Chapter 18

27 1 0
                                    

Chapter 18

Puzzle

Nahihiya akong tingnan ang sarili ko sa salamin. May kung anong nakaukit dito na hindi ko magawang sulyapan. Sa tuwing dumadapo ang tingin ko sa aking repleksyon ay hindi ko maiwasang mangunot ang noo. Did I really do that?

Hindi ba't ang kapal naman ng mukha ko na ako mismo ang humingi ng distansya sa kanya? Pero tila nagsusukatan ng rason ang puso at isipan ko kung tama ba ang ginawa ko. My heart says I did wrong, but my mind sticks to what I just did is for my own good. Pinaiiral nito ang importansya ng self-worth ko.

Bumalik ako sa pag-upo sa kama at hinubad ang sapatos. Nakakapagod ng bumaba dahil sa sobrang stress ng araw na'to. Totoo nga talagang mas nakakadrain ng energy ang mental kesa physical. Pagkatapos kong maligo ay nagtoothbrush ako. Kung wala lang sigurong review bukas, hindi na ako papasok.

Maya-maya'y nang makahiga na ako binuksan ko na ang cellphone. Hinintay ko pang magdatingan ang mga nadelay na mga mensahe bago ko buksan lahat. Karamihan doon ay galing kay Liam.

Simula na din nung araw na nagconfess siya ay walang sawa siyang nangangamusta sa akin. Tapos nagsosorry sa mga days na hindi niya ako nadadalaw. Aniya'y busy din daw siya sa Midterms. Actually, mas okey yun. Atleast hindi lalong macomplicate ang utak ko.

Isa pa pala yan sa problema ko. Hindi ako napapakali sa t'wing naaalala ko ang mga dapat kong gawin para masabi kay Liam na hindi niya na kailangang gawin ang mga ito. It's been weeks ago pero wala pa rin akong nagagawa. Argh! What should I do? Ni hindi ko pa nga nakekwento kila Shiela ang tungkol dito. Yeah, alam nilang nanliligaw si Liam but.. The thing is, ang alam nila ay sobrang saya ko at niligawan ako ni Liam. Botong-boto daw sila sa akin. They didn't know about Yorx at wala pa akong lakas ng loob na ipaalam sa kanila. Dahil baka kung ano ang isipin nila about being me in love with a stranger. It's my fault, and Yorx, too. It is our fault.

Tila nabuhay uli ang tampo ko sa kanya. 'Soon' siya ng 'soon', pero wala pang balita! Kelan ba kasi yung soon na iyon? Kahit hindi pa talaga ako completely ready ay kinakailangan ko na syang makita. Hindi ko muna iisipin ang magiging initial reaction ko. Nilalamon na kasi ako ng sitwasyon.

Kinabukasan ay medyo late na ako tumungo sa school dahil bukod sa alas diyes pa ang pasok ko ay wala din ang Professor namin sa subject na yon. Wala pa ring masyadong tao kaya humalukipkip muna ako sa upuan. Inaantok pa rin ako kahit na late na ako gumising dahil sa kakaisip kagabi.

Hindi ko alam na nakaidlip pala ako not until somebody's poking my face. Hinahawi ko pa ito pero ayaw pa ring tumigil. Ayaw ko talagang iniistorbo ako sa tulog.

"Yugyugin mo naman ng malakas, Luna!"

"Ayoko! Baka mamaya sapakin ako bigla niyan!"

"Eh alangan namang hindi natin iyan gisingin eh time na!"

"Eh ikaw nalang kaya gumising!"

"Ikaw nalang, ikaw malapit eh!"

"Edi lumapit ka dito para malapit ka na din!"

Guy in the Dark (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon