Chapter 20

89 4 2
                                    

Chapter 20

I was on shocked at that moment. Hearing “I love you” just for me is such a melody to my ear. Pero yung taong inaasahan mong magsabi sa’yo nun, nakatitiig lang at di kumikibo.

After Nathan said that to me, I just smiled and waved. Nakakaasar na hindi magawa ‘to ni Zach sa’kin.

Ang hirap ng nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung kakalimutan ko na ba ng tuluyan si Zach dahil iiwanan din niya naman aka or mas mahalin ko siya dahil mahal niya na din ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung kelan unti-unti ko ng natatanggap na wala na kong pag-asa sakanya dahil kay Kricel. WAIT! SPEAKING OF KRICEL? Ano ng meron sakanila? Sila na kaya? ARGHHH. Ang gulo.

Pumasok na ko ng bahay. Naligo muna ako bago matulog.

Na-mi-miss ko na si Tita Heidy, nasa thailand kasi siya for short vacation.

Biglang nagring phone ko…

Daddy

Hello Pa?

[Hi anak, kamusta? Nakapag-enroll ka naba?]

Opo papa.

[Ganun ba, good. But I was just thinking kung pano kaya dito ka nalang sa Australia mag-aral?]

Natigilan akong bigla, Oo nga. Pano kung sa Australia nalang ako?! Tutal wala na rin naman akong makakasama dito sa Pilipinas, tsaka iiwanan na rin naman pala ako ni Zach. GREAT!

[Hello anak? Nandyan ka pa ba?]

Ayyy Pa, sorry. Pwedeng pag-iisipan ko pa po?

[sure, But if you want to stay there ayos lang sakin. Kung saan ka masaya Grace. OH, I have to go, I need to finish some paper works. Ingat ka dyan, take time for your decision. Good nightGrace. I love you.]

And he ended the call.

Nagpapatuyo ako ng buhok at iniisip ko kung sa Australia nalang talaga ako mag-aral… Pero parang ang bigat sa loob, parang hindi dapat to ang gawin ko. Bakit kaya kay Zach andali lang para sakanyang umalis?

Zach’s POV

“How’s your date?” Tanong ni Ate Dessa habang naka tutok sa Magazine na binabasa niya.

“Good.”

“I know it wasn’t good, edi sana nagtatalon ka na dyan at sana abot tenga yung ngiti mo!” –She shouted.

“Ate, it’s none of your business ok?” I shouted back

“Okay, okay!” –Sabi niya habang nakataas ang dalawa niyang kamay.

“Nandyan na ba si Mama?”

“Yep, nasa kusina.”

Pumunta ako ng kusina.

“Hey Mom.” –Sabay halik sa pisngi niya.

“How are you? San ka galing?”

“Nag-ikot ikot lang. Uhm Ma, can I ask something?”

“Nagtatanong ka na Zach.” –While she’s smiling and beating the eggs. Mukhang masarap ‘tong bini-bake na cupcakes ni Mama.

“Ma, seryoso ‘to.” –I said

“Go say it.”

“Ma, can I… stay here… in the Philippines?” –I said habang parang nag-a-alinlangin ako. Napatigil naman si mama.

“Zach, di ba pinag-usapan na natin ‘to?”

“Yes Ma, I know pero… kasi…”

“Zach, look. You will be having a great education in Canada. You can be a great MVP, di ba ito yung pinapangarap mo?”

“Oo Ma, pero yung puso ko kasi nandito sa Pilipinas.” –I said sabay upo sa isa mga upuan sa dinning area.

“Zach, tell me ano ang pumipigil sa’yo?” –Nakita kong seryoso na ang mukha ni Mama at handang marinig ang mga paliwanag ko. Sumunod naman siya sakin sa may dinning area at umupo din sa upuan.

“Hindi ma… hindi “ano”… kundi “sino”” Na-u-utal kong sagot.

“Then who is?”

“It is because of… Wil..”

GUYS! VOTE AND COMMENT NAMAN KAYO, PLEASE?!!! YUN LANG TALAGA KALIGAYAHAN KO HIHIHI.

TW & IG : @cadeguino

My Invisible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon