#DiveKabanata5
Nagpatuyo muna sina Ikey at Giahna sa loob ng restaurant. Nakakahiya nga dahil kami na lamang ang tao dito at mukhang magsasara na sila.
"Nakahanap ba kayo ng hotel?" Tanong ni Tine kina Ikey.
Tumango naman si Ikey kay Tine. "Oo, malapit lang dito. Nagpabook na kami ng tatlong rooms. Si Maico daw magbabayad."
Bigla namang napatalon si Maico roon. "Ha? Bakit ako?" Nagkamot si Maico sa kaniyang kilay at tumango na lamang dahil aakmang susuntukin siya ni Ikey.
"Oo na! Damn it, dapat talaga ay 'di nalang ako sumali sa bet natin!"
Ang bet kasi namin noong last na magkakasama kami ay hindi siya mambabae ng tatlong oras sa isang pinuntahan namin kaso ay natalo siya. Mayroon kasing naganap na birthday party at naimbitahan kami dahil pinsan iyon ni Noah kaya sumama kami.
Napatingin naman ako kay Noah na seryoso ang tingin kay Maico. Anong problema nito kay Maico? Kumunot ang noo ko saka tumingin kay Lily.
"Uh, Ly, anong problema ni Noah at tahimik siya?"
Ngumiti siya nang nakaloloko saakin. "Uy! Curious ka?"
"Anong curious! Nagtatanong lang ako." Giit ko kay Lily. Umiling na lamang siya at pinagpatuloy iyong pagtetext niya.
Ilang sandali lamang ay pumanhik na kami at dumiretso sa hotel. Nasa lobby kami noong hotel at panay ang tawa nina Lily at Wilmer sa gilid ko. Si Tine naman ay abala sa pagtingin sa gamit ni Wilmer saka ito pinupunasan, nabasa rin kasi kami onti nang ulan.
Buti na lamang at may available pang hotel rooms dahil halos lahat daw nang napuntahan nila Ikey kanina ay fully booked na o 'di kaya reserved.
Inagaw ni Giahna iyong atensyon namin. Tumingin ako sakanya at agad naman na pinulupot ni Ikey ang kaniyang mga kamay sa bewang ni Giahna habang nagsasalita ito. "Guys, sa iisang kwarto sina Lily, Tine, at uh... Naomi." Kumunot ang noo ni Tine sakanya at tinignan naman ako ng mabuti ni Lily. Sa pagkakasambit kasi ni Giahna sa aking pangalan ay parang may sumpa ito at nandidiri pa siyang sabihin. Umirap siya matapos akong tignan.
Bumulong saakin si Maico habang nag-usap sila saglit ni Ikey. "Anong problema ni Giah sayo?"
Nagkibit-balikat ako. Wala akong alam. Hindi ko naman sila ginagalaw ni Ikey ah. Nakikita naman niya na umiiwas ako, nakita niya ngang iniwasan at umalis ako sa restaurant kanina noong nagpresinta si Ikey na ipagpaalam ako sa galaan namin bukas.
"So, probably, Maico and You..." Turo niya kay Wilmer. ".... will stay sa isang room. And of course kami ni baby Ikey Mickey ay nasa iisang kwarto."
Tumingin saakin si Giahna habang sinasambit iyon. Nag-asta akong walang pakialam sa mga titig niya. Okay lang! Hindi ko naman kailangang ilayo pa sakaniya si Ikey. Matagal ko na siyang binitawan.
Hinila ako nina Tine sa kwarto namin. "Bwisit iyang Giahna'ng 'yan! Kung hindi lamang siya kasintahan ni Ikey ay malamang ay pinalayas ko na 'yan dito!" Nakita kong puno nang galit iyong mga mata ni Tine.
Lumapit ako kay Tine habang si Lily ay pinapakalma si Tine. "Tine, ano ka ba, kaibigan mo rin si Giahna. Saka okay lang naman, normal lang sakanila 'yon. Magkasintahan sila kaya wala tayong magagawa doon."
Tumango nang marahan si Tine. "Alam ko naman iyon, Naomi. Kaya lang ay 'di ko yata matanggap na ganon na lamang kababaw ang tingin niya sayo na porke't magsasama sila sa iisang kwarto ay magwawala ka! I can't believe her! Hindi ko alam kung bakit iyan ang napili ni Ikey kaysa sayo!"
Umupo ako saka linagay sa aking mukha ang mga palad ko. "Tine, ayoko 'to. Ayokong masira iyong pagkakaibigan niyo ni Giahna dahil sakin. I know, galit ka ngayon but please sana naman ay huwag mo na lang siya pagsalitaan."
YOU ARE READING
Aeroplanes That Gotten Ahead of Us (Dive)
Teen Fiction• Friendship | Umaasa | Manhid | Dive | ATGAOS • "You've always been the girl I'd never have." "Don't call me baby." All rights reserved. Started: February 12, 2017 Finished:- To god be the glory. Psalm 37:23-24 "The LORD makes firm the steps o...