Chapter 10

56 3 1
                                    

------

Celina on the right side------------>>

-----

Chapter 10

Tiwala

Napabalikwas ako ng bangon nang makarinig ako ng sigaw. Bigla akong kinabahan sa nakakatuliling sigaw ni Shiela.

"AAAAAAAAHHHHHHH!!!"

"ANONG NANGYAYARI?! MAY SUNOG BA?!", tanong ko ng matanaw sa loob ng kwarto ko si Bryan na ngayo'y sobrang laki ng mata.

Natahimik ang lahat nang nagtanong ako. Parang may mali sa tanong ko kaya bigla silang nanahimik. Unti-unti kong sinulyapan si Bryan na ngayon ay malayo ang tingin, si Shiela naman na halos mapunit na ang kumot ko sa pagbabalot niya sa katawan niyang nakapanty at bra lang. Nagkatinginan kami ni Luna nang may narealize ako.

Mali nga yata ang tanong ko.

"Sorry! Hindi ko alam! Pasensya na! Lalabas na'ko!", ani Bryan at nagmamadaling nilisan ang kwarto.

"God! Ano bang nasa kokote ng Bryan na yon at bigla bigla nalang siyang pumapasok!", sinilip niya ang katawan niyang nasa ilalim ng kumot, "Buti nalang natakpan ko agad to!".

Binatukan siya ni Luna, "Pasayaw-sayaw ka pa kasi sa harap ng salamin eh! Di ka pa agad nagbihis. Ayan tuloy! Psh!".

"Tseh! Isa ka pa! Nilolock mo din sana ang pinto kasi ikaw ang huli! Huhu! I'm not virgin anymore!", pag-iinarte ni Shiela. Napapailing nalang kami ni Luna. Parang gusto ko tuloy matawa sa reaksyon niya kanina! Haha!

Kinwento ko sa kanila ang nangyari kung bakit nandito si Bryan sa unit ko natulog pag-alis nito. Inaya ko pa siyang kumain muna pero sinabi niyang dun nalang siya sa unit niya tutal maaga pa naman daw. Dagdag pa niya, baka daw mabugbog siya ni Shiela. Tinanguan ko nalang siya kasi hindi malabong mangyari yun, naging kaibigan na din kasi nila ito simula nung ipakilala ko sila sa kanya.

✘✘✘✘✘

Umuulan ng kulay orange ang buong paligid ng Centrolopez. Lunes ngayon at simula na ng Grand Concert Week kaya halos lahat ng estudyante ay nagdidiwang. You know, iwas long quizzes at surprise tests. Ika nga'y pahinga daw muna ang mga utak namin.

Pagpasok namin ay nagkalat ang halos lahat ng estudyante sa tulip garden. Sa ilalim ng bridge may nakasabit na malaking banner na 'GRAND CONCERT WEEK: A week of Music'. Nice one! Nakakaexcite pa lalo.

Hindi naman kami lahat nagmukang mga preso dahil sa iba iba naman ang design ng mga damit namin. May mga nakadress, naka tees, mga naka varsity jacket (na kahit mainit ay suot pa din). Nakadress kami ni Luna samantalang si Shiela naman ay nakashort shorts.

Kaagad kaming pumunta sa room at pumirma ng attendance doon na dinikit namin sa teacher's table nung Saturday. Medyo half ng 65 students ay nakapirma na. Halatang excited kaya maagang pumunta.

"Ui! May ice cream dun oh! Bili tayo!", tiningnan namin ni Luna ang tinuro ni Shiela sa labas.

"Hang init, Shiela! Ayokong lumabas!", iritadong sagot ni Luna habang binubuksan ang aircon. Tinanguan ko din si Luna.

"Arte mo! Ako nalang bibili!", sabay labas ni Shiela. Napa-tsked nalang si Luna.

Lumapit ako sa aircon at dinamdam ang lamig nito.

"Ui, ako din!", sumali na din sakin si Luna. Nung tinukod ko ang kamay ko sa armchair ay naramdaman ko ang isang tila malamig na bagay sa ilalim ng palad ko. Kaagad ko itong tiningnan at sinilip ang disenyo.

Guy in the Dark (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon