Chapter 16

26 2 0
                                    

Chapter 16

Sikreto

"Haaayy..."

Napapabuntong - hininga ako sa lalim ng eyebag ko. Pinipisil ko pa ng matagal ang ilalim ng mata ko para lang bumalik ito sa dati pero pagkabitaw ko ay kusa lang itong bumabagsak.

What Yorx did, hindi na talaga ako tuluyang dinalaw ng antok hanggang sa mag alas dos ng madaling araw. Tila ginawa kong umaga ang gabing yun. Hindi kasi talaga maalis sa mga ngiti ko ang nangyari nung gabing yon. Ni hindi pa nakakatibok sa normal ang puso ko sa sobrang saya nito. Hindi ko inasahang maeexperience ko agad iyon. Siguro iniisip ng iba na masyadong mababaw ang kilig ko pero hindi ko naman sila masisisi. Bilang isang babaeng walang kaexpe-experience sa mga ganyan ay normal lang na matuwa sa mga ganito. Well, kasiyahan ko at niya naman ang importante.

Tumigil na ako sa pagtitig ng aking repleksyon sa salamin at naupo sa edge ng kama. Wala naman na akong magagawa kung ayaw talaga paawat ng eyebags ko.

Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko na ang pulang tshirt. Red na kasi ngayon ang naka-aasign since grand finals na. Kaya hindi na ako magtataka kung mas marami ang mga tao ngayon.

"What's with your louis vuitton eye, Ms. West?", yan agad ang pambungad nila sa'kin nung nagkita-kita kami sa bench sa tulip garden. Inirapan ko nalang sila kaya tinawanan nila ako. Nakabalik na nga pala si Luna kaya kumpleto kami ngayon.

Actually, pwede naman na kaming pumunta kung saan-saan kasi nakapag-attendance naman na kami. Pero dahil sobrang init ay pinili naming manatili sa silong sa ilalim ng footbridge. Sarado din kasi ang library kaya hindi kami makapagtambay doon.

Binuklat ko muna ang librong hiniram ko sa library nung last week. Doomsday Conspiracy by Sidney Sheldon. Mom recommended this book to me kasi daw nakaka-aware daw sa paligid. Really? Aliens? Betrayal? Broken commitment? Then I remembered Mom laugh after saying. Sheez. Nagbibiro nga lang pala siya nun. Pero since maganda ang story, hindi ko na tinantanan. I found it interesting anyway.

Tinigilan naman nila ako sa pang-aasar sa eyebags ko kaya naging tahimik na din ang aking pagbabasa. May kung ano silang pinag-uusapan tungkol sa classmate nila nung high school. Wagas pa kung makatawa.

Ngunit sa gitna ng aking pagbabasa ay naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko hudyat na may nagtext.

--

From: Brian

Man, asan kayo?

--

Nireplyan ko agad siya.

--

To: Brian

Andito sa Tulip Garden. Punta ka?

--

Hindi na siya nagreply kaya batid kong papunta na siya dito. Itinuon ko muli ang tingin ko sa libro.

Parang may kung anung bagay ang tila naghihiwalay sa mga pahina ng libro sa may bandang likod. Tiningnan ko iyon at bumungad ang isang lumang litrato. Ba't hindi ko ito napansin agad? Kinuha ko iyon at inangat pa kapantay ng aking mga mata.

Imahe iyon ng dalawang nakasandong batang magkaakbay - isang lalake at isang babae. Halatang luma ang litratong ito ayon na din sa sepia na kulay nito. Kayumanggi ang kulay ng batang babae at ang laki ng ngiti habang ang lalaki ay may lahing banyaga at naka ngiti ng matipid. Background nila ang isang beach resort na may mga naliligo din. Napangiti ako sa mala-anghel na mga ngiti ng mga bata.

Nagulat ako ng may biglang humablot nito mula sa pagkakahawak ko. Kumunot ang noo ko kay Bryan na ngayon ay titig na titig sa litrato.

"Woah. Who are these kids, bes?", sabay tingin sa akin, "And what's with those eyebags?".

Guy in the Dark (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon