Chapter 15

32 4 3
                                    

Chapter 15

All about us

"What?!", bulalas ko nang mapagtanto ko ang sinabi ni Reese. I can imagine his smirking face in the dark and I.. don't like it.

Pero tila wala siyang narinig mula sakin at nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad.

First of all, why am I even following him? I think there isn't something wrong with what he said, right? Bakit ba ako nagpapaapekto? Tapos ano naman ang sasabihin ko? Kung anong ibig niyang sabihin dun? What if he just meant nothing?

Nung gumana ang utak ko ay lumihis na ako ng lakad na ngayo'y papunta na ng unit ko. My mind is pretty exhausted kaya kailangan kong magpahinga. I have my problem with Liam now enough to not entertain others.

Pagkahiga ko ng kama ay doon ko lang naramdaman ang sakit ng katawan ko. Medyo sumasakit uli ang ulo ko kaya pumikit nalang ako. I should have slept earlier para naman hopefully well na ako bukas.

Pero lumipas ang ilang oras ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nagpalipat-lipat na ako ng pwesto at lahat, hindi pa rin. Kahit anong pikit ko ay ayaw pa ding matulog ng diwa ko.

Tumayo muna ako at bumaba sa kusina para uminom ng tubig, thinking na aantukin ako pag nagpakabusog sa tubig. Bumalik ako sa taas at tumambay muna sa balcony. Dala-dala ko ang cellphone ko at baka sakaling may magtext.

Sa totoo lang, kanina ko pa inaabangang magtext si Yorx. Ewan ko simula nang dumating si Liam ay hindi na siya nagparamdam. Maybe he's busy? Saan naman? Haaiish! I feel like an idiot here.

Mula sa cellphone ay napadako ang titig ko sa unit sa aking harap. Napapangisi ako pag naaalala kong magkapit-bahay pala kami ni Reese, at kanina ko lang nalaman. It was like...Woah? Really? Bakit wala man lang nabanggit si Bryan sa'kin? And si Shiela? Pero I'm pretty sure wala pang alam si Shiela o si Luna.

Naagaw muli ang atensyon ko nang makitang nagbukas ang ilaw sa isang part sa second floor ng unit ni Reese. Pilitin ko mang makita ang loob ngunit bigo ako dahil sa mga vertical stripes na design ng mga kurtina. May nakikita akong pigura ng tao na palakad lakad sa isang kwarto. Of course, si Reese iyon. Siya lang naman ang nakatira jan eh.

Parang nakalimutan ko ang purpose ng pagtambay ko dito sa balcony dahil naaaliw akong tingnan si Reese na parang hindi mapakali. Pabalik balik ito habang nagse-stretch ng mga braso. I don't technically see him but I would think he got this perfectly flexed muscles. Kahit anino niya lang ang naaninag ko mula dito ay nakikita ko pa din ang mga kurba niya. Nakaka-curious tuloy kung anong itsura. Pervert, Airish.

Napanguso ako nang tumigil na siya at humiga. Nakakadisappoint naman...

Napatalon ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Bumalik uli ang ngiti ko ng mag-appear ang number ni Yorx sa screen. Agad kong binasa ang mensahe niya.

--

From: Yorx

I miss you, baby.

--

Ngumiti muna ako ng pagkalaki-laki bago ko siya nireplyan.

--

To: Yorx

Ikaw din.

--

--

From: Yorx

You look disappointed?

--

Napatingin ako sa paligid. Hala! Baka sabihin niyang pinagnanasaan ko si Reese. Pero buti nalang ay nagtext uli siya kasi hindi pa ako nakakangapa ng irereply. I felt guilty.

Guy in the Dark (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon