After mga 30minutes siguro na pagtitig ko sa bintana kinuha ko ang cellphone ko, tinignan ko mga picture namin ni Jake simula bata hanggang sa naging kami, ang saya saya pa namin noon. Pero isa lang ang masakit bakit sa dinamidami ako, kami pa ang nagkaroon ng isang malagim na panaginip, at bakit si jake pa ang nawala bakit hindi ako, sana hindi nalang siya nadamay. Sa labis kung pagdudusa hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
*Nightmare
Nagising ako, alam kunang nasa panaginip ako.
" Lumabas ka, hayop ka pinatay mo si Jake sana ako nalang " wika kung galit.
" Anu naduduwag kana? Punyeta ka lumabas ka" sigaw ko. Saktung natapos ang pagsigaw ko may humatak sa paa ko para akoy hindi makagalaw. Hindi na ako nag taka alam kung siya nayun. Inapak apakan ko ang kamay niya. Hinatak ko ito at pinunta sa isang tubo para itoy hindi makalagaw. Babasagin ko sana ulo niya pero bigla niya akung hinatak papunta sa tubo para akoy matumba.
" Ahhhhh " napasigaw ako sa sakit. Lumapit siya sakin hahatakim na sana ang ulo ko para maalis at mamatay ako pero naunahan ko siya. Pinilit kung ginising ang sarili ko.
*Reality
Lumabas kami sa panaginip at nandito na kami mismo sa kwarto ko. Pag dilat ko ay sumigaw agad agad ako.
" Daddddddddd! " sigaw ko. Pero hawak parin ng killer ang leeg ko.
" Daddddyyyyy! " sigaw ko ulit. Grabe na ang hawak ng killer sa leeg ko, ang higpit na kaya hindi na ako makakasigaw isa lang ang tanging nasabi ko sa isip ko.
" Hintayin mo ko Jake" wika ko sa isip ko. At pinikit kuna ang mata ko.
YOU ARE READING
A Nightmare
HorrorIncidence and types. Fearfulness in waking life is correlated with the incidence of nightmares, one definition of "nightmare" is a dream which causes one to wake up in the middle of the sleep cycle and experience a negative emotion, such as fear. St...