"Tagaytay"
-
Gianne's POV
Tinanong nila ako kahapon para maging Film director nila. Pumayag ako. Kasi pangarap kong maging director. Ngumiti ako. Sobrang lawak kasi ng imagination ko. At hilig kong gumawa ng story. Sinabihan ko sila na magkikita kami sa 90's cafe. Balak kong dalhin sila sa Tagaytay. Doon kasi magandang mag-film. Bukod sa magandang lugar, masarap ring magpalipas ng isang araw roon.
Hinanda ko na ang mga damit nakakailanganin ko. At pati na rin ang camera ko para sa gagawing film. Yup, may camera ako na pang film. As I told you, pangarap ko maging director. Isa pa, hilig ko rin ang magtake ng pictures. Mayroon akong album na naglalaman ng mga kinuhanan kong litrato. Naroon si dad, mom, kapatid ko, si Al. At iba pa. Ngumiti ako ng matamis. I was so excited about this! Hinding hindi ko ito palalampasin.
I decided na mag-bus nalang kami since hindi kami magkakasya kay Ferer, ang kotse ko. May dala akong backpack, camera at sling bag. Simple lang ang suot ko. Black-shirt and short. Suot ko rin ang old school ko na vans. Sumakay na ako ng tric para papunta sa 90's cafe.
Makalipas ng ilang minuto, nakarating na rin ako. Pansin ko naman na marami na din sila.
Lumapit ako sa kanila at nagtanong, "Everybody's here?"
Napalingon agad sila sa akin. "Yup!! Kompleto na kami, Gianne." Sagot ni Ram. Umokay naman ako. "Oops! Di pa pala napapakilala sayo yung mga kagroupmates ko. This is Elmer, Denise, Sasha and Jace." pagpapakilala niya sa mga kasama niya.
"Nice to meet you all." Maiksing sabi ko. At sumenyas na umalis na kami.
Nagsabi ako sa kanila na magbu-bus kami papuntang tagaytay.
"Van nalang kaya? Mag- rent nalang tayo ng van. Mayroon akong alam na pwedeng rentan." Sabi ni Elmer.
Okay. Uhm, pwede rin. Basta sila ba yung magddrive hahahaha. "Sounds good, mer! Tara kunin na natin yung van." Hinila na ni Denise si Elmer.
Aantayin nalang namin sila. Nakita ko namang tahimik si AJ sa tabi kaya sa kanya ako lumapit. "Uy, tahimik natin ah?" sabi ko.
"Inaantok lang ako." Maiksing sabi nito sa akin kaya may naisip ako. Kinuha ko yung ulo niya at sinandal sa braso ko. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Well, ako rin nagulat.
"Uhmm, sandal ka lang sa akin! Idlip ka muna." Nahihiyang sabi ko at naramdaman ko nalang na bumigat na yung braso ko.
Sa kabilang bakod, nakita ni Ram at Sasha ang ginawa ni Gianne kay Jace. Nagulat silang pareho sa nangyari.
"Sila ba?/ May relasyon sila?" Sabay na sabi ni Ram at sasha sa isa't-isa.
Natawa sila pareho. "May gusto sila sa isa't-isa." Sambit ni ram.
"Halata naman eh. Bagay sila ano!" Sasha
Napatingin naman si Ram kay Sasha. "Bagay sayo pag normal ka magsalita. Ayusin mo na pananalita mo."
"Huh? Uhm, sige. Kakaloka ah." Sabi ni Sasha.
Nagkwentuhan lang sila habang naglalampungan sina Gianne at Jace sa harapan nila. Joke! Basta tulog lang si Jace sa balikat ni Gianne. Makalipas ng sampung minuto ay dumating na rin sina Elmer at Denise, na dala ang isang montero sport.
"Guys, eto lang available so kinuha ko na. Uhm, eto pala si Tito Gerry. Siya yung may-ari ng sasakyan." Pakilala ni Elmer sa mga kaibigan.
Ginigising naman ni Gianne si Jace na sa ngagon ay tulog pa rin. Hindi naman nahirapan ito sa paggising tapos kumuha ng pamunas si Gianne at pinunasan ang muta sa mata ni Jace.

BINABASA MO ANG
The Bucketlist ( ON-GOING )
Teen FictionGeorgianne Ilyana Almero-- she's the girl who wants to fulfill his wishes for his happiness. For the happiness that she deserve. She made a bucketlist. How funny is it. She's only the person who's making a bucketlist.