#DiveKabanata2
"Alam niyo! Ang babagal niyo," Singhal saamin ni Tine. Napailing sina Maico sakanya.
Paano naman kasi, inisa-isa niya kami kaninang umaga na tawagan kasi baka daw 'di nanaman kami matuloy, saka naplano daw kasi iyon, tapos kapag naplano 'di matutuloy, yon nga baka ma-jinx daw na hindi matuloy. Ewan ko sakanya.
Tapos si Lily ata, masakit iyong ulo. Pero buti na lang daw napilit siya ni Wilmer kanina na sumama. Tapos ako naman, tinamad na nga ko kanina, kaso nga ay si Tine, sinundo ako sa bahay. Tapos sabi ni Mama, may pupuntahan daw naman ako why not daw na mag-enjoy ako, e bakasyon naman na daw. Sayang yung oppurnity daw na kasama ko mga kaibigan ko.
Kasalukuyang nandito kami sa may isang gasolinahan. Si Tine kasi ay nag-uumapaw ang energy. Nalaman kasi niyang maraming mga lalaki duon na gwapo, galit na galit nga si Wilmer sakanya, e. Selos lang siya.
"Gusto mo ng pagkain?" Tanong saakin ni Maico. Tumango ako. Medyo malayo kasi iyong falls na pupuntahan namin. Tapos 'tong si Ikey nakalimutan magpa-gas kanina kasi nga sobrang ingay daw ni Tine, tapos si Noah, nasa sasakyan niya. Naghihintay saamin.
Sakanya nanaman dapat ako sasabay kaso, tumanggi na 'ko. Sumabay na lang ako kina Ikey, tutal nanduon naman si Lily kaya okay lang kapag sumakay ako sakanila. 'Di baleng medyo awkward iyong atmospera namin sa sasakyan ni Ikey kaysa naman makasama ko si Noah, 'wag na lang.
"Penge ako nung, puto." Sabi ko kay Maico. Kumuha naman siya saka ako binigyan.
"Matagal pa ba iyong byahe?" Tanong saamin ni Lily. Tumango ako. Ang alam ko kasi ay tatlong oras pa iyong ibabyahe namin. 'Di ko alam kung bakit napapayag ni Maico 'tong mga kaibigan ko kahapon na pupunta kami sa Pinsall Falls na ang layo-layo.
Saka, ngayon lang kami pupunta duon. Maliban kay Wilmer, Maico, at Noah. Si Wilmer daw, kapag may trip sila ng mga pinsan niya na maligo duon, pumupunta sila. Habang si Maico, nakapunta na once duon kasi nga may shooting sila nuon sa isang subject nila. Tapos si Noah, ewan ko. Nasabi lang ni Giahna na nakapunta na siya duon kaya medyo gamay niya 'yong daan papunta duon, malay ko naman sakanya diba?
"Tara na," Aya saamin ni Ikey. Huminga ako ng malalim saka ako pumasok sa sasakyan niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Maico. Umiling naman siya at tinuro si Tine.
"Friend, sasabay kami kay Ikey. 'Dun ka na lang kay Noah, kasi ano... basta!" Magrereklamo na sana ako kaso ay natulak na 'ko nina Lily na kay Noah ako sasabay, tapos pinaharurot na ni Ikey iyong kotse niya.
Nakakainis sila! Pumunta ako sa kotse ni Noah. Nagulat nga si'ya noong nakita niya ko, e. "What are you doing here?" Gulat niyang tanong.
Umirap ako sa kawalan. "Obvious naman, 'di ba? Malamang sayo ako sasabay!" Asik ko sakanya.
Umiling lang si'ya saka pinaandar iyong sasakyan niya. Sana talaga huwag niya 'kong kausapin buong byahe. Naalala ko din pala iyong sinabi niya kagabi, ano bang nakain nito at nasabi niya 'yon? Sana talaga, no talk kami dito. Lalo na't kaming dalawa lang rito, ano bang trip nila Tine at ayaw nila sumama kay Noah? Saka, siksikan kaya silang lahat sa sasakyan ni Ikey. Ang liit lang noong car niya kaya.
"If you're hungry, just tell me. We'll stop sa isang restaurant, so that you can eat." Malumanay na sabi ni Noah.
Tumango lamang ako. Wala talaga akong balak na kausapin si'ya. Tumingin na lamang ako sa tanawin at 'di ko na si'ya pinansin. Nasaan na kaya sina Ikey ngayon? Dapat talaga ay 'di ako nagpatinag na sumama kay Noah dito sa sasakyan niya.
YOU ARE READING
Aeroplanes That Gotten Ahead of Us (Dive)
Teen Fiction• Friendship | Umaasa | Manhid | Dive | ATGAOS • "You've always been the girl I'd never have." "Don't call me baby." All rights reserved. Started: February 12, 2017 Finished:- To god be the glory. Psalm 37:23-24 "The LORD makes firm the steps o...