Bucket #10

12 3 1
                                    


I failed. Bakit ba hindi ako pinagbibigyan ni Tadhana na sabihin ang sikreto na tinatago ko?





Bakit ba lagi nalang bad timing?





Pagod na ko. Pagod na pagod.




"Gianne, are you okay? Namumutla ka." Nagaalalang tanong ni Al.






Ngumiti ako ng tipid. "Okay lang." Lie. Hindi ako okay. Masama ang pakiramdam ko.





"Sure ka? E parang gatas na yang labi mo sa sobrang putla eh." Paninigurado ni Al sa akin.




"Pagod lang siguro ako. Don't mind me."  Tumingin ako sa gilid ko para sumagap ng preskong hangin at pagmasdan ang ganda ng dagat.





I want to sleep! Feeling ko babagsak ako anytime. Pero, I have to stay strong.






"Masarap ang tulog natin nito! Sadly, 2 araw nalang kayo dito. Bakit ba ayaw niyo iextend?!" Pagsigaw ni Al. Nagtatampo siya dahil kailangan na naming umuwi. Well, dahilan kasi namin ay busy din kami.






After 2 hours, nakarating na nga kami sa bahay. Wala ng kain kain dumiretso na agad ako sa kwarto at nahiga. Ramdam ko agad ang pagod sa katawan ko kaya naman mabilis akong nakatulog.












**











16 hours of sleep. Yes. Sobrang tagal ko raw na tulog. Ginigising na daw ako pero hindi raw ako magising.












And guess what? Nandito ako ngayon sa kwartong puro puti.












The room that I hate.











HOSPITAL.











"Oh my! Thanks God you're awake!" Nagaalalang Almira ang nakita ko. Nakita ko lumuluha na siya.













"Gaga ka, Gianne! Ilang beses mo na ko pinapaiyak ha!" Sabi ni Sasha.











Wala si Ivan. Asan naman siya?







"Bat ako andito?" Mahinang tanong ko sa kanila.








Pero di sila sumagot. Nakapasok na si Ivan sa kwarto at nagulat dahil nakita niyang gising na ako. Nakita kong magkasalubong ang kilay niya.








Alam ba na niya?






Nagsimulang kumabog ang puso ko ng sobrang bilis dahil sa takot. Takot na malaman niya..




.



"Tss. Dahil daw sa sobrang pagod mo, nasobrahan ka sa pag tulog. Imagine, you're asleep for about 16 hours?! What the heck, Sis!" Sigaw lang niya sa akin at napatameme naman ako dahil sa sinabi niya.








So.. yon lang sinabi ng doctor sa kanya?










Di pa man ako nakakapagsalita ay may kumatok na sa pintuan. Pumasok ang isang lalaki na nasa edad na 50.









"May I have a word with the patient, please?" Nakangiting sabi nito sa lahat. Tumango naman sila at iniwan kami para makapag-usap.










Nakita ko ang pangalan nito sa puting coat niya.











Dr. Echo Devales










Napalunok ako. "D-doc?" Sabi ko dahil matagal siyang nakatitig sa akin.










"Good day, Ms. Almero. I am Dr. Devales, I just have something to know with you." Umoo- nalang ako sa kanya.













Ngumiti ito sa akin. "Are you aware of your condition?"













Kumabog ang puso ko. "Y-yes po." Nanginginig na sabi ko sa kanya.













"Does they know about it?" Sabi nito.













"No po."












"Iha. Your condition gets worst. Sooner or later, pwede ka---" naputol ang pagsasalita nito ng may kumatok.











"Doc! Emergency po!" Sigaw ng nurse. Napapikit ako at napakapit sa kumot ng mahigpit.












"Ms. Almero, pwede ka ng madischarge mamaya. Please tell them." Huling sabi ng doctor at umalis na. Kasabay naman yun ng pagpatak ng luha sa mga mata ko.












My condition gets worst. P-paano?













Narinig ko na pumasok na sila at nagtanong kung bakit daw ako umiiyak. Sabi ko, "pinagalitan ako ng doctor kasi sa sobrang pagod ko. Tapos bawal daw ako mag-pagod ganon. Eh alam niyo naman ako, hindi ako mapakali sa iisang pwesto."













Tumawa sila. "Tuloy ba mamaya?" Tanong ni al.










"I suggest no. Kakagaling lang ng hospital tong si Gianne tas Bar agad?" Sabi ni Sasha. Tumango din si Ivan sa sinabi nito.











"Uy! Grabe naman! Ituloy na natin! Uuwi na tayo bukas eh. Tsaka wala naman akong sakit. Nagpahinga lang ako noh." Sabi ko sa kanila. Ayokong maudlot ang usapan at tsaka isa to sa mga nakasulat sa bucketlist ko. Bakit ko naman papalampasin?













"I agree! Hmp! Ang aarte niyo ah." Sabi ni Almira. Gustong gusto niya matuloy yung plano. Well, excited na din sana ako kaso mukhang ayaw ng magjowa na tong si Ivan at Sasha. Isa silang malaking epal.









Dati si Ivan lang umaayaw ngayon pati si Sasha na. Sus, buhay pag-ibig nga naman.











"Pwede na ko madiscaharge mamaya. Ituloy natin ah! Kung ayaw niyo edi kami nalang ni Almira. Right, bessyyyy?" Sabi ko ng nakangiti.













Tumango tango naman ito. "Yas! Sige pahinga kana ulit mamaya magpapaka-wild tayo!"













Nagtawanan kaming dalawa pero yung dalawang magjowa ay seryoso at pinagiisipan kung sasama din ba sila.

The Bucketlist ( ON-GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon