#DiveKabanata9
Dinala ako ni Noah sa dagat. Hindi ko alam pero gumaan ang loob ko doon. Nakatingin lang ako sa dagat sobrang peaceful lamang at 'di ko mawari iyong nararamdaman ko.
Umihip nang malakas iyong hangin at sumabog iyong buhok ko nagulat ako noong inayos iyon ni Noah. Napatitig ako sa mga mata niya nakita ko nanaman roon ang misteryosong brown niyang mga mata. Nakakatunaw iyong mga titig niya saakin at bigla naman siyang ngumiti.
Humarap ulit ako sa dagat. "Salamat." Saad ko. Tumango siya at huminga ng malalim.
"Sobrang ganda dito, 'no? Magmula noong lumipat kami dito sa Pilipinas dito na 'ko tumatambay minsan kapag may problema ako." Sabi ni Noah.
Tumango ako. Sobrang ganda na napakatahimik. "Bakit mo 'ko dinala dito, Noah?" Tanong ko.
Umiling siya. "Gusto ko lang na gumaan 'yang loob mo. Ayoko lang nasasaktan ka." Sambit niya.
"Noah, huwag mo 'kong alagaan ng ganito kapah iiwan mo lang din ako." Pagkatapos kong sabihin iyon ay huminga ako nang malalim.
Pinaharap ulit ako ni Noah at hinawakan niya iyong magkabilang pisngi. "Hindi ako si Ikey na sasaktan ka lang at papaasahin ka. Hindi siya ako. Alam ko kung ano ang gusto ko at gusto kong malaman mo na importante ka saakin."
Sumilaw iyong mga ngiti sa labi ko. "Noah, kung sakaling mahulog ako sa iba, magiging masaya kaya si Ikey?" Biglang tanong ko.
Umiling siya. "Hindi ko alam. Baka? Siguro? Pero isa lang ang alam ko. Pagsisisi siguro ang mararamdaman niya." Malungkot niyang saad.
"Ikaw, magiging masaya ka ba para saakin kapag nahulog na 'ko sa iba?"
"Oo, kung saan ka masaya 'dun din ako. 'Di mo ba nakikita na kahit gusto na kitang kunin kay Ikey hindi ko ginagawa kasi alam kong mahal mo siya."
Nagulat ako roon. May pagtingin ba si Noah saakin? Gusto kong itanong sakanya ngunit natatakot ako. Natatakot akong magsasabi siya nang totoo, pero mas natatakot akong masaktan ko lang siya.
Winala ko sa isip ko iyong sinabi niya. Ayokong mag-assume gaya ng ginagawa ko dati kay Ikey. Dapat magmula mismo sa bibig niya na malaman kong may pagtingin siya saakin. Pinanood namin iyong paglubog ng araw sobrang ganda noon at wala akong masabi.
Naalala ko lahat noong una pa lamang. Noong panahong wala pa 'kong nararamdaman na sakit. Sana bumalik na lang ako doon. Sana palagi na lang na ganoon. Gusto kong makalimutan lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Papalubog na 'yong araw. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako nang lungkot doon. Siguro kasi mawawala na siya, na matagal nanaman bago siya sumaya. Nakakalungkot, nakakaiyak. Sobrang daming pagsubok.
Biglang nagsalita si Noah sa gilid ko.
"Alam mo bang mahal na mahal ng araw ang buwan." Saad saakin ni Noah. Kumunot ang noo ko roon. Naguguluhan akong tumingin saka at nakakunot pa iyong noo ko.
"Paano mo naman nasabi iyan?" Tanong ko.
Ngumisi siya. "Alam mo kung bakit? Kasi palaging nawawala 'yong araw para maparamdam lang niyang mahal niya 'yong buwan. Nagmamahalan kasi sina buwan at mga bituin. Kailangang mawala ni araw para magkasama silang dalawa palagi. Kahit masakit kay araw na ipaubaya si buwan, ginagawa niya para lang mapasaya niya ito kahit ang kapalit ay mawalay siya rito." Sambit niya.
Sobra akong nalungkot. Sobra-sobrang pagsasakripisyo ang ginagawa palagi ni araw. Napaiyak ako roon. "Tahan na, babalik pa naman si araw. Nandyan naman 'yang mga ulap para mapasaya si araw." Napatawa ako.
YOU ARE READING
Aeroplanes That Gotten Ahead of Us (Dive)
Teen Fiction• Friendship | Umaasa | Manhid | Dive | ATGAOS • "You've always been the girl I'd never have." "Don't call me baby." All rights reserved. Started: February 12, 2017 Finished:- To god be the glory. Psalm 37:23-24 "The LORD makes firm the steps o...