Chapter 1

286 5 0
                                    

Chapter 1:

AAAH! 8:00 na! Ma-le-late na naman ako, 8:15 start ng sched ko. Pag-minamalas ka nga naman oh!

Dali-dali akong pumunta sa banyo at ginawa ang morning routine ko.

Bakit kaya hindi ako ginising ni manang?

Nung natapos na ko mag-ayos, pa-takbo akong bumaba ng hagdanan at biglang sinalubong  ako ni manang.

“Manang tess! Bakit hindi niyo naman po ako ginising pasado alas-otso na po oh!”

Tumatawa lang si manang tess.

“Manang naman pinagtatawanan pa ko.”

“Ano ka ba Grace! Unang araw ng bakasyon mo ngayon!” –Pa-tawang sabi ni manang.

Nahampas ko yung sarili ko sa noo! Oo nga pala bakasyon na! “Ay nako, Wilyein Grace Valdez napaka-ulyanin mo na!” –Tawang tawa pa ding sabi ni Manang.

Kumain nalang ako ng agahan ng mag-isa.

Ako si Wilyein Grace Valdez. 16 yrs. Old. Nag-iisang anak. Pag sa bahay tawag sa-kin Grace, pero sa mga kaibigan ko tinatawag nila akong Wil. Cool di ba? Pang lalake? Pano ba naman kasi, boyish ako. Daig ko pa si L.A. Tenorio kung mag-basketball.

Lima kaming naka-tira sa bahay, Tatlong kasambahay, Isang driver, Si Manang Tess na parang lola ko na dahil simula bata inaalagaan na ko at ako. 3 years ago namatay si Mama. Pauwi na sana siya galing trabaho ng mabungo yung taxi’ng sinasakyan niya. Si Papa naman nasa Australia, inaasikaso ang kumpanya nila ni Lolo.

My Invisible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon