisita habang nakatitig sa kanya. Sumunod sa kanya ang iba pang miyembro ng entourage kabilang ang kanyang Bestman na si Kyle, ang kanilang Maid of Honor na si Chrysanta at sina Nanay Pacita at Tatay Sergio na kabilang sa mga Principal Sponsors. Maya-maya lang ay dumating na ang mga flower girls. Isinaboy ng mga ito ang mga talulot ng pulang rosas sa isle na dadaanan ni Azalea. Kasama ni Azalea si Nanay Luisa na naiiyak habang hinahatid sa altar ang anak. Ngumiti si Kenji nang makita ang magiging Mrs. Valdez niya. Isang tube ang top nitong suot. Kumikinang iyon dahil sa sequence at ilang genuine gems stones. Isang flowy dress ang suot niyang traje-de-boda na hindi mang gaanong mahaba ang terrain ay pulido naman ang disenyo. Malaki man ang tiyan nito dahil sa dinadala sa sinapupunan, hindi pa rin nabawasan ang ganda nito. She is still the gorgeous Azalea with baby Edelweiss inside her womb. Nagsitayuan ang mga tao sa kanyang pagdating. Nakatitig lamang si Kenji sa kanyang mapapangasawa.
I never thought I will come to this part of my life. Ikaw, Azalea, ang bigay ng may kapal, ang tugon sa matagal ko nang dinarasal. How I wished someone will change my perspective about relationship. Na ang relasyon ay hindi lamang tungkol sa sex. Na ang pagmamahal ay hindi lamang madarama sa pag-iinit ng kanilang katawan. Na walang expiration ang pagpintig ng puso matapos mang pagsaluhan ang nag-iinit na gabi sa nag-iinit na kandungan ng isa't isa. That everything is beyond sex. Na may nag-iisang babaeng darating para mahalin mo ng lubos. Upang sa lahat ng panahon, bawat pagkakataon, ang ibigin ay tanging siya lang. Ikaw 'yun, Azalea. Ang lahat ng aking galaw, ang sanhi ay ikaw. Kung may bukas mang tinatanaw, dahil 'yun sa may isang ikaw na nagparamdam n'on sa akin. Kulang ang magpakailanpaman, upang bawat sandali ay ating mapagsaluhan, upang muli't muli ang mahalin ay ikaw!
"Azalea," naluluha niyang sambit nang marating na ni Azalea ang kanyang kinalalagyan. Niyakap niya si Nanay Luisa bago ito umupo at nanginginig siyang hinawakan ang mga kamay ng kanyang mapapangasawa. "Hindi ko akalaing ikakasal din ako kagaya ng iba. Akala ko, I will stay a bachelor all my life," nakabungisngis niyang sambit. Naluluhang tumawa ng marahan si Azalea. Inihatid nila ang isa't isa sa altar. Handa na silang mangakong mamahalin ang isa't isa tumigil man ang pamumukadkad ng mga bulaklak sa Edelweiss.
Wakas!
YOU ARE READING
Drowning in Lust
RomanceTumungo si Azalea sa Benguet upang asikasuhin ang pinamana sa kanyang flower farm ng kanyang namayapang ama. Hindi niya akalaing animo'y isang paraiso ang Edelweiss Flower Farm dahil sa mga matitingkad na Birds of Paradise, Daisies, Gerberas, Daffod...