#DiveKabanata8
Inihatid ako ni Noah sa bahay namin. Nagtext nalang ako kay Tine na nakarating na kami. Nahuli kasi kami ni Noah ng dating, ewan ko ba noong papunta kami sa Pinsall ay mabilis naman siyang magpatakbo noon.
Napagkasunduan din naming magbabarkada na susunduin ako ni Maico. Akala ko nga ay si Naoh nanaman kaso ay magpapahinga din pala siya. Napagod siguro.
Bumaba ako at nakita ko doon na abala si Mama sa business namin. "Ma, alis po kami mamaya. Magsisimba." Sabi ko kay Mama.
"Oh, mabuti 'yon. Kamusta na si Ikey? Matagal na siyang hindi nakab-bisita dito. Nag-away ka ba kayo?" Tanong saakin ni Mama.
Hindi agad ako nakasagot doon. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko doon. 'Yan kasi ang mahirap eh, nasanay na sina Mama na dinadala ko dati noon si Ikey dito. Agad akong nag-isip ng alibi kay Mama.
"Uh, Ma busy po kasi si Ikey. Nakakasama pa din naman namin siya Ma pero hindi madalas." Sambit ko.
Tumango na lang si Mama doon. "Basta kapag may oras bumisita siya rito. Namimiss ko na iyong batang 'yon." Bilin niya at napatango ako roon.
Dumiretso naman ako sa kusina at nakita ko doon sina ate Jen at kuya Bram, mga kapatid ko. "Ate, wala kang pasok?" Tanong ko.
"Wala, dalawang araw ako ngayon dito sa bahay kasi may event sa school tungkol kay St. Paul." Sagot ni ate. Napatango naman ako roon.
Inakbayan naman ako ni Kuya. "Baby sis, bakit wala ka dito sa bahay palagi?" Tanong niya.
"Kuya, summer ngayon. Bakasyon namin, magliliwaliw muna ko. Saka sobrang stress ko last school year ano! Give me a break." Puna ko kay Kuya. Umirap naman siya roon.
"Sis, ayusin mo na 'yong form mo. Malapit na 'yong entrance exam sa school. Mga May na iyon." Sabi ni ate Jen. Tumango ako roon. Siguro mamayang gabi pagkatapos namin sa Le Kitsch ay aayusin ko na 'yong mga kakailanganin ko sa SPC. Buti na lamang at pinaalala iyon saakin ni ate kundi ay baka mahuli na ako sa pag-e-entrance exam.
Sinapak naman ako ni Kuya. Walangya 'tong kuya 'ko. Bigla-bigla nananapak, ang galing! Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Anong give me a break? Paenglish-english ka na ngayon ha, nahawa ka kay Noah?" Pang-aasar saakin ni Kuya.
Paano napunta kay Noah iyong topic namin? Grabe naman! "Anong Noah, Kuya? Gusto ko lang naman humingi ng break kasi sawa na ko sa mukha niyong dalawa ni ate. Sobra kasi kayong magkamukha." Pang-aaliw ko sa sarili ko. Naaaliw kasi ako kapag pinagtri-tripan ko si Kuya.
Binatukan naman ako ni Ate. Ay grabe! "Boba ka ba? Malamang kasi kambal kami kaya magkamukha kami!" Inakbayan ni Kuya si Ate Jen.
Nag-apir pa silang dalawa. "Bahala nga kayo diyan!" Sigaw ko. Ako tuloy 'yong napag-isahan nilang dalawa. Kabadtrip, ke aga aga.
Napagdesisyonan kong maligo na. Bigla namang nag-beep iyong phone ko.
Tinealyn Combis:
Sunduin ka namin mga 4.
Nagreply ako ng 'okay' kay Tine. Tinignan ko iyong oras at mag-aalas dos na. Matagal-tagal din kasi akong natulog at nagpahinga. Ewan ko ba, lahat ata ng araw eh may pupuntahan kami.
Pumunta ako sa banyo sa kwarto ko saka naligo. Pagkatapos kong maligo ay biglaang may kumatok naman roon. "Pasok." Sambit ko. Nakita ko roon si ate Jen.
"Anong ginagawa mo dito, ate?" Kunot-noo kong tanong.
Dumiretso siya sa closet ko at kumuha ng mga damit. "Kaya ka siguro hindi napapansin ni Ikey kasi sobrang manang mo magsuot." Umirap naman ako sakanya.
YOU ARE READING
Aeroplanes That Gotten Ahead of Us (Dive)
Teen Fiction• Friendship | Umaasa | Manhid | Dive | ATGAOS • "You've always been the girl I'd never have." "Don't call me baby." All rights reserved. Started: February 12, 2017 Finished:- To god be the glory. Psalm 37:23-24 "The LORD makes firm the steps o...