9: Few miles away from Edelweiss

676 14 0
                                    

        "Mamimiss ko po kayong lahat dito lalo na ang kakulitan mo, Chrysanta," maluha-luhang sambit ni Azalea. Niyakap niya nang mahigpit si Chrysanta na nag-abot sa kanya kanina ng paborito niyang pink and white carnation.

"Mamimiss ka rin namin, Azalea. Dalian mo na ang pag-aasikaso sa iiwanan mong trabaho doon sa Maynila at nang matutukan mo na itong negosyo mo dito sa Edelweiss," nalulungkot na sambit ni Nanay Pacita.

"Ok na ang mga gamit mo, Azalea, nailagay ko na sa sasakyan," dumating sa kanilang kinaroroonan si Tatay Sergio. "Mabuti na lang at kailangan ding pumunta ni Sir Kenji sa Maynila kaya't siya na ang maghahatid sayo..."

"At nang makilala ko rin ang kanyang pamilya sa Sampaloc," biglang lumitaw ang boses ni Kenji na kalalabas lang ng villa. Handa na rin ito para ihatid siya.

"O, sir Kenji, mag-iingat po kayo sa biyahe," magiliw na sambit ni Nanay Pacita.

"Kayo na po muna ang bahala dito. Dalawang araw lang naman po ako sa Maynila."

Muling niyakap ni Azalea si Chrysanta. "Magpakabait ka Chrysanta ah," nakangiti niyang sambit. Pagkatapos ay si Nanay Pacita at si Tatay Sergio naman ang kanyang niyakap. Nagpaalam sila sa isa't isa. Hanggang sa pumasok na sila sa sasakyan at nilisan ang Edelweiss Flower Farm.

"MALAYO-LAYO na rin ang nilakbay ng kanilang sasakyan pero halos wala pa silang napag-usapan. As usual, nasa tabi ng driver's seat si Azalea. May mga pagkakataong nagtatama ang kanilang mga siko pero uiiwas din agad si Azalea. That fifth night at Edelweiss left a lasting impression. Akala niya noong una ay mas lalo silang magiging sweet sa isa't isa ngunit nagkamali siya. Biglang naging matabang ang pakikitungo sa kanya ni Kenji. Nakaramdam siya ng bahagyang unfairness sa lalaki. Pakiramdam niya ay nahulog siya sa bitag nito. Alam niyang wala itong obligasyon sa kanya dahil casual sex lang ang naganap sa pagitan nilang dalawa pero inexpect niyang magkakaroon ng something special between them at hindi iyong parang ninakaw lang nito ang kanyang virginity. Inaamin niyang nag-enjoy siya sa mga nangyari pero he should fill that emptiness she is feeling right now. Heto nga at dalawang araw na ang nakalipas simula ng gabing iyon. Lahat ng kanilang pinag-uusapan ay may kinalaman lang sa business.

"So, as agreed, magfile ka na ng resignation sa trabaho mo. I am giving you 30 days para gawin 'yun. Kailangan mo nang magfocus sa negosyo para matutunan mo kaagad ang mga dapat mong gawin sa pagpapatakbo nito."

"Noted."

"Alam mo namang pre-view lang ang naexperience mo sa loob ng isang linggo. There's still a lot more to know, right?"

"Noted," blangko ang kanyang ekspresyon sa pagtugon niya rito.

"And by the way, kailangan mo ba ng cash? You can set-up a personal account na nakalink sa business accounts ng Edelweiss."

"Hindi pa naman ako namumulubi," with a flat tone.

"May problema ba?"

"No."

"Anong no?"

"Nagtatanong ka kung may problema ba kaya sinagot kita ng no," pilosopo niyang sagot.

"No, walang problema o no, you won't share it with me."

"No."

"Come on, Azalea. Kung mayroon man tayong dapat pangalagaan, 'yun ay ang pagiging magkaibigan natin. Marami pa tayong gagawin. Magsasama pa tayo ng matagal-tagal na panahon."

Drowning in LustTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang