Chapter 1

118 4 4
                                    

------

AIRISH on the side!! <3 --------->

------

CHAPTER 1

Blank paper

Huminga ako ng malalim habang nilalanghap ang sariwang hangin na sumasalubong sa akin mula sa bintana ng bus. Hindi naman ito ang kauna-unahan kong bumyahe ng malayo pero hindi ko parin maiwasang hindi mamangha sa kakaibang feeling na naidudulot ng sariwang hangin.

Sabado ngayon. Medyo inagahan kong lumuwas ng Maynila para may oras pa ko sa pagpunta ko ng school. Sa Lunes na kasi magsisimula ang pasukan. Pinili kong mag rent dahil bukod sa malapit lang ito sa kolehiyong papasukan ko, hindi pa hassle sa pag-uwi ng ganito kalayo araw-araw.

Bahagya ko nang isinara ang bintana dahil unti-unti ko ng nalalanghap ang amoy ng usok at kung anu-ano pa, hudyat na malapit na ako sa puso ng Maynila. Mahigit isang oras bago ko naaninag ang Centrolopez University. Nadadaanan lang ito ng bus kaya hindi na kailangang umabot pa ko hanggang terminal nito.

Pagbaba ko ay nakita ko agad sa bungad ng gate ang may-ari ng mga paupahang bahay. Ningitian ko siya nung nakita niya ako.

"Oh! Kala ko naman hindi ka babalik! Aba'y muntik ko ng ibigay sa iba ang unit mo eh!", bungad niya habang nakangiti.

Napakunot ang noo ko sa kanya, "Ha? E diba po, nagbayad naman na po ako ng 2-month advance deposit?".

"Oo nga, e akala ko irerefund mo lang yun. Diba napagkasunduan nating biyernes ka pupunta dito?".

Ahhh....nakalimutan ko yata.

"Ay! Oo nga po pala! Nakalimutan ko, hehe. Pasensya na po ah! Buti nalang po hindi niyo po naibigay sa iba!".

"Buti nalang talaga! Oh siya sige!", may kinuha siya mula sa bulsa ng kanyang bestida, "Ito yung susi ng unit mo".

"Salamat po!".

Pagkabukas ko ay nilapag ko agad ang dalawang bagahe sa sofa at pinasadahan ng tingin ang buong bahay. Hindi naman masyadong malaki ang unit na kinuha ko, yung tipong tama lang ang sukat at laki para sa isa o dalawang tao. May sala, hapag-kainan, may CR, at may isang hagdanan papuntang dalawang kwartong nasa taas. Tiled ang sahig, sementado ang wall. May terasa din ito sa taas, which is yung nagsisilbing hangganan ng hagdan.

Nung una kong punta dito ay sinimulan ko ng linisin ito dahil sigurado naman na akong kukunin ko ito. Binilhan ko nadin ng sofa, lamesa, kama at kung anu-ano pang kailangan dito. Ako ang kauna-unahang titira dito sa unit na ito kaya wala akong poproblemahin sa kalinisan nito.

✘✘✘✘✘

Nung natapos ako sa paglilinis ay pumunta muna ako ng Centro para kunin ang class sched ko. Mas maganda nang ngayon ko na kunin ang sched kesa makipag-unahan pa ko bukas sa mga estudyante.

Maituturing kong isang malaking unibersidad ang Centrolopez. Bukod kasi sa kalawakan ng area nito ay maingay din ang pangalang ito sa mundo ng mga sikat. Kaya hindi malabong tahanan ito ng mga mayayaman at makapangyarihang personalidad sa iba't-ibang larangan.

Pero hindi dahil sa estudyante na'ko dito ay isa nako sa anak ng mga maimpluwensiyang tao.

Tama lang ang pamumuhay namin. May itinataguyod ang aking mga magulang na dalawang branch ng bookstore sa probinsya namin. Simple lang yun kung ikukumpara sa yaman ng mga tao dito na halos lahat ay nagpapaligsahan sa kung sino ang pinakamalaking building sa syudad. May mga savings kami sa tatlong bangko, at isa dun ay kinukuhanan pang tuition ko.

Mas marami ang mga estudyante ngayon kesa nung unang punta ko dito. Malamang kasi last freeday na yata ngayon ng pagkuha ng class sched.

Paakyat na ko ng Admin nang may makasalubong akong kakilala.

"Bea?", napalingon sakin ang babaeng kasalubong ko.

Nanlaki ang kanyang mga mata, "Airish? Oh my God! Ikaw pala!". Niyakap niya ako bigla.

Kumalas siya sakin habang tuwang-tuwa padin sa pagkikita namin. Bea and I were not really close. Schoolmate ko lang siya nung highschool dun sa probinsya namin. Ahead siya akin ng isang taon kaya wala talagang chance na maging close kami. Nagngingitian lang kami tuwing magkasalubong, but hindi talaga yung as in magkasabay sa lakad o sa pagkain.

"Sorry napayakap tuloy ako! Kanina pa kasi talaga ako naghahanap ng kakilala eh", she explained.

Sinabayan niya na ko sa paglakad pabalik ng Admin Office para daw may kasama ako.

Napag-alaman kong dito pala mag-aaral ang kapatid niyang si Bryan. Katulad ko, first year din papasok si Bryan. Naging classmate ko siya nung 1st and 3rd year high.

"Haaay! Nakakainis nga yung kapatid kong yun eh! Ako pa yung pinakuha niya ng class sched samantalang wala naman siyang ginagawa sa unit niya ngayon!", tumawa nalang ako sa litanya niya.

Nung nakuha ko na ang sched ko ay nagpasya kami ni Bea na kumain muna sa labas since lunch break na. Pumasok kami ng Jollibee na nasa labas lang ng Centro. Medyo maraming tao dito kaya medyo nahirapan kaming maghanap ng table.

"Ako na uorder ng para sa tin, maghanap ka nalang ng bakante", tumango ako at nagsimulang maglibot ng paningin. Nung nakakita na ko sa may bandang dulo ay umupo agad ako.

Habang naghihintay ako ay di ko maiwasang makaramdam ng parang may tumitingin sa kin. Nagpalingon lingon ako pero halos lahat naman ay abala sa mga ginagawa nila. Napaparanoid lang yata ako. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at naglaro ng angry bird. Baka sakaling mawala ang pagkabahala ko.

"I'm here", napaangat ang ulo ko sa nagsalita at agad kinuha ang mga inorder namin mula sa tray na hawak niya.

"Thanks", tugon ko at nagsimula agad kumain.

Nung nakaupo na siya ay agad naman siyang nagsalita, "So kumusta ka, Airish?".

Tumikhim ko, "Okey lang, ikaw?", hindi pa din ako ganun ka kumportable kausap siya. Hindi ko alam kung pa'no ko idedeliver ng maayos ang mga sasabihin ko nang umaayon sa kanya.

After ng medyo awkward naming conversation ay nagpaalam na siya. Baka daw kasi malate siya sa last trip ng bus papuntang probinsya. Ibibigay niya lang daw saglit ang class sched sa kapatid niya.

I was on my way nang may natanggap akong message mula kay Nico:

--

From: Nico

Ate, naiwan mo dito yung headset mo.

--

Nireplayan ko siya.

--

To: Nico

Pakitago nalang dun sa cabinet ko sa kwarto, bunso.

--

Nang makarating ako sa unit ay hindi na nagreply ang kapatid ko. Inilagay ko nalang ito sa tabi at umupo. Ano kayang magandang gawin? Iniisip ko palang kasi na ganito lang ako hanggang sa matapos ako sa kolehiyo ay napapailing na ko. Pero siguro naman masasanay na din ako nito sa katagalan. Besides, uuwi naman ako every other week eh, depende kung hindi masyadong busy.

Nung pahiga na sana ako sa sofa ay tila naramdaman kong nalukot, which made me stood back. Isang papel iyon na lukut-lukot na parang sinadyang icrumple. Bakit kaya nagkaroon ng ganito dito? The last time I checked, wala namang kahit anong papel na nakakalat dito. Since curiousity is killing me, unti-unti ko itong binuksan.

Blank.

Ang salitang 'blank' lang mismo ang pumasok sa utak ko. Eh? Sumilip ako sa bintana. Hmm. Ano kaya ito?

I sighed. Baka naman yung may-ari mismo ang nakaiwan nito dito. Pero di ko parin talaga maiwasang ma-curious.

Yeah right, curiousity kills.

Guy in the Dark (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon