Chapter 17

19 2 0
                                    

Chapter 17

Off Limit

I don't know why I felt something strange with what Bryan's facial expression. It's like something is up and should not leak.

Kahit na ipinagkibit-balikat nalang ito nila Shiela ay hindi ko iyon magawang balawalain. Gustuhin ko mang tanungin at kulitin si Bryan ay hindi ko nalang susubukan. Kita naman kasi sa mukha niyang wala siyang balak sabihin kung ano man iyon kahit halikan ko pa ang paa nun.

Here we go again with the puzzles. Parang kagaya din noong tungkol sa blank papers, which happened to have an invisible paper effects yet the difference is...si Bryan ang nasa likod ng puzzle na ito. Or, masyado lang ako napaparanoid at binibigyan ko lang ng isyu ang mga maliliit na bagay? Tama! I am just paranoid over petty things. Dapat hindi ako masyadong nagpapadala sa kung anong pinapakita ng paligid.

Parang gusto ko tuloy iuntog ang ulo ko sa pader na sinasandalan ko. Gusto kong magising sa isang ideyang may mga bagay na hindi pinag-aaksayahan ng oras, na hindi naman talaga kailangang tambayan ng matagal. That's what I notice to myself these past few days. I'm just paranoia. Siguro ay dulot lang ito nung unang encounter ko with Yorx. Hindi lang ako sanay. You know, first times are still on my way kaya siguro these things seemed new to me to the point na hindi ko alam kung pa'no makipag-deal with. That's one of the hard times on first times.

Naging busy na ang sumunod na mga araw dahil nagsastart ng magreview ang ibang subjects namin para sa Midterms Exam. So mas lalo kaming pressured ngayon at expected nang hindi pa ako makakauwi sa probinsya namin. Miss ko na sila Mama.

"Haaay! Grabe! Review buong araw?! Kumusta naman yon?!", reklamo agad ni Shiela at padabog na binagsak ang tatlong libro nito. Andito kami ngayon sa cafeteria kumakain. Hindi na ako umuuwi sa unit para kumain kasi gahol na sa oras. Although tabi lang siya ng Centro ay inuubos naman itong lakad. Lalo na ngayo't uso ang Pre-test kada subject. Kailangang magstudy almost hour to hour.

"Tss. Sinabi mo pa. Hindi na nagpaawat ang mga teachers", pagsang-ayon naman ni Luna.

Pumangalumbaba ako, "Ramdam ko na nga ang college life eh", sabi ko at binuklat ko ang librong uunahin kong basahin . Buong akala ko talaga kasi hindi pa magiging ganito kabusy ang 1st semester namin. Haaay, goodluck talaga.

"Hi Girls!", napalingon kami kay Bryan na nakangisi at may dalang libro. Mukhang puyat din ang isang to dahil medyo haggard ang itsura.

"Anyare, Bry?", natatawa ko pa habang tinuru-turo ang buhok niyang nakahawi sa iba't ibang direksyon.

"Si Cel?", tanong ni Shiela. Minsan kasi sumasama na yun sa amin lalo na kung andito si Bryan.

"Hahabol daw siya dito. Pero I'm not sure kung maabutan pa kayo nun", utas ni Bryan. Ine-expect kong mag-aasaran na naman ang dalawa (Shiela at Bryan) gaya ng nakagawian pero dahil busy talaga, hindi nila nagagawang masyadong magbanggaan. See? That's how we're busy.

Lumipas na ang lunchbreak pero hindi na talaga namin naabutan si Celina. Nakasalubong nalang namin ito sa hallway na may dala ding libro at pawisan. Ningitian niya nalang kami na parang nagsosorry. Siguro ay dahil hindi niya na kami naabutan.

"Guys, sorry hindi ako nakasabay", ani niya.

"Hindi okey lang. Andun pa naman ang jowaers mo, naghihintay!", pang-aasar ni Shiela. Nung una talaga hindi niya gusto si Celina bilang girlfriend ni Bryan dahil sa mga nangyaripero nung kalaunan aty natanggap niya naman ito. Actually, mas close pa nga sila kesa sa amin ni Luna eh, "Pero mamayang uwian, sumabay ka samin ni Luna".

Guy in the Dark (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon