Chapter 21

19 2 0
                                    

+++++++++++++

Warning: SPG kasi super dami ng bad words! Konserbatibo!! LOL

- Nehjiebaruh:p

++++++++++++

Chapter 21

Ex-bestfriends

Nanghihina ang mga tuhod ko. Nakatitig lang ako sa madilim niyang unit sa labas at iniisip kung bakit nagkakakaganito si Reese. Is it even worth thinking for? Problema niya ito, not mine. But what does he mean by this? Kanina pa siya sa kotse tapos ngayon bigla nalang kakatok at mangyayakap? What's with this man?

Nung medyo mahina na ang pagyakap niya ay sinamantala ko iyong ikalas pero ngumingisi lang siya at mas dinidiin pa ang mga braso. Naramdaman ko na rin ang ilong niyang nakabaon sa balikat ko. Tila nagwawala na ang mga paru-parong umiikut-ikot doon. I know this feeling, and this not good! For Pete's sake!

"Reese! P-Please let go!".

"No", sabi niya habang lumalalim ang kanyang paghinga. Naamoy ko pa ng mas malapitan ang alak mula sa hininga niya. Napapasinghap ako sa mga haplos niya sa bewang kong nakakalasing ng katinuan.

Ngunit nawala lahat ng iyon at napalitan ng takot ang nararamdaman ko nang may naaninag ako mula sa dilim sa labas ang pigura ng isang tao. Halos lumuwa ang mata ko sa nakita.

"Siya pala?", kalmado ngunit madilim ang mga salitang binitawan niya. Hindi ko alam kung gagalaw ba ako o mananatiling ganun para manatili akong tago sa kahihiyang dala-dala ko na. I'm not expecting this kind of scenario dahil parang hindi ko yata kakayanin.

Seeing Liam in a lost shadow is such a torture to me as his friend. Masyado siyang nasaktan sa mga sinabi ko at ang patunayang totoo nga ang mga iyon ay dumoble sa sakit na naramdaman niya. Parang gusto ko siyang puntahan at sabihing it's not what he thinks. Of course, it's definitely not what he thinks. Magkaiba si Yorx at si Reese. Si Yorx ang iniisip ko habang nag-eexplain ako sa kanya kanina. Si Yorx ang dahilan ng lahat. Si Yorx ang dahilan kung bakit hindi ko kayang mag-adjust! Argh! I hate him right now!

Ewan ko tila bumalik ang lakas ko nung naaninag ko ang malungkot na mukha ni Liam kaya naitulak ko palayo si Reese. Nagulat ito sa ginawa ko at akma sanang lalapit uli nang sa isang iglap ay bigla nalang ito humandusay sa harap ko. Nanginginig na binalingan ko uli ng tingin si Liam na ngayo'y tila nagtatangis ang mga bagang sa galit at namumuti ang kamay sa pagkuyom ng kamao.

"LIAM! Stop-", dinaluhan ko agad si Liam ngunit iniwasan niya lang ako at hinila si Reese patayo.

"F*CK YOU! ASSHOLE!!", sigaw niya kay Reese.

"Liam, tama na please-".

"ARRRGGGHHH!!!", sinuntok niya ulit ito. Gumanti rin si Reese ng suntok na nagpatumba kay Liam. Hindi ko inaasahang makakasuntok siya ng ganun kalakas dahil lasing siya.

Napalayo ako ng bahagya at hindi na muling naiwasan ang pagtulo ng luha ko. Panay na ang palitan nila ng suntok kaya hindi ko alam kung sino ang una kong dadaluhan sa kanila. Tila nangugat na ako sa kinatatayuan at tanging ang hikbi ko nalang ang pwedeng magpatigil sa kanila. Tinakpan ko ang mata ko. Hindi ko kayang tingnan silang nagsusuntukan. Ayoko makakita ng nagkakasakitan.

"BAKIT SA LAHAT!!! BAKIT SA LAHAT, SIYA PA!! T*NGINA MO!!", may halo nang luha ang mga pagsuntok ni Liam. This is all my fault. This is all my sh*tty fault!

"Bro, I can't blame my heart-".

"F*CK YOUR BLOODY HEART, MARTIN! T*NGINA MO! HINDI KITA BRO! GAGO!!", tapos sinuntok niya uli si Reese.

Guy in the Dark (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon