Kabanata 12

6 0 0
                                    

#DiveKabanata12

Pagkatapos 'nong ice cream talk namin ni Noah noong nakaraang linggo ay nagkulong parin ako. Hindi ko alam kung naduduwag ba 'ko o talagang kailangan ko lang talaga na ipaalala sa sarili ko iyong self worth ko.

Ilang ulit na tumawag at nagtext sina Tine ngunit ayoko lang talagang kumausap muna sa kanila. Alam ko ang sama-sama ko nang kaibigan sakanila dahil nandyan naman sila kapag may problema ako pero kailangan ko lang talaga mapag-isa.

Lumabas naman ako ngunit noong nag-exam at nag-enroll lang ako sa SPC pagkatapos ay umuwi rin ako kaagad. Napag-alaman kong sa SPC din mag-aaral sina Lily at Maico. Gusto ko sanang batiin iyong dalawa kaso ayon nga natatakot akong baka nandoon si Ikey. Hindi ko kaya i-risk 'yong sarili ko na pumunta doon. Ayoko ding malaman kong ano na iyong nangyayari kay Ikey at Giahna. Alam ko sa sarili kong mag-guilty lang ako kapag may nangyaring masama sa relasyon nila. Hindi ko yata kaya iyon.

Napagdesisyonan kong lumabas muna sa village namin. Magpapahangin lang. Gustong-gusto ko man na lumabas at sumama sa mga kaibigan ko nangingibabaw pa rin iyong takot ko.

Biglaang nag beep naman iyong phone ko. Galing kay Tine iyong message.

Tinealyn Combis:

Hey, Nao. Just wanna inform you na ngayon 'yong flight ni Ikey.

Unti-unti akong napatulala roon. Bakit wala akong alam sa nangyayari? Sabay sa pagkatulala ko ay sabay rin ang panghihinayang at pagsisisi. Hindi agad ako nakagalaw. Anong flight? Ano ang tinutukoy ni Tine?

Prank ba 'to sakanila para lumabas at harapin ko na sila? Kung totoong prank nga 'to. Hindi 'to nakakatuwa. Masisiraan na ako ng bait.

Unti-unting bumuhos iyong mga luha ko. "Anong flight?" Hikbi ko.

Agad akong naligo at nagtungo kila Tine. Agad akong sinalubong ni Tine noong nakarating ako sa bahay nila.

"Anong nangyari? Anong flight?"

Agad akong pinapasok ni Tine sa kwarto niya. "Naomi, sorry, ayaw na sana ipaalam sa'yo ni Ikey iyong balak niya na pumuntanh Amerika." Malungkot na saad ni Tine.

Agad akong napatingin kay Tine. "Anong Amerika?!" Agad akong napaiyak.

Pinatahan ako ni Tine. Naroon pa rin sa utak ko iyong mensahe niya.

Hey, Nao. Just wanna inform you na ngayon 'yong flight ni Ikey.

Nagpaliwanag si Tine. "Nao, nagdesisyon si Ikey na pupunta na siyang Amerika. At maniwala ka saaking ginawa namin lahat para pigilan siya pero ayaw na niya makinig. Sabi niya, madami na daw siyang nasira at pati iyong sarili niya ay hindi na niya maintindihan. Pinakiusapan na din siya nina Maico na huwag umalis." Umiling ako.

"Anong oras iyong flight niya?" Nanghihinang tanong ko sakanya.

Bumuntong hininga siya. "Mga 5 pm. Kakausapin mo ba siya?" Tanong saakin ni Tine.

Unti-unti akong tumango. "Kailangan ko siyang makausap, Tine. Hindi ako papayag na aalis na lang siya na wala man lang paalam saakin." Hikbi ko.

"Mabuti para makausap mo siya."

Tumingin ako kay Tine. "Anong nangyari sakanila ni Giahna?"

Umiling si Tine at iniwas niya iyong mga tingin niya saakin. Hindi makapagsalita si Tine doon. Kumunot iyong noo ko. Gumapang iyong kaba ko doon. Sa katahimikang iyon ni Tine ay natutula ulit ako.

Sana talaga hindi ko na lang si Ikey kung ganito lang din iyong mangyayari. Sana hindi na lang ako umamin sakanya noon. Ang dami-dami kong sana kaso ay 'di ko na magagawa pa.

Aeroplanes That Gotten Ahead of Us (Dive)Where stories live. Discover now