Bucket #6

21 3 0
                                    


3 weeks na ang nakalipas matapos ang filming sa tagaytay. At 3 weeks na rin akong nagmumukmok dito sa condo ko. I am freaking bored!! Wala akong magandang magawa.

Tawagan ko kaya si Ivan? Namimiss ko na kasi siya eh. Idinial ko na ang number niya. Nakaka-tatlong ring palang ay sinagot na agad nito.

(Naka-itallic si Ivan.)

"What do you need?" Bungad nito sa akin. Wala man lang hello?

"Brother! Miss na kita eh. Asan ka ngayon?" 

"Cebu. Why? Pero pupunta rin ako ng maynila ngayon dahil may aasikasuhin ako."

"Maynila?! Birthday mo na next week."

" I know. Want to come here in Cebu? Sabay na tayo umuwi."

"Ofcourse! I want to see Al. Pati na ikaw, syempre."

"See you then."

Tapos ibinaba na niya ang tawag. Yehey! Makikita ko na ulit silang dalawa. Kailangan ko ng makabili ng pangregalo. Kaya nagbihis ako at dumiretso sa mall. Dala ko ngayon si Ferer, yung car ko.  Para mas mabilis ako makarating doon.

Nang makapasok ako sa mall ay umakyat agad ako sa 3rdfloor dahil doon ang department store at hindi ko inaasahan na makakasalubong ko sina Jace at yung buong tropa.

"Oh! Gianne!" Sigaw nila sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Umubo naman ako dahil sa higpit ng pagkakayakap nila sa akin.

"Namiss ka namin! Ilang weeks ka di nagpakita. Guess what? We got the highest grade sa film! Thanks to you." Sabi ni Ram at kinindatan ako.

"I forgot to get your number. Magcecelebrate sana tayo after namin makuha yung grade. Uh, natuloy naman yung celebrasyon pero di ka kasama. Sayang." Napakamot sa ulo si Jace ng sabihin iyon sa akin. Walang number? Huh. Si Sasha may number ako ah?

"May number ako ni Gianne. Bakit hindi kayo nagtanong sa akin? Tsaka bakit hindi ko alam na may celebrasyon tayo?!" Galit na sabi ni Sasha.

Napa-kunot ang ulo ko ng marinig iyon. Hindi nila sinali si Sasha sa celebration? She is the main lead.

"Eh ayaw ka namin kasama eh. Tsaka nawawala ka nung araw na yun! Hello?!" Sigaw naman ni Denise.

Nanahimik naman si sasha. I knew it. Nagtatampo siya.

"Cut it out guys! Dahil nandito na si Gianne, icelebrate nalang natin ulit. Kompleto na tayo. Uh? My treat!" Sabi ni Elmer. Kaya naman nagsigawan sila sa saya.

Pumasok kami sa isang restaurant. At sila na ang bahala sa order basta ako ay kakain lang. Si sasha ay nasa dulo at nanahimik lang. Gusto ko siyang lapitan. Tatayo na sana ako ng hilain ako ni Jace.

"Tabi tayo." At ngiti niya sa akin.

Kwento sila ng kwento sa akin ng mga nangyari sa 3 weeks naming di pagkikita. At mahahalata mong masaya sila dahil hindi matapos tapos ang tawanan nila.

Ilang sandali pa ay dumating na rin ang order namin. Sininghot ko ito. Hmmmm mukhang masasarapan ang kain ko dito ah.

Nag-aya si ram ng group selfie kaya ayun, nagpicture naman kami ng 5 shots. Tapos nagpaalam si Sasha na mag c-cr muna. Nagsimula ng magsandok si Jace sa plato ko. Napalunok ako at biglang pinawisan ng makita ko kung anong ulam ang sinandok niya para sa akin.

Mga seafoods.

Kabilang to sa gusto kong matupad sa bucketlist ko. Ang makakain ng seafoods.

"Is this enough? Try this, Gianne. Masasarap tong mga sinandok ko sayo." Sabi ni Jace at ngumiti sa akin. Nginitian ko siya pabalik. Nagpasalamat at sinimulan ng kainin ito.

The Bucketlist ( ON-GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon