"Uber girl"--
"Seriously gianne? Ayaw mo na talaga pumasok? Are you stupid?!" Galit na galit na sambit ni Almira. She's my cousin and my bestfriend too.
"Nope. I rather spend this school year for finding my happiness." Walang emosyon kong sabi. Yes, Ayoko na pumasok. Sinadya ko talagang di magenroll dahil I am busy for my bucketlist.
"No! Baliw ka ba?! Saan mo naman gagamitin yung perang binigay sayo ni Tita at Tito?! Para dyan sa bucketlist mo?! Jusko naman, Gianne! Kala mo naman may taning na buhay mo kung makapagmadali na tapusin lahat ng bucketlist nya!" Sunod sunod niyang sabi at nabilaukan naman ako bigla sa mga sinabi niya.
"Please naman, Al. Pwede ba next year nalang ako mag-aral? I badly need a break." Nagpa-cute ako ng todo upang di ako isumbong kila Mom and dad. If ever na mangyari yun, I'll be grounded for a year! No cellphone, no cash, no shopping!!
Napailing naman ng todo si Almira."Oh shut up, incoming 3rdyear college ka na for goodness sake!" I fucking know. 2 years na nga lang graduate na ako pero ano magagawa ko? I want to finish my bucketlist as soon as possible!
"Al naman, pwede ba supportahan mo nalang yung gusto ko kahit ngayon lang?"
Tinitigan lang niya ako ng masama. "Fuck you, Georgianne Ilyana Almero! Alam mo namang di kita matitiis! Just this time, okay? Promise me you won't do bad things, alright? I'll fucking miss you."
"C'mon. Stop cussing, Al! Fuck you too, pero mamimiss rin kita! Wag kang pasaway sa Cebu!"ngumiti naman siya. Yep, Mag-aaral na siya sa Cebu. Ako naman ay maiiwan, sa Manila. In the first place, hindi naman talaga siya nag-aaral sa Cebu. Nang dahil sa pagka-maldita niya ay naexpelled siya sa dati niyang school at nalaman ni Tito at Tita kaya naman bilang parusa ay pinadala siya sa Cebu upang doon mag-aral.
Labag man sa loob namin na ayaw na ayaw namin maghiwalay ay wala rin kami magagawa dahil kung hindi pati ako ay magkakaroon ng parusa.
Next week na yung pasukan nila. So, mamaya na yung flight niya papuntang Cebu. "See you next year? O sa christmas break?"
"I'll see you this christmas! Ready my gift, Al."
"Yeah, Be ready my gift too. Oy, ihatid mo ko sa airport, okay?!"
Napatawa nalang ako. "Sure! Gagamitin ko si Ferer, our favorite car!"
"Damn, mamimiss ko gimik natin. At lalong lalo na si ferer." Malungkot na sabi ni Almira.
"Shitty-face." Asar ko upang mawala yung lungkot niya.
Binato niya naman ako ng unan sa mukha at sinabing, "Shitty-butt!" At nagtawanan nalang kami.
After 3 hours ng harutan, este ng pag-aayos ni Al, papunta na kami ngayon sa NAIA. Buti nalang walang traffic, dahil kung hindi ay baka malate pa siya sa flight niya.
"So, see you this christmas?" Tanong ni Al. Ako naman ay napaiyak nalang at niyakap siya ng mahigpit. Kahit magmukha akong tanga kakaiyak ay wala akong pakialam. Basta ang alam ko ay mamimiss ko si Al. Mamimiss ko ang bestfriend ko na pinsan ko.
"Gosh, napakaiyakin mo talaga. Tignan mo, pinagtitinginan na tayo. Wag ka ng umiyak, gianne." Naiiyak rin na sabi ni Al.
"Al, wag kang mag walwal doon, ha? Facetime tayo lagi. Wala na akong kaharutan sa condo ko!"sinabi ko habang naiyak. "Be good, wag ka na din maldita doon dahil wala ka nang kakampi pag may inaway ka o may umaway sayo. Jusko naman, Al. Sabihan mo lang kung namimiss mo ko, lilipad agad akong cebu para sayo." Sabi ko sa pinsan ko. At mas lalo naman siyang napaiyak sa sinabi ko.

BINABASA MO ANG
The Bucketlist ( ON-GOING )
Teen FictionGeorgianne Ilyana Almero-- she's the girl who wants to fulfill his wishes for his happiness. For the happiness that she deserve. She made a bucketlist. How funny is it. She's only the person who's making a bucketlist.