#DiveKabanata4
Sinalubong kami nina Maico noong nakarating kami sa zipline. "Bakit naman ang tagal ninyo?" Tanong niya saakin.
Ngumiti lamang ako kay Maico at sinundot naman niya iyong tigiliran ko. "Kanina pa kasi may nababadtrip dahil sobrang tagal ng paglalakbay niyo ni Noah." Kumindat saakin si Maico at sinapak ko naman iyong ulo niya.
Napatingin ako kay Giahna. Nakaupo si Giahna sa may shade ng puno at hawak iyong cellphone niya. Habang si Ikey naman ay nakakunot ang noo at parang may nangyaring masama sa kanilang dalawa ni Giahna.
Namataan ako ni Ikey na nakatingin sakanya kung kaya't iniwas ko ang aking mga tingin at itunuon na lamang sa iba. Lumapit ako kay Lily at tinanong kong anong nangyari kay Ikey.
"Hay nako, nag-away ata sila ni Giahna. Saka kanina pa kasi nagrereklamo si Ikey dahil ang tagal-tagal daw ninyo ni Noah, tapos nagalit si Giahna sakanya." Umiling si Lily at saka niya 'ko binigyan ng nakalolokong ngiti.
"Ha? Eh, bakit naman nag-aalala si Ikey?" Tanong ko kay Lily.
Huminga ng malalim si Lily at tumingin siya saakin. "Naomi, eto lang ang masasabi ko, may mga taong bulag sa kanilang nararamdaman dahil nauna nilang naging kaibigan ang kanilang minamahal."
Iniwan ako ni Lily na tulala. Bulag sa kanilang nararamdaman. Winala ko na lamang sa aking isip ang mga katagang sinambit ni Lily saakin.
Ayokong umasa. Ilang beses na 'kong umasa na balang araw ay makikita rin ako ni Ikey higit pa sa pagkakaibigan namin dalawa. Alam kong nakakapagod nang maghintay ngunit naroon parin iyong nararamdaman ko. Siguro'y kapag sa pagtanda ay dala ko parin ito kahit na masakit.
Gusto kong maniwala sa lahat ng sinabi ni Lily ngunit ayokong mapunta nanaman ang isip at puso ko sa kalungkutan. Nasa proseso na 'kong kaya ko na, na tanggap ko nang wala talaga. At ayokong ako mismo ang hahatak sa sarili ko, dumaan ako sa lahat ng emosyon para lang matanggap ko na hindi kami para sa isa't-isa. Na wala talaga. Na sa huli ay magsisilbi lamang akong kaibigan. Masakit pero kailangang tanggapin.
Bumalik ako sa ulirat noong kinausap ako ni Wilmer. "Naomi, okay ka lang? Kanina ka pa tahimik." Napatingin ako kay Tine at ngumiti naman siya ng malungkot saakin. Buti pa 'tong dalawang kaibigan ko, sa wakas ay nagkaaminan na.
"Ha? Oo naman. Okay lang ako. Sino ba mauuna sa zipline?"
Iniba ko iyong usapan. Ayoko na mag-alala nanaman sila saakin. Nakakahiya pa kay Giahna, baka sabihin nanaman na ang arte ko, kahit hindi naman. Kasalanan ko bang nasasaktan ako?
Nauna na sila Tine at Wilmer sa zipline. Kanina pa kami nandito sa taas ngunit ngayon lang kami nagkaroon ng lakas ng loob para ituloy iyong pagsakay namin. Nakakalula kasi iyong taas pero sabi naman ni kuya na nag-aantabay saamin ay safe naman iyong zipline kaya napatanag na din kami.
Narinig naming lahat ang nakakabinging sigaw ni Tine. Tawa naman kami ng tawa ni Lily. Sumunod naman na inayusan sina Ikey at Giahna. Umiwas ako nang noong hinawakan ni Ikey iyong bewang ni Giahna saka ito hinalikan sa pisngi. Narinig din namin iyong sigaw ni Ikey.
"I love you, Giahna Dela Mercado!"
Napatingin si Lily saakin saka hinawakan iyong kamay ko. "Okay lang ako." Pumuslit iyong luha sa mga mata ko at umupo sa may bato.
Ito iyong ayaw kong mangyari. Ito yun. Ayokong makita ulit ng mga kaibigan ko na nasasaktan pa 'ko. Alam ko sa sarili ko na tanggap ko na pero hindi maaalis saakin na masakit pa pala. Na kunware lang pala na wala na.
"Tahan na, Nao."
Pinunasan ko iyong luha ko at tumango. Tumingin saakin si Noah. May lahong sakit at pangungulila iyong mga tingin niya saakin. Nilapitan niya 'ko, at iniwan naman kaming dalawa ni Lily doon.
YOU ARE READING
Aeroplanes That Gotten Ahead of Us (Dive)
Teen Fiction• Friendship | Umaasa | Manhid | Dive | ATGAOS • "You've always been the girl I'd never have." "Don't call me baby." All rights reserved. Started: February 12, 2017 Finished:- To god be the glory. Psalm 37:23-24 "The LORD makes firm the steps o...