Chapter 7

48 1 0
                                    

------

Oh Itsura ni Papa REESE!!! ----------->>

-----

Chapter 7

Protective

Kahit hindi pa gaanong katagal nagsimula ang pasukan ay nararamdaman ko na ang pressure na hatid ng college life. Kabi-kabila na ang mga projects na pinapagawa ng mga professors. Mga quizzes din halos hindi na kami tinatantanan.

"Good morning guys!", Prof. Luisa greeted us, "FYI. I'm not going to make some discussion here", she looked outside the room, "Get inside, Fernandez".

We all looked at the door and watched as a familiar guy in messy hair got in. He seemed bad boy but his sex appeal make girls salute him. I admit, I am technically one of them.

"Well, the staffs were apologizing for not making an announcement about the sets of student body org officers in your orientation day", wala pa ding umimik, "So si Mr. Fernandez, he is our present SC President this school year. Mr. Fernandez, could you please introduce yourself to them?".

"Sure", sagot niya at humarap sa amin. Panandaliang lumabas ng silid si Prof.

"Good morning. I'm Reese Martin Fernandez, or you can just call me Reese. I am second year student of Architecture Department", he introduced, "Every year, we used to lionize a grand concert week in Centro". Napuno ng bulung-bulungan ng buong silid.

Lumapit sa'kin si Luna, "Rinig-rinig ko, yan daw yung sa loob ng linggong yan, limang banda ang maglalaban-laban. Sa isang gabi, isang banda. Tapos pagdating ng Saturday, dun na daw ijujudge kung anong banda ang nanalo. Bale, yun na daw ang Grand Finals", tumango ako sa mahabang paliwanag ni Luna. Tumuon uli kami sa tao sa harapan.

"Magaganap na ang event na yon by next week. It's compulsory. We are going to assign an attendance checker every section, every day. It's up to you on how you make a deal with your checker. So if you're going to any outdoor trips, better cancel it as early as today or you might not like what will be your grade's status after this sem", wala pa ding umimik, "So where is....",

Nag vibrate ang cellphone ko at nakitang si Bryan ng nasa screen. Titingnan ko sana ng mensahe niya nang marinig ko ang pangalan ko.

"...Airish Resley West?", napatingin ako sa harapan at nadatnan kong tumingin lahat sa'kin.

"Huy, ikaw daw", kalabit sa'kin ni Shiela.

Tinaas ko ang kanang kamay. Lumapit sa'kin si President at may inabot na isang papel, "You were chosen to be the attendance checker. After class, please go to our office. Alam mo na ba yun?".

"Y-Yes, President", nauutal ko pang sagot. He is staring at me. Kaya ako nauutal dahil may kung ano sa mga mata niya. May kakaiba.

"Okey", pumunta siya sa harap at muling nagsalita, "we have color codings everyday. Ibibigay ko sa attendance checker niyo ang list ng color ng shirts na isusuot bawat araw. That's all".

Napuno ng bulung-bulungan ang room hanggang sa matapos ang klase. Halatang excited ang mga higher levels dahil puro tungkol sa banda ang pinag-uusapan nila pag dumadaan kami, habang ang mga freshmen ay nagtatanong pa din kung pa'no.

Habang nagkukulitan sina Shiela at Luna ay nakikitawa lang ako. Pa'no ba naman kasi ay ginagawan nila ng sariling salita ang bawat sinong makita nilang nag-uusap.

Guy in the Dark (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon