#DiveKabanata10
Nagising ako sa sinag ng araw. May ngiti sa aking mukha sa pag-gising ko. Nag-ayos na 'ko sa sarili ko bago bumaba. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na 'ko. Sinalubong naman ako nang yakap ni Lola.
"Good Morning, apo!"
Napangiti ako saka yinakap si Lola. "Good Morning, Lola!" Bati ko din kay Lola. Nagulat ako noong nakita ko si Ikey sa may sala.
Sa gulat ko ay napatingin ako kay Mama. Kinabahan ako bigla doon, hindi ko alam kong anong ginagawa niya dito.
"Anak, nagtext ako kahapon kong pwede ba ngayon si Ikey dahil namimiss ko na itong batang 'to. Tinanong ko pa siya anak kong napaabot mo 'yong anyaya ko sakanya kaso ay wala daw siyang natanggap." Pagtatampo ni Mama.
Ngumisi ako. "Ah, sorry po. Nakalimutan ko po, e." Humingi ako ng paumanhin kay Mama.
Lumapit ako kay Ikey. Saka binulungan siya. "Anong ginagawa mo dito, ha?" Mariing tanong ko kay Ikey.
Bumulong din siya saakin. "Nandito lang ako kasi requests iyon ni Tita. Ano bang masama kapag narito ako sa bahay niyo? Hindi na ba 'ko welcome tulad nang dati?" Mariin ding tanong niya.
Tinignan ko siya. Ayokong nandito siya sa bahay. Gusto kong lumayo sakanya! Bigla namang dumating si Mama at Lola sa sala. Habang sabay naman na bumaba si ate Jen at kuya Bram galing sa taas. Nagulat pa si ate noong nakita niya na nag-uusap kami ni Ikey.
"Kuya." Nagman hug sila at dumiretso na kami sa dining area. Tinawag na kasi kami nila Mama na mag breakfast. Nakita ko doon iyong paboritong ulam ni Ikey. Talagang nami-miss na niya si Ikey.
"Ikey, kumakain ka pa ba nito, hijo?" Tanong ni Mama.
Tumango naman siya roon. "Opo, Tita. Ang sarap pa rin po ng luto ninyo. Namiss ko po 'to." Ngiting-ngiti si Ikey kay Mama.
"Hijo, kamusta naman sina Crisenta at Rodolfo?" Tanong naman ni Lola. Bumuntong hininga ako. Ano bang ginagawa niya dito?
"Okay naman po sila. Medyo busy kasi dadating si Ate Louise." Puna ni Ikey. Napaubo naman si Ate Jen sa sinabi ni Ikey.
"Really? Kailan?" Tanong naman ni Ate Jen kay Ikey.
Uminom ng tubig si Ikey bago sumagot kay Ate. "Next month po ata. 'Di ko pa po sure pero this year daw po." Saad ni Ikey kay ate.
"Oh my God! Magm-message ako mamaya sakanya." Sabi ni Ate Jen.
Nagsalita naman bigla si Kuya. "Eto bang si Naomi ay naaalagaan mo pa, Ikey? Dapat ay inaalagaan mo parin ito. Paano kapag nagkaroon ng boyfriend 'to?" Utas ni Kuya.
Bigla namang nag-iba iyong ekspresyon ni Ikey. Kung dati ay pangiti-ngiti siya ngayon ay parang kinabahan naman bigla. Natahimik rin si ate Jen. Hinintay ni Kuya iyong sagot ni Ikey. "Ah, opo naman Kuya Andre, binabantayan ko naman si Naomi." Sambit ni Ikey.
Tumango lang si Kuya roon at pinagpatuloy iyong kain niya. Pagkatapos nun ay hindi na nagsalita pa si Ikey. "Ikey, kain ka pa. Make yourself at home. Oh, Naomi, ikaw na bahala kay Ikey, ha?" Saad ni Mama.
Nauna nang pumunta si Mama sa kitchen para maghanda nanaman ng kakainin ni Ikey. Kapag ba nalaman ni Mama na pinapaiyak ako ni Ikey magagalit ba si Mama sakanya? Hindi ko alam pero siguro.
Linigpit na ng katulong iyong pinagkainan namin. Nagpaalam si Lola na doon muna siya sa garden dahil nandoon iyong mga kaibigan niyang nga katulong namin. Friendly kasi si Lola. Pumayag na lang kami ni Ikey basta mag-iingat siya.
YOU ARE READING
Aeroplanes That Gotten Ahead of Us (Dive)
Teen Fiction• Friendship | Umaasa | Manhid | Dive | ATGAOS • "You've always been the girl I'd never have." "Don't call me baby." All rights reserved. Started: February 12, 2017 Finished:- To god be the glory. Psalm 37:23-24 "The LORD makes firm the steps o...