Chapter 8

45 2 0
                                    

Chapter 8

That kiss

"PAKK! Ayan tapos na!", tumango ako kay Shiela habang nagpapagpag ng kamay. Nagdidikit kami ngayon ng announcement sa bulletin board ng room, kasama na din yung color coding. Yun nalang ang ginawa ko kesa gumawa ng announcement sa buong klase.

"Alam niyo ba", napalingon kami ni Shiela kay Luna habang nagdo-drawing ito ng manga sa sketchpad, "Sa lahat ng in-assign na maging attendance checker ikaw lang Airish ang hindi room secretary".

Napakunot ang noo ko. So ibig sabihin dapat talagang sa secretary ang gawaing 'to?

"Talaga?", tumango si Shiela. Lumapit na kami sa kanya. Sabado ngayon kaya walang tao dito. Nagplano lang kaming pumunta dito. Actually ako lang naman dapat ang nandito. Pero since mapilit ang dalawa, ayun sinamahan nila ako. Anila makikitulog sila sa unit ko. Buti nalang king-sized ang bed ko dun. Paniguradong kasya kami dun.

"Eh...bakit ako yung in-assign? Wala ba silang list ng mga homeroom officers every section?", tanong ko.

"Syempre meron. Kaya nga nalaman nating ikaw lang ang hindi officer diba?", sagot ni Shiela, "Pero nakapagtataka naman kung bakit ikaw ang humawak?".

"Ano ka ba, Sheh! Okey lang 'noh! Kung lagi ko namang nasisilayan ang gwapong mukha ni Reese, hinding-hindi ko tatanggihan yun!", napangiwi si Shiela sa muka ni Luna. Natawa nalang ako.

"Hopeless Romantic ka talaga, Luna! Tigilan mo na nga ang kaadikan mo sa anime! Naiimpluwensyahan ka na niya eh!", umirap lang si Luna kay Shiela na nakabusangot. Nakakatawa talagang mag-aaway tong dalawa.

"Pero uy", bumaling ang atensyon ni Luna sa'kin, "Tanungin mo kaya si Reese baka kamo nagkamali lang siya".

"Hindi na. Mukang hindi naman siya nagkamali kasi wala naman siyang nabanggit nung pinuntahan ko siya sa office nila", tumayo na ko at inaya na silang umalis. Mag ga-gabi na kaya baka maabutan pa kami ng guard dito.

Pero nasa gate palang ako nang kinapa ko ang bulsa ko. Hala! Naiwan yata sa room ang cellphone ko, "Guyz, may nakalimutan ako sa room. Mauna nalang kayo sa unit".

"Gusto mo samahan ka namin?", tanong ni Shiela.

Tinanggihan ko nalang sila since malapit lang naman sa gate ang room namin, "No. Okey lang ako. Sige na".

"OKEY! BYE!", sabay nilang tugon sabay takbo. Napakunot ang noo ko dun. Ang weird talaga nila kahit kelan. Excited.

Bumalik ako syempre sa room since hindi pa naman sarado. Hindi pa yata nadadaanan ng gwardya o janitor ito. Ang dilim. Yung hallway eh pwede ng pang horror.

Bubuksan ko na sana ang switch nang maramdaman kong may nakapatong sa kamay ko. Paglingon ko ay agad na tinakpan ang mga mata ko kasabay nang marahang pagsarado ng pinto at paglock nito.

"Sino ka?! Bitawan mo ko!", nanlalaban ako. Isinandal ako sa wall at nakaramdam ng makapanindig-balahibong bulong sa tenga ko, "its me".

Oh and I missed him.

Kusang lumanding ang mga kamay ko sa normal nitong posisyon at bumuntong-hininga. Akala ko kung sino. Tinanggal na din ang takip sa mata ko.

"A-Ahh...I-I'm sorry nanlaban ako",yun lang tangi kong naisip na salita since nakakatuliro ang lalaking ito. Hindi ko alam ko tama ba yung binitawan king salita since urging yun. What's with him? Bakit kahit hindi ko pa nakikita ang muka niya ay magsalita lang siya, may urge agad sa king magpadala sa agos. What's the damn thing with him?

Guy in the Dark (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon