"Sigurado ka bang tutuloy ka sa Benguet? Mukhang tatama ang bagyo doon, ah."
"Nay, kailangan kong pumunta doon," mahina at matipid niyang sagot.
"Mag-iingat ka anak." Niyakap siya ng kanyang ina. "Alam kong matapang kang babae. Madami ka nang napagdaanan, malalampasin mo kahit na anong unos sa buhay, anak." Hinalikan siya nito sa noo. "Mahal kita, anak!" Niyakap niya ng buong higpit si Nanay Luisa.
"Mahal na mahal din kita, nay. Salamat po sa lahat-lahat."
"O siya, sige. Mag-ingat ka. Nasa baba na ang taxi patungong terminal ng bus. 'Wag kang magpapagutom. Mag-ingat ka palagi, anak ko." Muli nilang yinakap ang isa't isa bago siya tuluyang umalis ng kanilang bahay.
ILANG ORAS na rin ang kanyang ginugol para sa biyahe. Kung anu-ano ang sumagi sa kanyang isipan habang nakaupo sa loob ng sasakyan. Mapaglaro ang tadhana. Simple lang naman dati ang buhay ni Azalea. Hindi niya maintindihan kung bakit nabago ang kanyang buhay nang bisitahin niya ang Edelweiss. Nakilala niya si Kyle na muntik na siyang gahasain dahil sa pagkabigo sa pag-ibig. Dahil naging pag-aari na niya ang Edelweiss ay kailangan niyang magresign sa tinatrabahuang bangko. Iyon ang dahilan kaya't nagkaroon ng ultimatum ang kanilang kasunduan ni Sigmund na muntik ng ikinatapos ng kanyang buhay. Nasa Edelweiss din ang lalaking nagpatibok ng kanyang puso. At nanglulumo siya dahil hindi sinasagot ni Kenji ang kanyang mga tawag. Hindi niya alam kung paano niya ipaliliwanag ang lahat at kung paano niyang makukumbinse ang minamahal. Heto nga at susugurin niya si Kenji sa Edelweiss nang walang kasiguraduhan kung matatanggap pa ba siya ng binata.
Malakas ang hangin at maulan sa Benguet na kanyang nadatnan. Hindi sinasagot ni Kenji ang kanyang mga tawag. Hindi niya rin makontak si Nanay Pacita at si Tatay Sergio. Walang susundo sa kanya mula sa terminal ng bus. Wala siyang dalang payong kaya't animo'y isa siyang basang sisiw sa gilid ng terminal. Maiiyak na siya sa kanyang kinahinatnan nang biglang dumating ang isang sasakyan. Bumukas ang glass window ng sasakyan at nakita niya ang isang pamilyar na hitsura sa driver's seat.
"Kyle?"
"Sumakay ka na, Azalea," nakangiti nitong sambit.
"No, thanks."
"'Wag kang mag-alala. Hindi kita ipapahamak," nakangiti pa rin nitong tugon.
"Ok lang ako, Kyle. Salamat na lang."
"Promise," itinaas nito ang dalawang kamay. "Nakamove-on na ako." Dahil wala na rin siyang magawa sa kanyang sitwasyon ay pumasok na rin siya sa sasakyan ng kanyang dating rapist.
"Pupunta ka ba sa Edelweiss? Ihahatid na kita," malugod na sambit ni Kyle.
"Ma-maraming salamat," awkward pero she needs his service at that very moment.
"Kumusta ka na?" si Kyle.
"Uhm, ok lang naman..."
"Sana ay napatawad mo na ako sa nagawa ko sayo. Sana ay naintindihan mong resulta lang 'yun ng naranasan kong matinding depresyon," malungkot na pahiwatig nito.
"Naiintindihan ko, Kyle. I hope na mas nagmature ka na ngayon the way you'll handle depression or down moments."
"I do. Dinadalaw ako palagi ng guilt tuwing maalala kong nadamay ang isang kagayang mong wala namang kinalaman sa nangyayari sa buhay ko. Thanks God at dumating ang pagkakataong ito kung kailan ay personal akong humingi ng tawad sayo."
"Matagal na kitang pinatawad, Kyle. You are a nice person. Sana nga ay dumating na ang tamang babae para sayo."
"Maraming salamat, Azalea." Ngumiti sila sa isa't isa ngunit napawi din 'yun nang itinuon nila ang pansin sa daan. Bumabaha na sa downtown ng Buenguet. "Mukhang lumalakas ang bagyo." Mas lalo ding lumalakas ang pagbuhos ng ulan. Ilang saglit lang ay nasa paanan na sila ng bundok kung saan naroon ang Edelweiss Flower Farm. Bigla siyang kinabahan sa maaaring madatnan sa farm. Inakyat ng sasakyan nila ang bundok. Nang lumabas sila ng sasakyan ay mas lalo nilang naramdaman ang hagupit ng bagyo. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakikitang kaguluhan sa farm.
YOU ARE READING
Drowning in Lust
RomanceTumungo si Azalea sa Benguet upang asikasuhin ang pinamana sa kanyang flower farm ng kanyang namayapang ama. Hindi niya akalaing animo'y isang paraiso ang Edelweiss Flower Farm dahil sa mga matitingkad na Birds of Paradise, Daisies, Gerberas, Daffod...