#DiveKabanata7
"Nao! Gising na, mag aalas-otso na!" Sigaw ni Tine sa tenga ko. Minulat ko iyong mata ko at nakita kong tulog mantika pa din si Lily sa tabi ko.
Bumangon na 'ko saka hinanap iyong gamit ko pagkatapos ay dinala sa banyo. Tinignan ko iyong relos ko at nakita kong alas siyete pa lamang ng umaga. Inirapan ko si Tine at tumawa pa siya nang pagkalakas-lakas.
"Pakshet talaga! Ang aga-aga pa ginising mo na 'ko! Tapos si Lily hindi mo naman inistorbo." Reklamo ko sakaniya.
Tumingin ako sa damit niya at nakabihis na siya. Naka halter top siya at denim shorts. "Ang aga mo naman atang nagising." Irap ko sakaniya.
"Nag-alarm ako. Akala ko nga magigising kayo doon sa alarm kaso sobrang sarap ng tulog niyo." Tawa ni Tine.
Dumiretso na 'ko sa banyo saka naligo. Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos na ako ng sarili ko. Kinuha ko iyong damit sa bag ko at nakita ko namang disente iyon. Buti na lang hindi umuwi si ate Jen mula sa University nila kahapon dahil sigurado akong kung ano-ano nanaman iyong ilalagay niyang damit sa bag ko.
Lumabas na 'ko ng banyo at nakita kong gising na din si Lily. "Good Morning, sunshine!" Bati ko sakniya.
"Bakit 'di niyo ginising?" Inis na tanong saamin ni Lily.
Tinuro ko si Tine na busy sa kaniyang cellphone. "Iyan! Iyan ang sisihin mo. Ang sarap-sarap ng tulog ko inistorbo ako kaya 'di na kita nagising dahil nabiwist ako kay Tine."
Tumawa ulit ng napakalakas si Tine. "Kaya nga ikaw ginising ko kasi mahirap kang gisingin sa umaga." Umirap ako ulit sakaniya.
Pagkatapos ni Lily mag-ayos na sarili niya ay hinanda muna namin iyong gamit namin bago lumabas. Nakita kong nakabihis na sila Noah.
Narinig ko pa iyong pag-uusap ng mga kalalakihan na barkada namin. "Pre, madaya kayo 'di niyo man lang kami inaya ni Giahna." Tampo ni Noah.
"Brad, bilin kasi ni Nao na huwag ka—" Napatigil si Maico sa page-explain noong nakita kami nina Wilmer.
"Good Morning." Ngiti saakin nila Maico. Ngumiti ako pabalik sakanila.
Napatingin ako kay Noah at seryoso naman niya akong tinignan. Nag-iwas ako nang tingin sakanya at dumako naman ang mga mata ko kina Ikey at Giahna.
Lumabas na kami at biglaang nakita ko naman sina Lexton kung kayat hinila ko si Tine. "Tine, nandyan sina Lexton!" Pagpapanick ko.
Agad na hinila din ni Tine si Maico. "Maico, nagtext si Dad, sabi niya bilisan daw natin." Natetense na sambit ni Tine.
Kumunot iyong noo ni Maico dahil doon. "Anong nangyari? May masama bang nangyari sa bahay niyo?" Nag-aalalang tanong ni Maico.
"Basta huwag ka nang magsalita. Bilisan na lang natin."
Pumasok sina Tine sa sasakyan ni Ikey habang ako naman ay dumiretso sa kotse ni Noah.
"Sure ka bang sasabay ka kay Noah? Akala ko ba naiinis ka sakanya?" Naguguluhang tanong ni Lily.
Nag-iwas ako ng tingin. "Explain ko mamaya." Sambit ko.
Pumasok ako sa front seat at panay naman ang ngiti ni Noah sa driver's seat. "Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Pagtataray ko sakanya.
Akmang tatawagin ko sana sina Tine na sumabay na lang saamin ni Noah kaso ay noong nakita ako ni Tine at agad na siyang pumasok sa sasakyan ni Ikey.
"Bakit ang weird nila?" Tanong ko kay Noah.
Ngumiti siya. "I don't know." Ngisi ni Noah sa tabi ko.
Kinuha ko lang 'yong earphones ko saka nalang ako nagpatugtog. Sa buong byahe namin ay tahimik lang kaming dalawa. Parang 'yong nangyari lang noong papunta kami sa falls.
YOU ARE READING
Aeroplanes That Gotten Ahead of Us (Dive)
Teen Fiction• Friendship | Umaasa | Manhid | Dive | ATGAOS • "You've always been the girl I'd never have." "Don't call me baby." All rights reserved. Started: February 12, 2017 Finished:- To god be the glory. Psalm 37:23-24 "The LORD makes firm the steps o...