#DiveKabanata11
Halos dalawang linggo akong hindi sumama sa mga kaibigan ko. Kung hindi magawang lumayo saakin ni Ikey, ako na lang iyong lalayo.
Halos araw-araw siyang bumibisita sa bahay. Pinagbilin ko kila Mama na huwag sabihin kong nasaan ako. Sa sobrang inis ko ay dinededma ko na lang siya palagi. Ayoko siyang makita. Sa loob ng dalawang linggo, puro pagkukulong sa kwarto ang inatupag ko. Ni hindi ako lumabas. Halos dalawang linggo nang hindi ako nasisikatan ng araw.
Tanong naman ng tanong si Mama kung anong nangyari at hindi naman ako makasagot doon. Sobra akong nap-pressured kay Mama minsan dahil hindi niya 'ko tinitigilan. Ngayon ko lang napagtanto na kailangan ko si ate. Siya kasi iyong sumasagot kay Mama kapag nagtatanong siya kong 'nasaan si Ikey, kung ano ang nangyari saamin ni Ikey?' Puro nalang Ikey ang naririnig ko sa bunganga ni Mama, nakakainis.
Si kuya Bram naman ay tahimik lang. Hindi pa naman niya 'ko kinakausap tungkol sa nangyari saamin. Perom ramdam ko naman na gustong-gusto na magtanong ni Kuya kaso ay pinipigilan niya lang iyong sarili niya.
Sa loob din ng dalawang linggo, hindi ko magawang buksan iyong mga social network accounts ko. Wala akong gana, pare-pareho lang naman iyong nakikita ko doon. Wala pang kwenta. Kung pwede nga lang ay ipadonate ko na lamang iyong phone ko. Low battery iyon dahil panay ang tawag ni Ikey saakin. Ilang sorry rin iyong nabasa ko bago nawalan ng battery iyong phone ko. Pinabayaan ko muna, ayokong icharge baka mabato ko pa kapag nakita ko iyong mga mensahe ni Ikey.
Ngayon lang talaga ako nainis sakanya ng ganito. Napatingin ako sa kwarto ko. Sobrang gulo na nito, ikaw ba naman, hindi naayos iyong kwarto mo ng ilang araw. Nag-alala nga 'ko baka biglaang may ahas na lang na gumapang habang natutulog ako.
Kinuha ko iyong twalya ko at naligo. Pagkatapos ay tinignan ko iyong oras saka nagbihis. Hapon nanaman pero wala man lang akong nagawa. Gusto ko ngang magpuntang bookstore para bimili ng mga bagong libro kaso ay tinatamad na 'ko saka hapon na. Ayoko pa talaga lumabas.
Sana talaga ay binili ko na lang iyong series na nakita ko noon sa NBS, 'di sana ay may binabasa ako ngayon. Sa pagkaboryo ko ay nabato ko iyong ballpen na hawak hawak ko. Ni 'di ko nga alam kong bakit ko hinawakan iyon e. Nagbihis na 'ko saka humiga sa higaan ko.
Bigla namang may kumatok. "Ma! Pakisabi natutulog ako." Sambit ko sabay talukbong sa mukha ko.
"Hey, it's me." Nagulat ako. Kilala ko iyong boses na iyon.
Si Noah.
Napabangon ako. "Noah?!" Gulat kong tanong. Anong ginagawa niya dito?
"Hey..." Ngumiti siya saakin. Nahiya naman akong tumingin sakanya. Bakit kasi pajama iyong kinuha kong damit?
Yumuko ako. "Hi..." nahihiyang sambit ko.
Iniangat niya iyong mukha. "Nomi, are you shy? Nahihiya ka ba saakin?" Tanong niya saakin. Ayan nanaman iyang Nomi niya, ha. Nakangiti naman siya nang nakaloloko saakin.
"Anong shy? Hindi, ah."
"Come on, umamin ka na. Nahihiya ka, e."
Pinalo ko naman siya sa dibdib niya. Magkaharap kasi kami ngayon. "Nakakainis ka naman, e." Mas lalo akong namula noong yinakap niya ko.
"'Wag ka nga yumakap. Nakakahiya." Sagot ko.
Tumawa siya. "So you finally admitted that you are shy?" Umirap ako.
"Oo na, oo na. Nahiya lang ako sobrang happy mo na."
Umiling siya habang nakangiti. "I missed you." Napatingin ako sakanya. Seryoso ba siya?
YOU ARE READING
Aeroplanes That Gotten Ahead of Us (Dive)
Teen Fiction• Friendship | Umaasa | Manhid | Dive | ATGAOS • "You've always been the girl I'd never have." "Don't call me baby." All rights reserved. Started: February 12, 2017 Finished:- To god be the glory. Psalm 37:23-24 "The LORD makes firm the steps o...