Bucket #12

18 2 0
                                    

Matapos ang pagkwe-kwento ni gianne sa bartender ay agad nakatulog ito dahil sa dami ng nainom. Nag-apura naman si Noel ( Bartender ) na hanapin ang mga kasama ni gianne.






Nakita nito ang kapatid nito at ang kaibigan.






"Mam, ser! Pasensya na po sa abala pero nakatulog na po ung kasama niyo. Si mam na nakasuot ng black dress." Sabi ni Noel kaya namab pinuntahan nila si Gianne na mahimbing ang tulog.







Mabuti at napunasan agad ni Noel ang dugo sa ilong ni gianne.







Naalala kasi nito na hindi alam ng mga kasama ang kundisyon nito. Naawa siya sa dalaga at minabuti na ipagdasal ito para maging maayos ang kalagayan. Hindi man sinabi kung ano ang sakit nito ay ramdam niya ang bigat ng nararamdaman ng dalaga.







Umiling-iling sina Ivan, Sasha at Almira dahil mukhang lasing na si Gianne. At tulog na tulog na. Ang nakakatawa pa ay nahilik pa ito. Mabuti at maingay sa loob ng bar kaya hindi halata.









Napagdesisyunan nila na umalis na dahil tanghali ang oras ng alis nila.







**







Kinabukasan, maaga nagsi-kilos sina Ivan, Sasha at Gianne dahil kung babagalan nila kumilos ay tiyak maiiwanan sila ng eroplano.







"Grabe. Ang bilis ng araw, parang kailan lang kakadating niyo lang dito ah." Sabi ni Almira ng malungkot.






Tinapik naman siya ni Gianne at niyakap. "Best memories for me." Simpleng salita na nagpaiyak sa sarili niya.







Yumakap din si Sasha doon sa dalawa at naghabilin ng iilan kay Almira. Nagiiyakan naman na silang tatlo.







"I love you two. Balik kayo dito ah? This is not the last! Mamimiss ko kayo!" Sabi ni almira.








I hope its not the last bulong ni Gianne sa sarili nito.




Nag-babye na sila dahil tinatawag na sila ni Ivan. Sasama daw siya sa pag-uwi dahil ihahatid daw muna niya si Sasha. Tapos babalik na siya sa Cebu dahil syempre, estudyante pa din siya slash nagwowork sa business ni dad.









Hindi naman gaano katagal ang byahe kaya naman nakarating na sila agad sa airport. Ngunit sa kasamaang palad ay naramdaman ni Gianne na sumisikip ang dibdib niya. Nagsisimula nanaman siyang mahirapan huminga.









Halos maiyak na si Gianne dahil sa pagkakapos ng paghinga niya. Nagpaalam pa siya sa kapatid niya na magsi-cr para hindi makita na hirap na hirap na siyang huminga.







Nanghihina na din siya sa di alam na dahilan. Sa paglalakad niya papuntang cr ay may nakabunggo sa kanya. Dahilan non para mapaupo siya sa sahig. Lumabas na din ang luha sa mga mata niya nakanina pa niya pinipigilan.






Inangat ni gianne ang tingin niya sa nakabunggo sa kanya at mas sumikip ang dibdib niya dahil ang nakabunggo sa kaniya ay si...






























































"Oh my! Ms. Almero? Are you okay? Let me help you!" Ang taong nakabunggo niya ay walang iba kung hindi ang doktor niya noong nalaman niya ang sakit niya.











Ramdam ni Gianne ang panghihina. Hindi agad ito nakasagot sa doktor.











"Namumutla ka, Ms. Almero! You are not okay! Lets go to the hospital!" Nagpapanic na sagot ng doktor at nanlamig naman si Gianne sa narinig niya. Agad niyang pinilit makatayo at tumakbo paalis.














Ayaw ni Gianne bumalik sa hospital. Ayaw niyang malaman kung ano na ang nangyayari sa kaniya. Ayaw na niyang marinig ang pinakaayaw niyang marinig. Ayaw na niya. Ayaw na niya malaman na malapit na siyang mawala..












Ngunit dahil sa pagkahina niya, naabutan siya ng doktor niya at bigla nalang nawalan ng malay si Gianne.












Nagpatawag ng ambulansya ang doctor dahil isusugod nila sa hospital si Gianne. Wala namang kaalam-alam si Ivan at Sasha sa sinapit ni Gianne.























T O      B E         C O N T I N U E D  !   !   !







The Bucketlist ( ON-GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon