Bucket #5

10 2 0
                                    

"Tagaytay part 2"

-

Jace's POV

Georgianne is really different from all the girls I've known. She's extraordinary! She's unique. Sa pinapakita niya ngayon ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya. She's cool and fun. Parang wala siyang iniisip na problema.

"Welcome sa Tagaytay!" Sabi niya sa amin. Ngumiti nalang ako.

Hindi ko alam na kaskasero pala siya magdrive. Pero pag kami naman ang magkasama, ay hindi siya ganoon. Kalmado lang siya pag nagdrive tapos nakikipagbiruan pa sa akin. Iba siya ngayon. Bakit kaya? And napansin ko na parang matagal na siyang kilala ni Sasha. Are they related to each other? Are they friends?

Tumahan na ng iyak si Sasha. Maybe I can ask her. Lumapit ako dito at nag-abot ng panyo.

Nagtaka siyang tumingin sa akin. At sa huli ay tinanggap niya rin ito at nagpasalamat. Umubo ako at nagsalita. "Close ba kayo?" tanong ko sa kanya.

"Huh? Nino?"

"Gianne. Magkaibigan ba kayo? Magkakilala? Uhh, i mean napansin ko lang na parang matagal na kayong magkakilala." Nahihiya kong sabi. Aaminin ko na ngayon ko lang nakausap ng matino si Sasha. Kaya parang nagaalangan pa kong magtanong sa kanya.

Ngumiti siya."Si Gianne ang dapat mong tanungin." Maiksi lang na sabi nito at umalis na. Hah, bakit kay gianne pa ko magtatanong?

Umiling nalang ako. Kumain kami sa Mcdo at nagdrive ulit si Gianne papunta sa People's park. Umupo kami sa isang tabi at nagsabi si Gianne ng mga balak niyang gawin para sa film namin.

"Okay. Please listen carefully dahil ayoko ng ulitin ang sasabihin ko sainyo." Mataray na sabi nito sa amin.

Umoo nalang kaming lahat at nagsimula na siyang magdiscuss.

"So, ang gusto kong maging tema ng film niyo ay tungkol sa isang babae na may mababang self-confidence at takot magsabi ng sikreto sa iba. I mean, uhm. Gusto kong iparating na.. ano bang mangyayari kapag masyadong mababa yung self-confidence mo sa sarili mo? May maganda ba na resulta ang pagkakaroon ng mababang self-confidence? O eto pa mismo ang maghihila sayo para mapahamak ang sarili mo." sabi ni gianne.

Walang umimik sa amin maski isa. Ang lalim ng naisip niyang tema para sa film namin. Yung mga tanong na sinasabi niya ay parang nagpapalito sa amin kung ano nga ba ang mangyayari kapag mababa ang self-confidence mo sa sarili mo.

Sigurado ako na maraming mapupulot na aral sa film na gagawin namin and makakatulong rin ito para marealize ng iba kung gaano kaimportante ang self-confidence sa sarili.

"Are you guys understand my point?" Tanong ni Gianne.

"Yes. Uh, Yung topic sa short film ay maganda." Sabi ni denise.

"Hindi lang siya maganda kasi gusto ko ring mag-iwan ng tanong sa mga isip ng makakapanood ng film niyo. Maraming mabubuo na tanong sa inyong isip kung ano ba talaga ang importansya ng self-confidence sa sarili." Sabi ni Gianne.

Ngumiti siya sa amin. "Yung babaeng may mababang self-confidence ay papangalanan kong, Yana. At ikaw, Sasha ang gusto kong gumanap non. Christian will be the bestfriend of Yana, uhm i think bagay si Ram sa role na iyon. Jace and Elmer will be the barkada of Ram, which can be named as Paul and Zac. And the sister of Yana will be denise! Ang pangalan mo ay Dana."

Nagtaas ng kamay si Sasha. "Gianne, why me?"

Ngumiti nalang si Gianne at nagsabing, "Why not? Nakalimutan mo na ba? Hindi ba gusto mong ikaw ang maging bida sa unang film na gagawin ko? Then, Si Al yung kontrabida. Sadly, wala siya." Tapos tumalikod na si Gianne para kunin ang camera niya. Nanahimik naman si Sasha at ngumiti. Lumapit rin ito kay Gianne at niyakap ito ng patalikod. Napansin kong may sinasabi si Sasha pero di ko na ito narinig dahil medyo may kahinaan ang boses niya sa pag uusap kay Gianne.

The Bucketlist ( ON-GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon