Chapter 6

47 1 0
                                    

Chapter 6

Yorx

Two days lang ako dito sa probinsya. Second day ko na 'to at mamayang hapon ay babyahe na ko pabalik ng Maynila. Malapit lang naman talaga ang probinsya namin, si Papa lang ang nagdecide na kumuha ako ng unit malapit sa Centro.

Pupunta kami ngayon sa mall para bumili ng prutas.

"Ma, alis na kami!", nagpaalam na'ko at lumabas. Naabutan ko si Nico na nakasimangot habang nagtetext sa driver's seat.

Sinilip ko ang cellphone niya at binasa ang nakasulat , hindi niya yata namalayan ang pagpasok ko, "I'm gonna show you-".

"Hey! You're being rude, Ate!",singhap niya at bahagyang inilayo ang cellphone sa paningin ko.

"You're gonna show her, what?", I asked, ignoring his mumble. I looked at him intently. I'm sure he's texting with a girl. Iniwas niya ang tingin at pinaandar na ang engine. Guilty.

"Woah! Easy kapatid!", bigla niya kasing binilisan ang pagda-drive. Napahawak ako sa seat ko. My brother's really suffering from a bad mood.

Hindi na ako umimik at hinayaan nalang siyang magdrive. Kahit may pagkamakulit ang kapatid ko, pag wala sa mood, sya yung tipong hinding-hindi mo lalapitan kung ayaw mong ikaw mapagbalingan ng inis niya. Hindi naman siya pumipisikal, babarahin ka ang niya sa harap ng maraming tao.

"Oh? Sa'n ka pupunta?! HOY!", paglabas ko kasi ay pinaandar niya agad ang sasakyan at pinaharurot ito. Haay dapat kasi tinuruan ako nila Papa magdrive eh.

Nagkibit-balikat nalang ako at pumasok ako sa mall. Dumiretso na din ako sa supermarket. I received a text from Nico, saying that he'll gonna fetch me after 2 hours. I just rolled my eyes. Pagkatapos kong bumili ay itetext ko na siya agad. Wala naman kasi akong kasama kaya nakakatamad maglakad-lakad. Kumuha na ako ng tray at tumungo at fruits and cocktails.

Tumunog ang cellphone ko at tiningnan ang text. Muntik ko ng mabitawan ang tray dahil sa mensahe.

--

From: 0935*******

Choose a cart. Not a tray.

--

Awtomatiko akong nagpalingun-lingon sa paligid. Bigla akong nanginig pero hindi sa takot. I just can't explain why I shiver.

For the first time, nireplyan ko siya.

--

To: 0935*******

Sino ka ba?

--

Kaagad siyang nagreply.

--

From: 0935*******

Your future.

--

Napalunok ako. Itinago ko na lang ang cellphone ko at huminga ng malalim. Bahala na, I'll act normal. Pagkatapos kong bumili dito ay aalis na agad ako. Promise aalis agad ako. Hindi ko na itetext si Nico. Magtataxi nalang ako.

Umalis agad ako sa supermarket at naghanap ng cr. Pumwesto muna ako sa sink at nilapag ang dala kong mga prutas. Napasandal ako sa gilid at napapikit. Hanggang kelan ba ako ganito? Hanggang kelan ba ako maglalaro ng puzzle na at hindi ko alam kung ilang pieces pa ang dapat kong makita? Fuck that sh*t! He's making my life miserable! Yeah, this thing is making me miserable! Argh!

Humarap ako sa salamin. I didn't know a tear came out of my eyes. Buti nalang ako lang tao dito. Napakaiyakin ko talaga. Sensitive. Isa akong coward. Kung bakit kasi hindi ako nagkaboyfriend earlier on stage! Maganda naman daw ako eh. Di sana, alam ko na ang gagawin ko. Di sana alam ko kung ano ang mangyayari sa ganito. My hint sana ako kahit konte.

Guy in the Dark (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon