9: The Wedding

12.9K 221 29
                                        

“Heto na naman po ang hudas bigay na bigay na naman pong mag-doorbell.” Sabi niya habang slowmo na pumunta sa pinto. Feel na feel niyang maglakad sa kanyang blue stiletto and blue bridesmaid gown na napa-repair na niya. Sleeveless na ito at an inch above the knee. Feel na feel niya ang kanyang permed hair. Her very light make-up.

Ang saya saya lang! I love weddings! They remind me of happy ever after!

“Bakit ba ang tagal mong buksan ang pinto?” pagalit na asik agad ng pontio pilato.

She smirked at him. Nilakihan niya muna ang pagkakabukas ng pinto bago siya nag-explain.

“Eh kasi naman po.” Umikot-ikot pa siya sa harapan nito. Feeling kasi niya ay siya ang dyosa ng kagandahan ng araw na iyon. “Nahirapan akong maglakad sa 4-inch stiletto ko at baka kasi madumihan itong very beautiful gown ko.”

He rolled his eyes at her.

Nakakaasar talaga ang hudas na ‘to. Di maka-appreciate ng maganda. She was expecting that when he sees her… open-mouthed ito... naglalaway… Aso lang?  Natawa siya sa naisip. Nababaliw na talaga siya sa kabulagan nito.

“Tayo na.” wika nito at hinila ang kamay niya papalabas ng condo niya. “Male-late na tayo sa kasal ni Areej.”

Napatingin siya sa mga kamay nilang magkahawak-kamay. For some reason, parang may kuryenteng dumaloy sa katawan niya pagkakahawak nito ng kanyang kamay. Kinikilig ba siya dahil magka-holding hands sila? Pero, hindi ba galit na galit siya rito? So bakit? Bakit kinikilig siya?

Dahil sa naguguluhang damdamin ay iritadong-iritadong tiningnan niya ang bruhong humila sa mga kamay niya. Hindi maipinta ang mukha nito. She rolled her eyes. 

Like duh! Hindi naman siya ang nag-suggest na sabay na silang pumunta sa wedding. Eto naman ah! Na kesyo baka di daw niya magampanan ang nanny responsibilities niya dito kung male-late siya.

She rolled her eyes.

As if! Gusto lang naman siya nitong ihatid. Dami pang reasons!

♠♠♠

Nilapitan niya si Areej who was beautifully standing at the back of the line.

Mukhang epic fail ang plano niyang talbugan ito. Areej looked like a goddess in her long white gown. Hindi man lang natakluban ng veil nito ang kagandahan nito.

“You look stunning.” Wika niya habang nakipagbeso-beso dito.

“I hope you didn’t mind the alterations done on your bridesmaid’s gown.” Wika ng hudas sa buhay niya.

Ngumiti si Areej at mataman siyang tiningnan. “Of course not, Ric. Reena looked absolutely perfect in her repaired gown.”

“O” tiningnan niya ng masama si Ric“Rinig mo yun Ric? Absolutely P-perfect!” she emphasized the perfect maybe too much na medyo may laway nang napasama dun.

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now