Chapter 10

126 4 0
                                    

Chapter 10

Nasa kotse ako, pauwi na galing Great West University. Nag-enroll na kasi ako for college. At first, nahihirapan ako kung anong kukunin na course pero I end up to Business Ad. After naman ng college sa kumpanya naman bagsak ko e. Kaya bagay talaga sakin ang mga course about business.

I suddenly saw Zach, walking. Pauwi ata to sakanila. Saan naman kaya galing ‘to. Ipapahinto ko sana yung kotse pero naduwag  ako. Baka kasi galit sa’kin to.

“Manang Tess, si Tita Heidy po?”

“Ah nasa taas, nasa kwarto niya.”

“Ah sige po.”

I knocked Tita Heidy’s door.

[Sino yan?] –She shouted.

“Si Wilyein po tita.”

[Pumasok ka, nakabukas yan!]

Pagkabukas ko ng door, naamoy ko agad ang eucalyptus scent sa kwarto niya. Ang bango! Naabutan ko siyang nagsusuklay. Bagong ligo ata.

“Busy kayo tita?” –I asked.

“Hindi naman, dito lang ako sa bahay this whole afternoon. Why?” –She replied.

“Tita, can you join me to the salon? Magpapalinis lang sana ako ng kuko. Sampung taon na ata ‘tong di nalilinisan!” –Bigla nalang pumasok sa utak ko na magpasalon. Parang gusto ko ng magbago. Hindi lang naman talaga paglilinis ng kuko ang gusto ko, gusto ko din sanang magpa-kulay ng buhok.

“Good idea! Let’s go to salon! Mapa-pamper tayo. You need this.” –Tuwang tuwa namang sagot ni tita.

-Salon-

I think I’ll choose copper brown for my hair. Silky straight black kasi buhok ko kaya gusto ko naman sanang bigyan ng konting dating.

“Ma’am anong kulay po ng nail polish ang gusto niyo?”

“Pale pink” –I said habang nakatingin sa magazine na binabasa ko.

“Eto po ma’am” –Turo naman ni Ateng taga salon sa pale pink na nail polish na hawak niya.

“Oo yan.”

“Pale pink po?”

Aba nakaaasar tong si ate a! Unlimited!

“Ay hindi! Etong brown! Malamang yan, di ba sinabi ko na kanina pa?” –Pagmamataray ko naman. Minsan talaga umiiral ang pagkamataray ko lalo na sa mga taong daig pa ang pagong sa pagka-S L O W.

Buti nalang at natapos na, nakapag-footspa, hair dye, and manicure&pedicure na ko. Ganon din si Tita nagpa-footspa at manicure&pedicure na sya.

Bago kami umuwi, dumaan muna kami sa isang shop. May bibilhin daw kasi si Tita Heidy. Mukhang mamahalin ang shop at puro beauty products. Nagtingin tingin muna ako ng ibang products habang hinihintay si Tita.

May nakita ako, moisturizer sa mukha, tinignan ko kung magkano. 4,299.75 php. HUWAT! GRABE. ISANG MALIIT NA MOISTURIZER LANG HALOS LIMANG LIBO NA?! ANO BA MERON DITO GINTO?! Binitawan ko na kaagad yung product baka mabasag ko pa!

“Let’s go.” –Tita Heidy’s

Habang nasa kotse kami may inabot si tita sa’kin na isang paper bag. At yung paper bag na yun galing dun sa guintong beauty shop na yon.

“Ano  to Tita?”

“Para sa’yo.”

“Po? Pero wala po akong beauty products na nilalagay ko sa mukha ko or sa body ko.”

“It’s just a whitening soap, moisturizer, facial cream and body cream.” HA?!SO AKIN PALA YUNG MGA BINILI KANINA NI TITA DUN! GRABE ILANG LIBO KAYA GINASTOS NIYA PARA LANG SA MGA ‘TO?

“Pero tita, hindi po ako nagpapaputi or kahit ano man po yan na nilalagay sa balat.. Tsaka tita ang mahal ng mga yan!”

“Grace, I can sense na parang gusto mo ng magbago… Tignan mo nga kanina ikaw pa nagyaya sakin na magpa-manicure at pedicure. You need all of this. Look, dalaga ka na Grace, hindi naman dapat lagi kang ganyan. Napaka-boyish mo na. Ibalik mo yung kagandahan mo. Ilabas mo.” –She said this to me with sincerity in her eyes.

Sabagay, hindi naman pwedeng FOREVER akong ganito. Siguro kailangan ko na ngang magbago. I’ll show my hiding beauty again. Baka matuwa din si Zach pag nakita niya na kong magbago.

My Invisible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon