Chapter 11

127 4 0
                                    

Chapter 11

It’s Wednesday Morning. May 7.

HUWAT?!! MAY 7?! Mamaya na pala lunch date ko HIHI.

I decided to jog around the village. 6 am palang, napaaga ata gising ko.

Napadaan ako sa court ng biglang may tumawag sakin. Si Steve pala, kalaro namin yan sa basketball.

“Wil!”

“Oh?”

“Wil! Ikaw ba yan? Grabe, nagbago ka na!” Halos hindi siya makapaniwala.

Three days ago ng makapag-decide ako ng magbabago na ko. Halos dinispose ko na lahat ng boyish outfit ko. Sinunod ko lahat ng sinabi sakin ni Tita Heidy. Kahit ako hindi ako makapaniwala sa itsura ko ngayon. Parang nag-boost din ang confidence ko sa sarili.

“Ano ka ba Steve! Hindi naman ako nagbago, nilabas ko lang kung sino talaga ako. Matagal na kong ganito. Di niyo lang nakikita akala niyo kasi TBOOM ako!” –Sabay kaming tumawa

Pero hindi ko alam na nasa likuran ko lang pala si Zach.

“Sabagay, ayos na ganyan ka. Ang chiks mo na Wil! Uy Zach nandyan ka pala, tignan mo ‘tong brad mo tsong, ang chikas!” –Steve said.

“Anong kalokohan ‘to, Wil?” –Zach said with his pambansang poker face. Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi ba siya masaya?

“Uy tsong, nagbibiro ka ba? Tignan mo ng maigi! Ang dating mukhang dugyot na si Wil, chikas na chikas na ngayon!” –Pagbibiro naman ni Steve.

Nakatingin lang ako kay Zach. Parang hindi na siya yung Zach na nakilala ko. Bakit siya nagbago? WALANG HIYANG KRICEL YON! NA-BRAIN WASH NIYA SI ZACH!

“You don’t need to change para lang magustuhan ka ng taong gusto mo.” –Zach said.

“Pero hindi ako nagbago Zach, pinakita ko lang talaga kung –“ Hindi ko na napagpatuloy ang sasabihin ko ng bigla niya kong hinila.

“Brad saan tayo pupunta? Nasasaktan ako Zach a!” –Pagpupumiglas ko.

Dinala niya ko sa may burol. Tahimik dito. Dito kami dati tumatambay ni Zach, dito kami nagpapalipad ng saranggola at dito din kami naglalaro.

Umupo kami. Mga 3 minutes na din kaming hindi nagkikibuan.

“Zach what’s the problem?”

“You.” –Tipid niyang sagot.

So, ako pa pala ang may kasalanan?!

“Ako pa ngayon ang problema? Ha?”

“Wil, can you just be yourself?!” –Kalmado niyang sabi. His brown eyes show sadness.

“Pero Zach, eto naman talaga ako ha?!” –Medyo tinaasan ko ang tono ko.

“Di ba ikaw ng nagsabi na, “ Kung mahal ka talaga niya, kahit gaano ka pa ka-dugyot mamahalin at mamahalin ka niya” ?”

Oo totoo. Pero hindi ko siya maintindihan.

“Zach, I can’t understand you.”

“Hindi mo naman kailangan mag-ayos ng ganyan para sakanya! Akala mo ba hindi ko napapansin na madalas ka ng naka-short na sobrang iksi. At lagi ng nakalugay yang buhok mo. At papusyaw ng papusyaw yang balat mo! Alam ko namang ginagawa mo yan dahil sa kanya. At pinaghahandaan mo ‘tong araw na to!” –He said, medyo tumaas na din ang tono ng boses niya pero ramdam ko na hindi siya masaya.

Naguguluhan ako. Pano niya nalalaman na nag-ba-bago na ko, eh hanggang garden lang labas ko nowadays. At sino yung taong tinutukoy niya na pinaghahandaan ko daw… Hindi ko siya maintindihan!

Hindi niya ba gets na para sakanya tong lahat ng ginagawa ko?! Para mapansin niya din ako?!

My Invisible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon