#DiveKabanata1
"Naomi! Tara na, mag-swimming ka na!"
Napatigil ako sa pag-iihaw ng aming pagkain noong tinawag ako ni Lily na maligo na. "Mamaya!" Sigaw ko sakanya. Nandito kami ngayon sa isang resort kadahilanan na tapos nanaman 'yong isang taon at sa susunod na pasukan ay 'di na kami magkakasama pa.
Umahon naman si Tine at hinila ako sa may 'di malalim na parte noong swimming pool. "Oo na, oo na. Maliligo na 'ko," tumawa ako saka sumunod sakanila. Napatingin naman ako kila Giahna at Ikey sa may gilid na naglalampungan.
Napasinghap ako ruon ngunit ay hinila na 'ko ni Tine. "Ikaw talaga, Naomi! Martyr epek ka na naman diyan!" Pambabara saakin ni Tine saka lumapit saamin si Lily.
"Oo nga. Madami naman diyang iba, ah." Sagot ni Lily.
Huminga ako ng malalim. Hindi naman kasi nila alam iyong nararamdaman ko kay Ikey. Grabe talaga mag-judge 'tong dalawang 'to! Mabuti na lamang ay wala pang pumatol sa kanilang dalawa kundi ay 'di ako maniniwala. "Bahala nga kayo, diyan! Mga baliw." Pumunta ako sa may malalim sa parte noong pool.
Mag-kababata kasi kami ni Ikey. Tapos ayon, minahal ko na lang siya bigla-bigla noong magtre-trese na kaming dalawa. Lumapit ako kina Wilmer at Maico. "Naomi, buti naman at naligo ka rin, puro iyong pagkain kasi inaasikaso mo, e." Sabat ni Maico. Tumawa ako ruon ng pagkalakas-lakas.
Napakabully talagang 'to si Maico, nuon pa lamang ay trip na trip na akong asarin ni Maico palagi. Sabi nga ni Lily may gusto daw siya saakin dati, kaso 'di ako naniwala duon. Paano ako maniniwalang may gusto saakin si Maico, e papalit-palit siya ng nobya palagi, paano?
"Oy, balita ko may boyfriend ka na raw, Naomi!" Napatingin ako kay Wilmer saka nagulat sa sinabi niya. Halos mabali naman ang leeg ni Ikey na tumingin saamin.
Umiling ako. "Ha? Wala, ah!" Lumapit sina Ikey at Giahna saamin. Anong problema nitong si Ikey?
"Pwede ka namang mag-boyfriend, Nao." Singit ni Ikey. Tumingin ako sakanya at kitang-kita ko ang ngisi na naglalaro sakanyang mga labi. Kaso ay binawi niya rin 'yon at nagbago ang kanyang ekspresyon. "... pero hindi pwede! Joke lang 'yon, Naomi!"
"Kayo talaga, porket mabait ako sainyo, ha." Nainis kasi ako kay Wilmer, pero okay lamang iyon. Wala naman na silang pagtri-tripan sa susunod na klase dahil papasok na kami sa kolehiyo. Saka, oras na iyon para magseryoso kami sa pag-aaral.
Nagpalipas muna 'ko ng trenta minutos sa pagbabad sa swimming saka ako umahon. Nakaramdam kasi ako ng gutom bigla. "Guys, 'di pa ba kayo gutom?" Tanong ko sa mga kaibigan ko.
Sina Tine ay umiling lamang at sina Ikey tuloy parin sa pag-eenjoy. Mukhang seryoso ang mga babae habang nag-uusap sa gilid ng pool. Siguro ay pinaguusap nanaman nila Lily iyong crush niya sa kabilang seksyon na magaling kumanta at maggitara. Balita ko kasi ay kung saan iyong mag-aaral, duon din mag-aaral si Lily. Nabaliw nga iyong mga magulang ni Lily noong nalaman nilang may nagugustuhan si Lily...
Pagkarating ko sa cottage ay inayos ko muna iyong mga tuwalya ng mga kaibigan ko sa mga designated na sampayan. Pagkatapos nuon ay pati ang kanilang mga bag ay inayos ko na rin, saka ako kumain. Tahimik akong kumakain noong dumating iyong kaibigan nila Ikey na lalaki.
Si Noah.
"Bro!"
Agad naman na lumapit sina Tine kay Noah. Last year lang naman namin siya nakilala kasi nagtransfer siya sa eskwelahang pinapasukan namin. Sina Wilmer iyong nag-aya sakanyang makipag-kaibigan saamin at pumayag naman siya. Kaso lamang ay malimit lang kaming mag-usap. 'Di ko alam kung bakit pero naiilang ako sakanya. Wala naman akong gusto sakanya, wala lang talaga akong trip na kausapin siya kahit nuon pa man.
YOU ARE READING
Aeroplanes That Gotten Ahead of Us (Dive)
Teen Fiction• Friendship | Umaasa | Manhid | Dive | ATGAOS • "You've always been the girl I'd never have." "Don't call me baby." All rights reserved. Started: February 12, 2017 Finished:- To god be the glory. Psalm 37:23-24 "The LORD makes firm the steps o...