Chapter 5

52 1 0
                                    

CHAPTER 5

Dream

Maaga akong nagising ngayon. Sabado kasi kaya habang hindi pa ako masyadong busy ay lulubusin ko na.

Matapos kong mag-impake ay pumara na'ko ng taxi papuntang bus terminal. Na homesick ako bigla. Kung di lang siguro nag-aaral ang kapatid ko dun ay pinatira ko na siya dito sa unit ko.

Habang nasa byahe ay di ko parin maiwasang isipin ang mga puting papel. It was a week ago nang matuklasan ko ang nakatago sa papel na yun pero hanggang ngayon hindi pa ako nakakatanggap ng kasunod. This is really bothering me the whole time. Para kasi akong nasa Amazing Race. You have to go through the vain clues para makuha ang nag-aabang na kasagutan. But what if it was just a stupid prank? What if somebody is just playing with me? Na kunyari may nagkaagusto sa kin which, just intentionally playing with my feelings? Dahil isa akong babaeng hindi pa nakaka-experience ng pagkakaroon ng boyfriend?

Iniisip ko pa lang ang mga 'what ifs' naiinis na ko. How dare them do those things to me kung sakali mang ganun nga?

Habang nilalaro ko ng cellphone ko ay may biglang tumawag. Tiningnan ko ang screen at bumungad ang naka pogi points na picture ng kapatid ko.

"Hello, bunso?!".

(Hi Ate! Asan ka na?)

"Malapit na 'ko sa bayan".

(Okey. Andito na kasi ako sa terminal eh)

"Ah gan- eh?", napatingin ako sa phone ko. Binabaan ba naman ako? Bastos na bata ito!

Nung may tumawag uli ay sinagot ko ito para pagsabihan ang mabait kong kapatid, "Hoy ba't mo binabaan ng phone si ate?! Aba! Nawala lang ako nagbago ka na, ah!". Pero walang sumasagot sa kabilang linya. Baka naman niloloko lang ako nitong batang ito?

Nang tiningnan ko ang number ay nalaman kong hindi pala ang kapatid ko ang tumawag.

"H-Hello?", lakas loob kong tugon pero wala paring sumasagot sa kabilang linya. Ito yung unknown number na lagi akong tinitext pero hindi ko magawang replyan. Sa totoo lang, hindi pa ako handa para malaman kung sino ang nasa likod ng numerong ito. Masyado pang maaga para alamin. Oo, gustung-gusto ko ng malaman ng matapos na pero parang wala ni isang bahagi ng katawan ko ang nag-uudyok sa sarili kong tanungin ito tungkol sa sarili niya. Tila pumapanig ang mga ito sa kung anuman ang iniuutos ng puso ko, na nagiimplement ng rule na 'FIND IT ON YOUR OWN'.

Ako na ang kusang nagpatay ng call since wala talagang sumasagot. For the first time ngayon ko lang naabutan ang tawag niya, dati kasi puro miscalls lang. Not to mention na aksidente ko lang ding napindot sa pag-aakalang ang kapatid ko ang tumawag.

Pagkarating ko ng terminal ay nakita ko agad ang sasakyan namin sa tapat ng kainan. Malamang dala ito ng kapatid ko. Buti pa nga yun, pinagkakatiwalaan na nila Mama na magdrive kahit underage palang. Samantalang ako na mag na-19 na ay palaging hinihindian nila mama. Psh.

"Ate!!", sigaw ng kapatid ko mula sa pinpwestuhan niya.

"Oh! Nico ba't ang taba mo na?".

"Ate, parang hindi naman ako mataba sa simula!", nagpout siya. Natawa nalang ko sa inasta niya. Mukhang hindi tinupad ni mama ang bilin ko sa kanyang wag sasarapan ang mga ulam. Ayan tuloy, lumalaki ang tiyan ng batang ito.

Wala pang ilang minuto ay nakarating na kami ng bahay. Sinalubong kami ng ngiti ni yaya Puring habang abala sa pagdidilig ng halaman.

"Hi Yaya! Asan sila Mama?".

Guy in the Dark (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon