Bucket #9

16 2 0
                                    


Gianne's Pov


We're going to Mactan Island Hopping. Wherein we can go to three island para mag snorkeling at maglangoy langoy. How I wish na sana walang mangyaring masama mamaya. Sana pagbigyan ako para ienjoy etong bakasyon na ito. Malay natin eto na yung last na makakasama ko pa sila.




Pero syempre, hindi ko papabayaan na mangyayari yun. Positive vibes lang dapat! Wag negative.






6:00 ng gisingin kami ng human alarm clock namin na si Almira. Kailangan maaga daw kami para mas maenjoy pa namin yung magandang tanawin ng Cebu. Agad din naman kaming nagsikilos lahat at kanya-kanya ng bitbit ng mga dadalhin.






I'm wearing a one piece already pero nagshort at nagshirt pa din ako kasi wala pa naman yung swimming time. Nakita ko din naman si Almira na naka-two piece pero naka shirt at short din siya kasi mamaya daw niya ilalantad yung katawan niya.





"What are you wearing?" Nawala yung atensyon ko sa pag-aayos ng marinig ko yung kapatid ko.




"Uh, polo?" Pabalang na sagot naman ni sasha. Ah, so siya pala yung kausap nito. Akala ko ako na yung tinatanong.





"You're wearing a see through polo. Go change."






Napatawa naman ako ng malakas. "Ang sexy naman pala!" Sabi ko dito. Mukhang bet na bet talaga ni Sasha na mag-two piece.




"Georgianne Ilyana Almero!!" Sigaw ng kapatid ko. Asar talo eh.





"Yes, George Ivan Almero?" Asar ko pa lalo.





Napasabunot sa buhok si Ivan dahil sa inis. Tapos nakita ko nalang na lumabas na si Sasha at sumakay na sa kotse.




Si Almira naman ay kakatapos lang mag-ayos at dumiretso na din sa labas. Kaya naman tumakbo na din ako palabas para si Ivan na ang bahala mag-lock dito sa bahay ni Al.






After na ilock ni Ivan ang bahay, umalis na kami agad para makapunta sa Cordova Port.




Mabilis naman ang naging byahe namin at ayun na nga, nameet din namin si Sir Racky na magsisilbing Tour guide namin.



First stop ay sa Caohagan Island. Next ay sa Nalusuan Island at last naman ay sa Hilutungan Island.




Nagsimula nang hubarin ni Sasha ang polo niya at ibinida ang white bikini niya. Nagsimula nanamang mag alburoto si Ivan dahil sa suot nito. Naghubad na din kami ni Almira. Color pink ang bikini niya while black naman akin. Sila ay puro naka-two piece while me is naka one piece lang. Nakaka-ilang kasi pag two-piece.






Akala mo e wala ka ng saplot sa katawan. Pero etong dalawang kasama ko ay bida bida eh. Mga makakapal ang mukha at walang pake sa mga taong nakapaligid sa kanila.





Buti nalang hindi makapal ang mukha ko at may hiya pa ko sa katawan ko.






"Ivan! Picturan mo naman kaming tatlo, please!" Sabi ni almira.






Umiling-iling si Ivan dahil ayaw daw niya.





"Ivan! Isa! Picturan mo kami dali!" Ako naman ang nagsabi dahil baka sakaling sumunod ito sa akin.





Umiling-iling ulit ito. Nagkatinginan kami ni Almira dahil may naiisip kaming paraan para mapicturan kami.





"Hoy gago! Pag di mo kami pinicturan, huhubarin namin tong suot ng baby mo!" Pagbabanta ni Almira tapos hawak na yung tali ng pang itaas ni Sasha. Napahawak naman sa suot si Sasha mukhang gulat na gulat sa sinabi ng kaibigan.





The Bucketlist ( ON-GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon