Bucket #2

31 4 0
                                    


"Dance in the rain"

--

Gianne's POV

Isang linggo rin ang lumipas. Wala akong magawa sa condo ko. Puro kain, tulog lang ang ginagawa ko. Then, naalala ko si uber guy! The uber incident! Natatawa talaga ako pag naaalala ko yun. Pero at the same time ay nakakainis. Mukha ba naman daw akong uber driver?!

Pero what if, puntahan ko siya? Yeah! I have a plan. Ngayon ko siya sisingilin. So nagbihis na ako ng black short at V-neck na white. Kinuha ko na yung susi ko at nagdrive na sa tapat ng Saint Jude's International School.


Wala pang nalabas na studyante. Binaba ko nalang ang bintana ko,  kinabit ang earphones sa tenga ko at nagpatugtog ng mga songs ni Ed sheeran.

🎶You're on the other side
As the skyline splits in two
I'm miles away from seeing you
I can see the stars
From America
I wonder, do you see them, too?🎶

Sinabayan ko ang kanta. Favorite ko kasi yan, ang ganda eh.

🎶So open your eyes and see
The way our horizons meet
And all of the lights will lead
Into the night with me
And I know these scars will bleed
But both of our hearts believe
All of these stars will guide us home🎶


Habang nakanta ako ay napansin kong may nakatingin sakin. Lumingon ako sa gilid ko, Si Uber guy! Kumaway ako sa kanya. Nakita ko namang sumimangot siya. Napaka-sungit din ng lalaking yun eh. Akala mo naman ikina-gwapo niya yung pagiging masungit. Pinaandar ko yung kotse ko at iniliko sa tapat niya.

"Hi uber guy!" Masigla kong bati. At mas lalo naman siyang sumimangot. "Ay, ang sungit." Habol kong sabi. Hindi naman ako pinansin at tumalikod. Aba aba! Iba rin tong lalaking to eh. Matapos ko siyang ihatid sa hospital nung nakaraang linggo? Tatalikuran lang ako? No freaking way! Walang tumatalikod sa isang, Almero!

"Hey, papaalala ko lang yung utang mo. Sinisingil ko na yun ngayon na." Inis kong sabi. Humarap naman siya sakin. "What do you want?" Ngumiti nama ako.

"Sakay." Maiksing sabi ko. Tinaasan naman ako ng kilay ni uber guy. Kaya naman ginantihan ko rin sya. Hinding-hindi rin tinataasan ng kilay ang isang, Almero! "C'mon, uber." Inip kong saad. Kaya naman wala na syang nagawa at sumakay.

"Let's go to somewhere!!" Exciting na sabi ko. At narinig ko namang nagreklamo si uber. "Wala ka ba sa mood, uber?" Takang tanong ko.

Di niya ako sinagot. So, wala nga. Nakita ko naman na tumila na ang ulan. Napangiti naman ako lalo. Kaya nagdrive ako papuntang Greene's Park. 

"Greene's Park? Seriously?" Uber.

"Yup! Tagal ko ng di nakakapunta dito eh. Tsaka yung utang mo pala, ano. Uhm, samahan mo nalang ako ngayong araw na to! I badly need a food buddy!" Maktol na sabi ko. Napansin ko naman napangiti ko siya.

Naghanap ako ng parking at pagkatapos nun ay hinila ko na si uber guy.

"Hey! Di pa pala tayo magkakilala. Ano name mo?" Siko ko sa katabi ko. Napahinto naman kami sa tapat ng isang ice cream parlor.

"Jace."

"Jace ano? Full name naman, Jace!" Excited kong tanong.

"Anthony Jace Carson." Sambit niya at napa-wow naman ako. Nice name!

"So, AJ?"

Umiling siya at sinabing, "Nah, Jace nalang. Eh ikaw, you are?"


The Bucketlist ( ON-GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon