"No, I'm not coming." Sambit ni sasha.Kausap ni Gianne si Sasha dahil kanina pa silang isang oras na nag-aantay dito.
"Sasha! Sumama ka na!" Pagpipilit ni Gianne.
"No freaking way. Ayokong makita yang kapatid mo. Bwisit!"
"Uhm. So affected ka?" Pabirong sabi ni Gianne na ikinainis naman ni Sasha.
"Are you crazy? Of course not!"
"Then pumunta ka na dito sa airport or else, ipapakaladkad kita sa kapatid ko. Bring two piece!"
"Oh shut up, leave me alone!" Huling sabi ni sasha at ibinaba na yung cellphone.
Tumingin naman si Gianne sa likod niya. Andun si Ivan naka-upo habang nakatingin sa cellphone niya.
"I don't think she's coming. Sayang naman. Tara na ba?" Nanghihinayang na tanong ni Gianne.
"Gusto mo bang sumama siya?" Tanong ni Ivan.
"Of course. Pagkakataon na sana magbonding kaming tatlo ni Al."
Ngumisi naman si Ivan. "Mauna ka na sa Cebu. Sa next flight nalang ako sasakay. I have to go somewhere." Tinaasan lang ng kilay ni Gianne ang kapatid niya. At umalis na nga yung kapatid niya palabas ng airport.
**
CEBU
Kakababa lang namin ng eroplano at eto na nga ako naglalakad. Patingin-tingin ako sa paligid dahil baka makita ko na si Al. Pero wala pang 1 minuto ay may yumakap na sa akin at ikinawit na ang buong katawan niya sa akin.
"WAAAAAAHHHH!!! Pinsan kong maganda!!" Sigaw nito sa tenga ko.
Agad ko naman siyang sinapak. "Ang ingay mo, Al! Kakadating ko lang eh. Maka-sigaw akala mo naman ang layo layo ko." Sabi ko dito at niyakap siya ng mahigpit. Tumawa naman ito at ginulo pa ang buhok ko.
"Namiss kita! Bruha ka!!" Sabi ni Al habang pinupunasan ang tumulo niyang luha sa pisngi niya. Kaya naman ay naiyak na rin ako.
Para kaming tanga na nag-iiyakan dito sa gitna ng airport.
"Bakit ba tayo umiiyak!!" Sigaw ko sa kanya.
"Ewan ko sayo! Bwisit ka eh!" Sagot naman niya at niyakap niya ulit ako.
Napatigil naman si Al ng marealize na nag-iisa lang si Gianne. "Asan pala si Ivan?"
"Next flight nalang raw sya. May pupuntahan siya e."
"So mauna na tayo?" Tanong ni Al at umoo nalang ako.
Kwentuhan kami ng kwentuhan at ilang beses niya pa ko pinagsasapak dahil nga sa kumain ako ng seafoods tapos na ospital ako. Nakwento raw un ni sasha sa kanya. Umiyak pa nga siya dahil ayaw raw niya yung mawala ako. Sanay daw sya na lagi akong kasama.
Paano nalang kapag tuluyan na akong nawala hindi ba?
Paano nalang siya? Kung lagi siyang nakadepende sa akin. Dapat sanayin niya ang sarili niya na wala ako sa tabi niya.
"Gianne. Ilang araw kayo dito?" Nakangiting sabi niya sa akin.
Ngumiti din ako. "Ewan. Baka tatlong araw lang."
Napasimangot naman siya. "Gawin mo ng isang linggo! Eto naman, miss na miss kaya kita! I-totour kita dto sa cebu."
"Bahala na! Hahaha basta sagot mo ticket ko ah." Tumango tango lang siya. Nasa byahe kami papunta sa bahay ni Al. Mahigit 1 oras din yun pero mabuti at mabilis kami makarating.
"Gianne, pahinga ka muna. Eto kwarto mo ah!" ngumiti ako at iniwan na nga niya ako dito sa kwarto. Inayos ko muna ang gamit ko at humiga. Unti-unti ring pumikit ang mata ko sa pagod.
--
After 4 hours
"Gianne!! Parating na daw sila Ivan. Kilala mo ba kung sino kasama nun?" Paggising sakin ni Al. Pero nagtaklob lang ako ng kumot.
"Gaga! Gising na! Di ka makakatulog nyan mamaya sige ka!"
Inaalog ako ni Al pero feeling ko mas lalo lang niya pinapasakit yung ulo ko sa ginagawa niya e.
"Oo na! Babagon na!" Sabi ko at sabay na nga kami bumaba. Sakto naman ay ang pagbukas ng pinto ng bahay ni Al.
"SASHA?!!!!" Maingay na sigaw ni Al. Nagulat naman kami sa malakas niyang sigaw.
Tumalon si Al sa hagdanan at tumakbo palapit dito kay sasha.
Niyakap na niya ng mahigpit si Sasha dahil sa tuwa. "BITCH!! GRABE NAMISS KITA!!!" sigaw nito at napatakip naman ako ng tenga dahil sa lakas ng boses neto ni Al. Minsan mahihiya ka nalang na kasama tong pinsan ko e. Yung bulong niya nagiging sigaw eh. Para bang nakalunok ng mic.
Ngumiti naman ako sa kapatid ko. Si sasha pala yung pinuntahan niya ah. Ano kaya ginawa nito para mapilit si sasha na sumama?
"Aw!! Almira! Ang bigat mo, gaga!" Rinig kong sabi ni Sasha. Iniwan ko na sila doon at pumunta sa kusina. Nagugutom ako eh.
"AAAAAH!! REUNION!!!" Sigaw ni Al at hinila ako pati si Sasha sa isang mahigpit na yakap.
"Grabe! Namiss ko mga away natin! At dahil dyan, pupunta tayong district 55!! Ice-celebrate natin ang pagkikita nating tatlo!" Napalingon naman ako sa kanya. Anong district 55?
"Ha?" sabay na sabi namin ni sasha.
Napabitaw naman sa yakap si Al.
"District 55 bar." Nanlaki naman yung mata ko at natuwa. Omg! Yun yung sinasabi ni Al dati na gusto niyang puntahan kaya naisulat ko yun sa bucketlist ko!
"Uhm, pwede bang last na natin puntahan yan? Akala ko mag-sswimming tayo! Madami pa naman akong dalang bikini. Hmp!!" Sabi ni Sasha.
"You brought.. what?!" Natawa ako bigla sa sinabi ni Ivan.
"A bikini, jerk!!" Sigaw pabalik ni Sasha.
"Where is it?! Gianne, give me a fucking scissor. I'm gonna rip all of that shit. You're not allowed to wear that fucking bikini." Matigas na sabi ni Ivan.
Napahawak sa bibig si Al sa mga naririnig niya. "Oh my gee. Are you.. two.. uh.. lovers?"
"And who are you to say that to me? Pwes, isusuot ko ang gusto kong isuot!" Maktol ni Sasha.
"Wait!! Hindi niyo pa ako sinasagot. May relasyon ba kayo? May hindi ba ako nalalaman?" Singit ni Al.
"Wala! / Meron!" Sigaw nila pareho.
"She's my baby! Let me tell you again, HINDI ka pwede mag-suot ng bikini!" Sabi ni Ivan at umakyat na sa taas.
Kapatid ko ba yun? Never ko pa nakita yung ganoong side niya. Nakakakilig!!! They are so lucky with each other! Bagay na bagay talaga sila. Gosh.
"Holy cheese. He's so possessive!! I can't believe it! Sasha and Ivan? Wow! Kinikilig ako! I'm so happy for you, bitch! Welcome to Almero's family!! Let me hug you, bitch!" Masaya namang sabi ni Almira. Hindi naman nakapagsalita si Sasha sa sinabi ng kapatid ko.
"Hey bitches, get ready pala ha? Bukas mag island hopping tayo tsaka scuba diving! This is it! Time to enjoy!!" Pahabol pa ni Almira.
To be continued..

BINABASA MO ANG
The Bucketlist ( ON-GOING )
Teen FictionGeorgianne Ilyana Almero-- she's the girl who wants to fulfill his wishes for his happiness. For the happiness that she deserve. She made a bucketlist. How funny is it. She's only the person who's making a bucketlist.