Chapter 14

31 3 0
                                    

Chapter 14

Masarap ba?

Mahigit isang oras yata akong nakadungaw sa unit di umano ni Reese mula dito sa terrace. Nakakatawa na nakakaewang isiping halos dalawang buwan saka ko lang nalamang magkapitbahay pala kami. So, probably siya yung nakita kong student na pumasok ng hatinggabing lasing si Bryan?

Bumalik nalang ako sa room ko at humiga uli. Tinitigan ko ang kisame baka sakaling may kung anong lumabas dun. Pagkaalis kasi ni Bryan ay hindi naman nagtagal masyado si Reese. Aniya'y busy daw siya dahil finals na bukas. Hindi na nga yata siya dumaan sa unit niya at dumiretso nalang sa Centro.

Napalingon ako sa cellphone kong nagvavibrate sa side table.

--

From: Liam <3

I'll fetch you by 6:30 mamaya.

--

Oo nga pala, magdidinner pala sana kami mamaya.

--

To: Liam <3

Sorry, I can't. May trangkaso ako.

--

Mabilis naman siyang nagreply.

--

From: Liam <3

Why? Pupuntahan kita jan.

--

--

To: Liam <3

Hala! Wag na! Baka maabala pa kita jan.

--

--

From: Liam <3

No. I insist. Just wait for me.

--

Hindi na ako nagreply dahil wala naman akong magagawa kung gusto talaga ni Liam pumunta dito eh. Mga ilang bisita pa kaya ang ie-expect kong dumalaw dito sa unit ko?

Ilang minuto ang lumipas nang makarinig ako ng busina sa labas. It must be Liam kaya bumaba na agad ako at pinagbuksan siya ng pinto. Buti alam niya pa itong unit ko.

Ningitian niya ako, "You look terribly sick".

"Hindi naman masyado", inaya ko siya sa loob at inalok ng coffee pero tinanggihan niya.

Umupo ako sa sofa sa gilid niya, "Ahm...Salamat sa pagdalaw", seriously, I should practice more on how to properly use sentences in place. He just nodded and genuinely smiled.

The past hours are not that boring, though. Kinwentuhan niya ako about sa studies niya at kung anu-ano pa. Kahit lovelife niya ay shinare niya din sakin. He is one year ahead of us. He's now second year criminology student of St. Agustine College na medyo may kalayuan sa Centro. 1 week wala silang pasok dahil daw sa Special Teachers Trip to Puerto Prinsesa na every year naman talaga nangyayari, well syempre iba-ibang lugar every year. Bale, parang tradition nalang yun, kaya siya nakakapunta dito sa Centro ng free.

Habang tumatagal ay nakikita ko nalang na nagtatawanan na kami ni Liam sa kinikwento niya. Infairness, hindi naging awkward ang situation namin ngayon kasi hindi nagtetext or tumatawag si Yorx. I wonder kung bakit hindi na siya nagparamdam simula kanina.

"Airish", he called me, "Totoo talagang wala kang naging boyfriend ever since?". Napahinto ako sa pagtawa at ngumiti nalang sa kanya. Pa'no niya nalaman?

Guy in the Dark (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon