Chapter 4

68 3 0
                                    

-------

Shiela !!!------------>>

------

CHAPTER 4

Paper effects

"You look gorgeous, Airish!".

Pag-akyat namin ng rooftop ay agad akong sinalubong ni Shiela at Luna. Hinanap ko yung lalake na kasabay ko pero hindi na siya muling mahagilap ng paningin ko.

"Sabi ko sayo bagay iyang suot mo eh!", ani Luna habang hinihead to foot ako. Hinila na nila ako sa isang table kung saan nakaupo ang halos ka-age ang namin. Dun ko lang nakita ang guy. Nagkatitigan kami pero una siyang nag-iwas ng tingin.

"Cousins, I would like to introduce my friend, Airish. Airish, they are my cousins", iniisa-isa niyang iintroduce ang mga pinsan niya sa'kin hanggang sa tumapat na doob sa lalake, "and siya si Liam, sya yung nagsundo sa'yo kanina".

Tinitigan ko siya at bahagyang ningitian. Nag-iwas nalang ako ng tingin kasi wala naman siyang reaksyon, nakatitig lang sya sakin.

"Uhh.. Liam, may nakaupo ba jan?", Shiela pointed the empty seat sa kaliwa ni Liam. Umiling ito at tuluyan na nga akong pinaupo doon.

Hindi naman ako masyadong na out of place sa table kasi panay naman ang interview ng mga pinsan ni Shiela sakin. Kesyo ano daw ang business ng mga magulang ko, course ko, and pati malamig kong lovelife pinakealaman na rin nila.

"Wala kang boyfriend sa lagay na yan, Airish?", tanong ni Gemma. Umiling-iling ako habang nakangiti.

"Imposible naman! Maganda ka naman ah! Hindi halatang walang boyfriend".

Nako conscious na ko sa mga papuri nila. Hindi ko alam na ganito pala sila kabait. Well, kaugali ni Shiela.

Pero nabilaukan ako nang may nagsalita, "Si Liam single din. May chance kayo!".

I swear, tila umakyat lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa muka ko. I don't know kung bakit ako nagkakaganito gayong parang biruan lang naman yung sinabi ng pinsan ni Shiela kanina. Not to mention na parang wala lang yun kay Liam.

Napukaw ang atensyon namin nang my nagsalita sa harap.

"Good evening everyone!", a guy in mid-30s greeted over the microphone, "Thanks for attending this party....".

Nagkaroon pa ng mahaba-habang speech hanggang sa pinatugtog na ng DJ ang tugtuging inaabangan ng lahat.

Tumayo si Shiela mula sa pagkakaupo, "Tara! Sayaw na tayo sa dancefloor dali!".

"Oo nga tara!", tugon naman ng iba at nagsitayuan na. Binalingan ako ni Shiela ng tingin.

"Ikaw, rish? Sayaw tayo!".

"Ah mamaya nalang, Sheh. Kayo muna", inilingan ko siya. Wala pa ako sa mood sumayaw ngayon, siguro pag nakainom na ko ng alak.

"Ikaw Liam, dali!".

Please pumayag ka. Please.

"Mamaya na, bababa lang ako sa guest room", naramdaman ko ang pagtayo niya. I sighed in relief. Akala ko mananatili siya dito sa tabi ko. Atleast, malaya akong makakakain. Walang hadlang. Pero ewan, parang nakaramdam ako ng konting disappointment. Ah basta!

The party went smooth as expected. Kahit halos drunk people na ang nakapaligid sa kin ay nanatiling maayos ang party. Halatang malalaking tao sa industriya ang kamag-anak ni Shiela. Puno ng propesyonalidad. Ni hindi ko nga nakayang uminom ng alak kasi parang nakakahiya samantalang mababa lang ang tolerance ko sa alak. Natatakot ako sa magiging kilos ko pag nakainom na.

Nung alas-dose na ay nagpaalam na ko kila Shiela.

"Teka! Tatawagin ko si Liam para ihatid ka!".

"Hala! Wag na okey lang talaga ako! Nakabisa ko naman na agad ang daan pabalik! And besides, malapit lang naman pala 'to eh. 15 minutes lang ang byahe. Okey lang tal-".

"No, I insist", parang dumagundong ang boses ni Liam sa loob ng tenga ko. Awtomatiko akong napatango at lumunok. I didnt know na nakalabas na pala siya ng pintuan habang nagdadahilan ako kay Shiela.

"Oh! He insist daw. Wala ka ng magagawa! Sige na Liam hatid mo na si Airish! Bye, girl! Ingat kayo", nakipagbeso si Shiela at Luna sa'kin. Nagpaalam na ko sa kanila habang papasok ng sasakyan.

Wala pa ding nag-iimikan sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa unit ko.

"Thanks L-Liam", ningitian ko siya at lumabas na ng sasakyan. Hinintay ko siyang umalis. He smiled at pinaandar na ang sasakyan. Sa totoo lang ineexpect ko siyang bumaba pero sino ba naman ako para babaan niya pa. Hindi niya naman ako kaano-ano.

Pagpasok ko ng unit dun ko lang naramdaman ng pagod. Dali-dali akong naligo at nagbihis ng pantulog. Pagkatapos kong magbihis ay chineck ko ang cellphone ko.

May text na naman na galing sa kanya.

--

From: 0935*******

You look seductive tonight.

--

Gaya ng kay Liam, ganito din ang nafefeel ko sa lalaki na'to. Ngunit kung susukatin ko ang impact, I would give my higher percent to thay guy in janitorial room. Si Liam kasi, nafeel ko na ang impact sakin nung makita ko siya. Pero itong unknown guy, kahit hindi ko pa nakita ang itsura niya, ang lalakas ng hinahatid niyang mensahe sa'kin. It always give me more than a shiver that a cold can give. And I don't understand why am I comparing them both?! They're different, Airish. They're completely different.

✘✘✘✘✘

Alas nuebe y' media na ako nagising at buti nalang hindi maaga ang sched ko ngayon, 10:30 pa ang klase ko kaya okey lang ma-late ng gising.

Bumangon ako since hindi naman na ko makatulog. Pagkatapos kong maghilamos ay bumaba na ko para maghain ng agahan. Simpleng egg at fried rice lang ihahain ko.

Pumanhik muna ako saglit sa may sals para icharge ang cellphone ko nang may nakita na naman akong puting papel sa table. Dali-dali akong tumakbo sa labas baka sakaling maabutan ko pa ang kung sinong nagbibigay sakin nitong blank paper. Pero clear ang paligid, walang bahid na may naglalakad. May mga lumalabas pero wala namang nakakaduda ang kinikilos. Sila pa nga yata ang naweirduhan sa kin. Bumalik ako sa loob at pinulot ang papel. Kahit saang anggulo ay wala talaga akong makitang ni bahid ng panulat.

Not until aksidenteng natapat sa sinag ng araw. Napanganga ako nang makita ang tila nakadikit na letters na pag natapat lang ng ilaw ay dun mo lang malalaman kung ano ang nakasulat. Paper effects.

Salitang 'ways' ang nakasulat sa papel na ito, in a calligraphy fonts. Dali-dali akong umakyat sa kwarto at kinuha ang mga papel na itinapon ko noon. Pinulot ko uli sila mula sa basurahan ning isang araw. Ngayon ko lang naisipang pansinin.

Pinagtabi-tabi ko sa lamesa ang mga papel ayon na din time and date ng pagkakita ko sa mga ito.

1st paper - ' I '

2nd paper - ' am '

3rd paper - ' al '

The last, or the latest - ' ways '

And a phrase formed: ' I-am-al-ways '

"I am always, what?", Alam ko. Alam kong may kasunod pa ito. Itinago ko uli ang mga papel sa cabinet at itinuloy ang paggisa. Bakit ganito? I mean bakit andami kong tanong sa utak ko? Parang yung mga recent na nangyari sa'kin, parang isang puzzle. Kating-kati na akong mabuo ang puzzle na'to. Pero baka mabaliw ako kung mapagtanto kong hindi lang isang puzzle ang kailangan kong buuin. This is so complicated. The clues are still blurry. Ni hindi ko pa makita ang koneksyon ng guy na yun sa papers na'to. Or, baka magkaiba talaga 'to. Pero Argh! So hard.

Paper effects. Unknown guy. I'm hoping they're just one.

Guy in the Dark (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon