Kabanata 6

7 0 0
                                    

#DiveKabanata6

Pumasok ako sa loob ng kwarto namin nina Lily at Tine. Agad akong sinalubong ni Tine ng yakap.

"Sorry talaga, Naomi. Talagang nagalit lang ako. Pasensiya na. Nagkausap ba kayo ni Ikey? Anong sinabi? Sinaktan ka ba niya?" Sunod-sunod na tanong ni Tine. Luminga-linga ako sa paligid at nakita ko roon si Lily na inaayos iyong TV.

"Oo, nagkausap kami pero sandali lang."

Hinawakan niya iyong kamay ko. "Nandoon ba si Giahna noong nag-usap kayo?" Tanong ulit ni Tine.

Umiling ako. "Wala siya. Wala namang binanggit si Ikey tungkol kay Giahna noong nag-uusap kami. Saka kung tatanungin mo Tine kung okay na kami. Hindi pa. Hindi ko pa kayang patawarin iyong nagawa niya saakin. Gusto ko mang matapos na iyong paghihirap ko sakaniya ayoko namang ibigay sakanya kaagad iyong tiwala at pagpapatawad ko. Sobrang lalim na sugat iyong iniwan niya saaking marka." Singhap ko.

Tumango si Tine. "Naiintindihan kita. Gusto mo bang pag-usapan iyong nangyari sa pag-uusap niyo o hindi muna?" Tanong ni Tine.

"Huwag muna. Ayoko muna maalala lahat."

Tumango si Tine. At ngumiti lang saakin ng mapait si Lily sa tabi. Iyan ang gusto ko sakanilang dalawa. Hindi nila ipipilit kung ayaw mo munang magkwento. Nirerespeto nila iyong nararamdaman mo.

Tinignan ko iyong hawak kong cellphone at naalala nanaman iyong mensahe ni Noah. Umayos ako at pumasok sa loob ng banyo. Nagtipa naman ako nang mensahe kina Mama noong nakapasok ako.

To Mama:

Nandito na po kami sa Hotel Loyola. Pakamusta po ako kay Lola mamaya.

Naligo na ako pagkatapos kong magtipa ng mensahe. Nagpalit na ako noong pajama ko at lumabas upang makihalubilo kina Tine at Lily.

Agad namang nakatanggap ako nang mensahe galing kay Mama.

From Mama:

Sige anak. Ingat kayo.

Pinatay ko na iyong cellphone ko at tinignan iyong pinapanood nina Tine. "Romantic-comedy ba iyang napili ninyong panuorin?" Tanong ko kina Lily.

"Oo! Syempre naman. Manuod ka na lang."

Umupo ako sa tabi ni Lily saka niya hinawakan at sinuklay-suklay iyong buhok ko. Sa kalagitnaan ng movie ay biglaang nag-iyakan sina Tine dahil biglaang nagpakasal ang babaeng bida sa nakabuntis sakaniya. Ilang taon na kasi silang hindi nagkita kung kaya't napagdesisyunan ng lalaki na magpakasal sila alang-alang sa batang kanilang anak. Sa kabilang banda naman ay panay ang pighati ng lalaking kaniyang matalik na kaibigan dahil hindi sila nagkatuluyan.

Umiwas ako ng tingin at napaiyak na rin. Nakakainis ilang beses akong umiyak sa araw na ito at nakakapagod. "My God! Sana talaga nasabi niya 'yong nararamdaman niya kay Rosie!" Sigaw ni Tine.

Tumango kaming dalawa ni Lily. "Oo nga!" Pagmamaktol ni Lily.

Pinagpatuloy namin iyong panunuod at mas lalo pang bumuhos iyong luha namin. Ang daming nangyari sa pelikula at panay ang punas at hikbi namin nina Tine.

"Ang ganda noong Movie! Nuod pa tayo." Anyaya ni Tine. Tumango kaming dalawa ni Lily.

Pinakita saamin ni Tine iyong dalawang horror movie na nakita niya sa CD rack. "Anong gusto niyong panuorin? The Last Key o Insidious Chapter 2?" Tanong ni Tine.

"Ha? Horror talaga?" Sabat ko. Paano naman kasi horror iyong papanuorin naming tatlo tapos nasa hotel pa kami.

"Insidious Chapter 2 nalang." Sagot ni Lily.

Aeroplanes That Gotten Ahead of Us (Dive)Where stories live. Discover now