Chapter 12

118 4 0
                                    

Chapter 12

“Teka, Zach… Hindi kita gets okay? Unang-una sino naman yang tinutukoy mo na pinaghahandaan ko? Pangalawa pano mo nalaman na nagbabago na ko eh hindi naman tayo nagkikita at pangatlo bakit anong meron ngayon?” –I asked calmly. Hangga’t maari ayoko ng gulo.

Hindi siya maka-sagot at yumuko nalang.

Zach’s POV

The truth is I stopped talking to her…

Not because I don’t like her anymore but because I thought I was annoying her.

And I’m just waiting her to say that she misses me because I miss her everyday… Every hour, every minute, and every second.

Alam kong naduduwag akong sabihin sakanya na MAHAL KO SIYA. Na-to-torpe ako. SHT. Naman kasi! Ang buong akala niya kaibigan at kapatid lang turing ko sakanya.

I feel like I’m INVISIBLE to her. Hindi niya nakikita lahat ng ginagawa ko para sakanya.

Hindi niya alam na lagi akong nasa labas ng bahay nila because I want to see her. Hindi niya alam na lagi ko siyang ini-is-Stalk sa FB para makita ang update niya. Hindi niya alam nagseselos ako dahil makikipag-Date siya sa mokong na Nathan Lee na yon!

Hindi ako maka-sagot sa mga tanong niya. Natatakot akong ma-reject. Natatakot akong pagtawanan niya, dahil alam ko na si Nathan Lee talaga ang gusto niya.

D*mn! Natotorpe ako.

“Look Wil, bakit ka ba nagbago?” –I asked calmly. Alam kong masasaktan lang ako sa sagot niya kaya.

Wil’s POV

Nakikita ko sa sakanya na parang naguguluhan o nasasaktan siya. Ayoko namang mag-assume na nagseselos to o nasasaktan lalo na’t may Kricel The DNV girl na siya.

“Look Wil, bakit ka ba nagbago?” –Kalmado niyang tanong pero kitang kita talaga sa mata niya yung lungkot.

Nagulat naman ako sa tanong niya…

Sasabihin ko ba na para sakanya tong ginagawa ko? Baka masaktan lang ako at lalo niya kong layuan…

“Wala lang. I just want it for a change.” –Nilayo ko ang tingin ko sakanya. Ramdam kong bigla siyang napatingin sa’kin.

“Kamusta na kayo ni Kricel?” –I suddenly asked. Alam ko naman ang isasagot niya, Eto masaya.

“Walang kami.”

Natigilan naman ako at tumingin sa kanya.

“Anong walang kayo? Eh di ba nililigawan mo ‘yun?”

“Hindi pa kami.”

“So kailan magiging kayo?”

Every question I asked kasama nito yung sadness and pain.

“Soon.” –At lumingon sa malayo. Naramdaman ko yung kirot, Ang sakit shit.

“Good, alagaan mo siya.” –I smiled

He noddded.

I sighed. “Zach I have to go.” Tumayo na ko at tumalikod sa kanya. Hindi parin siya tumitingin sakin.

Naka tatlong hakbang na ko ng may biglang sinabi si Zach.

“Wil! Open your eyes, please.”  Natigilan ako sa sinabi niya at humarap ako sakanya. Nakita kong nakatingin na siya sakin at hindi mapinta ang mukha niya.

“Oo Zach! Mulat na mulat na nga e, sa sobrang pagka-open, puwing na puwing na ko, ang sakit sakit na! “ –I yelled.  Tumalikod ako at biglang tumulo na mga luha ko.

Zach ang manhid mong gago ka!

My Invisible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon