#DiveKabanata13
Umalis si Ikey. Wala akong maramdaman kundi lungkot lang. Nagpaalaman kong nag-away din sila Ikey at Noah. Hindi ko alam kong anong magiging reaksyon ko doon. Ang tanging naiisip ko lang ay iyong pag-alis niya.
Gusto kong bumalik na siya. Alam ko matagal pa bago siya makakabalik pero sasabihin kong atat na 'ko at gusto ko na siyang makita.
"Naomi, nakikinig ka pa ba?" Tanong ni Lily sa tabi ko.
Napatingin ako sakanya. "H-ha? Ano ba 'yon?" Tanong ko.
"Nagkita kami ni Giahna kanina. Kinamusta ka." Nagulat ako sa sinabi ni Lily.
Okay na ba si Giahna? Ang bilis naman niya nakabangon. Hindi ko naman naging karelasyon si Ikey pero sobra-sobra parin akong naaapektuhan sa lahat ng nangyari. Halos ilang linggo na siyang wala pero hindi ko pa rin siya maalis sa sistema ko.
Biruin mo, magt-tatlong linggo na ngunit ganoon parin iyong pagtingin ko. Hindi ko siya maalis-alis sa isip ko. Nagpaalam muna 'ko kila Lily na magb-banyo muna ko. Natuloy na kasi iyong balak nila na dalhin ako dita sa Le Kitsch. Natuloy na iyon pero wala namang Ikey na kasama.
"Ayan ka nanaman, Naomi. Aayusin niya 'yang sarili niya tapos ganyan ka." Iling ko sa sarili ko habang nakatingala sa salamin.
Nakita ko iyong repleksyon ko. Sobrang lungkot ng mga mata ko. Ni wala pa nga 'kong matinong tulog sa nakaraang linggo. Panay ang pagc-check ko gabi gabi kong naka online ba si Ikey o hindi. Halos pagod iyong mga mata ko.
Sana talaga hindi na lang siya umalis.
Lumabas na 'ko mula sa banyo at nakihalubilo kila Tine. "Ayos ka lang?" Tanong saakin ni Tine at nakatingin naman saakin si Lily na seryoso.
Tumango ako. "Bakit naman ako 'di magiging okay?" Sagot ko.
Umiling sila. Nagtanong ako kila Wilmer. "Nag-away daw sila Noah at Ikey, bakit?"
Napaubo si Maico. Nas-sense kong may hindi sila sinasabi saakin. Hindi rin nga pala sumama si Noah. Ang daya naman nun! Palagi naman siyang pumupunta sa bahay noong gusto kong mapag-isa tapos ngayong gusto ko nang may kasama ako saka naman siya wala.
"E, Naomi, nagalit kasi si Noah sa ginawa sa'yo ni Ikey. Ayaw kasi ni Noah iyong mga ginagawa at pagtrato sa'yo ni Ikey, 'yon nag-away sila." Paliwanag ni Wilmer.
Kumunot ang noo ko roon. "Bakit daw? Bakit galit si Noah?"
"Bakit kaya ang daming manhid sa mundo, ano?"
Napatawa ng malakas sila Tine. Anong nakakatawa? Bigla akong napasimangot. Wala naman kasi akong alam diyan sa pinagtatawaman nila.
"Ano bang nakakatawa?"
"Wala."
Iling ng mga kaibigan ko. Hindi ko na lamang sila pinansin at narinig ko pa iyong ringtone ko. In-off ko kasi iyong silent at vibrant mode noong phone ko dahil kapag biglaang tatawag si Ikey at masasagot ko. Nakita ko roon iyong mensahe ni Noah.
Hi... Saan ka?
Iyon 'yong lamang ng mensahe niya. Agad akong nagtipa ng mensahe para sakanya. 'Nasa Le Kitsch ako. Kasama ang barkada...' sagot ko sakanya sa mensahe niya.
Agad na napakunot iyong noo ko noong hindi na siya nagtipa ng mensahe saakin pabalik. Nagulat na lang ako noong may nagtakip ng dalawang mata 'ko.
"Hulaan mo 'kong sino."
Napangiti ako. "Noah."
Sumimangot siya roon. "Aww daya! Paano mo nahulaan 'yon?" Umirap ako.
Napatawa ako. "Parang 'di naman kita kilala, ano?"
YOU ARE READING
Aeroplanes That Gotten Ahead of Us (Dive)
Teen Fiction• Friendship | Umaasa | Manhid | Dive | ATGAOS • "You've always been the girl I'd never have." "Don't call me baby." All rights reserved. Started: February 12, 2017 Finished:- To god be the glory. Psalm 37:23-24 "The LORD makes firm the steps o...