"Mortal Enemy"--
Georgianne's POV
Bigla akong nagising sa sakit ng ulo ko. Ugh mukhang magkakalagnat pa ata ako. Naalala ko yung nangyari kagabi. Napangiti ako dahil hindi ko aakalain na magiging malapit kami ni AJ sa isa't-isa.
Pumunta ako sa kitchen at naghanap ng makakain. Oh shit! I forgot! Wala na pala akong stock ng pagkain. Nakalimutan kong bumili kahapon! Nagbihis nalang ako at kinuha ang susi ng kotse ko. Nagdrive ako sa malapit na mall.
First, kumain muna ako sa Jolibee. Dahil gutom na gutom na talaga ako. Feels like kaya ko ng kumain ng tao. Pagkatapos nun ay dumiretso na ako sa Supermaket. Kumuha ako ng malaking cart.
Habang namimili ako ay may napansin akong kakilala ko.
"RAM!" sigaw ko. Napatingin naman sakin lahat ng nabili kaya nagpeace sign ako. Pero nagpapasalamat ako dahil nakita rin niya ako.
Nilapitan niya ako. At niyakap. "Gianne! Kamusta ka na?" Ngiting sabi niya sa akin. Woah, after 2 years ngayon nalang ulit kami nagkita. He's my friend! And my cousin's ex boyfriend.
"Still pretty. Eh ikaw? Kamusta ang buhay single ha?!" Tapos sinuntok ko siya sa braso. Napa-aray naman ang binata.
Actually, nagtataka ako kung bakit naghiwalay si Al at Ram. Sila kaya ang masasabi kong may pinakamagandang relasyon! Pero isang araw ay nabalitaan ko nalang na hiwalay na silang dalawa. Saksi ako sa pag-iibigan ng dalawang yun. Inis na inis ako ng malaman kong wala na sila!
"Good. Busy sa acads. Uhm.. H-how i-is she?" Nangangatog na sabi nito. Natawa ako. Feeling ko mahal niya parin si Al.
"Bad news! Nasa cebu na siya ngayon. Doon siya pinatapon ni Tita at tito at don din siya magaaral."
Gulat na gulat siya sa nalaman niya at parang di makapaniwala sa akin.
"May ginawa nanaman ba kayo?" Tanong niya sa akin at tumango naman ako.
"Actually, na-kick out siya sa school na pinapasukan namin. Grabe! Napaka-maldita talaga non ni Al. Hahahaha! Pero namimiss ko na talaga siya! How I wish na makita ko siya ulit." Tawang kwento ko sa kanya. At ngumiti naman siya.
"I miss her. I still love her." Malungkot na sabi nito na di ko na ikinabigla. Ofcourse, halatang halata na mahal pa niya ito ano.
"Bakit ba kayo naghiwal---" di ko na natapos yung tanong ko dahil bigla siyang umalis sa harap ko. Napakabastos talagang kausap ni Ram! Nakakainis!
Umirap nalang ako sa kanya at dumiretso ng lakad para maghanap ng beer and chips! Whoo. Namimiss ko na mag-inom. Shucks!
"Tanduay Ice, check! San mig, check! Yakult, check! Mogumogu, check!" Sambit ko pagkatapos kong bumili ng mga chips. Sa sobrang busy ko sa pagiisip ng bibilhin ay may nabangga na pala akong tao.
"Oh my gee! My shirt!" Tili ng isang babae. Napaka-ingay!!
"Oh my gee! Shucks! Sorry not sorry!" Pangaasar na sabi ko sa babaeng nagpupunas ng kanyang damit.
Inangat na ng babae ang mukha niya at nagulat ako dahil siya ang mortal na kaaway namin ni Al sa dati naming school! Si Sasha! Naexpelled rin siya kasabay ni Al. Nagsunugan ba naman ng gamit ang dalawang iyon.
"Oh! Its you my dear friend. Wait, where's Almira?"
Inirapan ko ang loka. "Wala asa Cebu na!"
Gulat siyang tumingin sakin. "Oh my! Poor Almira. I miss her already. " sabay pakita ng sad face.
Inis kong pinakyuhan siya at sinabing, " Ang plastik mo."

BINABASA MO ANG
The Bucketlist ( ON-GOING )
Teen FictionGeorgianne Ilyana Almero-- she's the girl who wants to fulfill his wishes for his happiness. For the happiness that she deserve. She made a bucketlist. How funny is it. She's only the person who's making a bucketlist.