Kabanata 3

21 0 0
                                    

#DiveKabanata3

Halos tumakbo ako sa kinaruroonan ng mga kaibigan ko. Buti pa sila kanina pa sila nakarating dito. "My friend! Ang tagal niyo naman ni Noah, nag-date ba kayo?" Halos masapok ko naman si Tine sa sinambit niya.

Date? In her dreams.

Tinanaw ko iyong buong lugar at 'di parin ako makapaniwala na sobrang ganda dito. Bakit ngayon ko lang nalamang may lugar na ganito malapit sa probinsya namin?

"Tara na! Magpalit na tayo." Halos ma-excite naman sina Tine at Lily.

Pumunta kami sa pinatayong banyo dito sa may Falls. Buti na lang at may tubig pa siya at nakikita mo pa iyong ganda niya. Usually daw kasi nawawalan siya ng tubig kapag summer kasi sobrang init tapos wala pang ulan sa panahon na 'to, kaya ayon, nawawalan siya ng tubig. Buti na lang ngayon at may kaonting ulan pa, kahit na April na. Nagpalit ng kani-kanilang two-piece sina Tine at Giahna, grabe naman iyong confidence nila sa sarili nila.

Kaming dalawa naman ni Lily ay naka-racer back na swimming attire tapos naka-shorts lang. Dapat nga ay mag-t-two piece din si Lily kaso ay pinigilan ko, alangan namang wala akong kasamang maging KJ 'diba? Buti na lang talaga nag-dala siya ng extra swimming attire niya para 'di ako maiwan sakanilang tatlo.

Napatingin ako kay Giahna. Sobrang sexy nito, at naka-messy bun iyong mahabang buhok niya, tapos may shades pa siya na nagsisilbing proteksyon niya sa init ng araw. Ganitong-ganito talagang mga babae iyong tipo ni Ikey. Nakakalungkot na 'di niya ko matignan na lagpas sa kaibigan pero kailangan kong tanggapin iyon. Lumapit si Giahna kay Ikey at nagtawanan naman silang dalawa. Ang sweet-sweet pa nilang dalawa.

"How can you manage to look at them, when you're fucking hurting like that?"

Nagulat ako noong nagsalita si Noah sa likod ko. May lahi ba siyang kabute? Nakakagulat siya ah! "Anong pinagsasabi mo diyan?" Naiinis kong tanong sakanya.

"Sungit. What I am saying is, don't look at them please." Napatingin ako kay Noah at nagpapacute nanaman iyong ekspresyon niya. Bahala siya diyan!

'Di ko na lamang pa pinansin si Noah. Gusto kong umiyak na lang sa isang sulok at magmukmok, ayoko 'yong nakikita ko ditong tanawin. May problema ba saakin kung bakit 'di ako matignan ni Ikey ng ganyan?

"Friend naman, 'wag kang martyr." Napatingin ako kay Tine saka ngumiti. Palagi niya na lang napapansin kapag nasasaktan ako. Parang lahat kasi ng galaw ko ay binabantayan ni Tine.

"Hindi naman ako martyr, nagmamasid lang ako. Ang ganda kaya dito!" Linagyan ko ng kulay iyong boses ko para 'di niya mahalatang sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Ganoon naman palagi diba? Palaging nakamaskara lahat ng damdamin mo kapag nasasaktan ka. Iyong tipong ayaw mong malaman ng tao na nasasaktan ka kasi ayaw mong makaabala sakanilang lahat. Ang sakit-sakit lang na dati ako iyong sentro ng mundo ng taong mahal ko ngayon ay hindi na.

"Naomi, kilala kita. Kahit na ngumiti ka pa diyan ng sobrang lapad alam kong sa loob mo sobrang sakit niyan." Umiwas ako ng tingin kay Tine.

Buti pa talaga siya naiintindihan ako kahit na ilang ulit kong itago lahat ng sakit sa loob ko. Siguro nga 'kong walang Giahna ngayon, masaya pa rin kami ni Ikey hanggang ngayon. Magmula kasi noong dumating si Giahna sa buhay naming dalawa, nagkaroon na ng malaking espasyo 'yong pagkakaibigan naming dalawa. Alam kong nagpapatay malisya lamang si Ikey noong panahong 'di ko siya pinapansin dahil kay Giahna.

Aeroplanes That Gotten Ahead of Us (Dive)Where stories live. Discover now