Makalipas ng Ilang minuto nila tita sa loob, lumabas narin siya.
" Salamat sa pag alaga ng katawan ni Jake " wika ng daddy niya.
" Anu kaba sinu paba magtutulongan kundi tayo " wika ni mommy.
" Kumain naba kayo? kumain muna tayo sa labas " wika ni dad.
" Mas mabuti pa nga " sagot ng daddy ni Jake. Dumiretso kami sa Resto medyo 10minutes ang layo. Nakarating na kami sa resto at nagorder na sila daddy, After 10minutes andiyan narin yung order namin. Habang kumakain kami tahimik lang, alangan namang pag usapan namin nangyari kay jake, may place din diyan kasi siyempre kumakain eh parang kinatay nila si Jake. After 30minutes were done eating. Lumabas na kami sa resto.
" Doon muna kayo sa bahay magloloto ako doon kakainin natin mamayang gabi " wika ni mommy.
" Salamat ha, pero nakakahiya na eh, next time nalang " wika ni tita.
" Anu kaba wala iyon tayo tayo magkakasama eh, para na tayong pamilya " wika ni mommy.
" Salamat nalang pero kelangan na namin lumuwas " wika ni tito.
" Eh panu yung bahay niyo? " tanung ni mommy.
" Pag iisipan pa namin kung ibebenta namin o bakasyonan nalang namin iyon " wika ni tita.
" Aalis na ba talaga kayo ngayon? ayaw niyo ba bukas? " tanung ni mommy.
" Hindi na salamat ulit, kukunin pa namin ang katawan ni Jake at doon nalang ipalilibing " wika ni tita.
" Ha, hindi dito tita? " gulat kung tanung.
" Hindi Sandra, pero okey lang naman kung pumunta kayo sa libing niya " wika ni tita.
" Oh sige sis, pupunta kami " wika ni mommy.
" So papanu alis na kami, pare, mare " wika ni tito.
" Oh sige pare, mag iingat kayo " wika ni daddy.
" Sandra salamat ulit " wika ni tita at yinakap niya ako. Matapos iyon ay umalis na nga sila. Kami naman umuwi na kami. Pag uwi namin sa bahay.
" Okey kalang ba? " tanung ni dad.
" hindi po, natatakot po ako dad baka ako na susunod " wika ko. Yinakap ako ni dad.
" Shhh tama na panaginip lang iyong hindi iyon totoo " wika ni dad. Humiwalay ako sa pagyakap niya.
" Kung panaginip dad edi sana andito pa si Jake, pero anu nangyari? wala na siya wala na! " wika ko at naiiyak nanaman.
" Okey okey, Totoo man yun o hindi, hindi kita pababayaan hindi ka susunod hindi ka mamatay at walang mangyayari sayo " wika ni dad.
" Sana nga po " wika ko.
" Magpahinga kana wagmo icloclose ang pintuan mo, wagkang mag alala babantayan kita, tatambay ako mamaya sa labas ng pintuan mo, hindi ako matutulog " wika ni dad.
" Sige na umakyat kana " wika naman ni mom.
" Sige po " sagot kunalang at umakyat na nga ako, pumunta na ako sa room tulad ng sabi ni dad hindi ko sinarado, humiga na ako pero hindi ako natutulog nakatingin lang ako sa bintana namin habang iniisip at umaasang buhay pa si Jake.
YOU ARE READING
A Nightmare
HorrorIncidence and types. Fearfulness in waking life is correlated with the incidence of nightmares, one definition of "nightmare" is a dream which causes one to wake up in the middle of the sleep cycle and experience a negative emotion, such as fear. St...