“Pumasok ka muna.” Inaantok na wika niya ng makarating sila sa mga condo units nila.
“Bakit?” pagod na ding tanong nito.
“Basta.” Hinila na niya ang kamay nito papasok sa condo niya. “Let’s talk.”
“FYI, we’re talking.” He said sarcastically.
How can this jerk still have the energy to be this sarcastic despite the fatigue and exhaustion written all over his face?
What’s more amazing is how can he still look so good despite the huge eyebags, sleepy eyes and oily face?
Samantalang siya…
Goodness! Ayaw ko na munang tumingin sa salamin. Na-i-imagine ko na kung gaano ka-haggard ang hitsura ko ngayon.
Life is so unfair!
Pinaupo niya ito. “Let’s talk kung paano ko babayaran ang utang ko sayo.”
He shrugged his shoulders. “It’s free. Hindi ako nagpapabayad.”
Napabuntung-hininga siya. Expected na niyang sasabihin nito iyon.
“Salamat pero hindi ako natanggap ng ganung kalaking libre.” Seryosong wika niya.
He looked at her. He sighed. “Just pay me whenever you already have the money.” Nag-isip-isip ito. “Or if you want, you can be my nanny.” Humikab ito. “By now, tapos na ang kontrata mo as the country’s manager’s nanny. A month had passed.”
His nanny?
Hindi niya maiwasang alalahanin ang nakakamatay na experiences niya as his nanny.
Napasimangot siya.
“Fine. I’ll be your nanny.” Wika niya habang nakasimangot.
And I thought magkaibigan na kami.
Yun pala, kahit kaibigan na nito willing pa rin nitong katulungin.
Kawawa naman pala ako sa kaibigan kong 'to.
Pero gusto na niya talagang mabayaran ang utang dito. She has no choice but to accept his offer kaysa naman pumayag na lang siya sa libre nito. Hindi yun kayang tanggapin ng pride niya. At saka hindi siya pinalaki ng mga magulang para maging isang taong mapang-abuso.
Tinitigan siya nito. “You are that desperate to pay me, immediately?” he stared at her with disbelief.
Pinagtaasan niya ito ng kilay. “I hate to be indebted to anybody. Bakit ba?”
Tinitigan siya nito.
Naiilang na naman siya.
Nakakaasar na!
Bakit ba wala na itong ginawa kundi titigan siya ng titigan?
Mas gusto pa niya na nakikipag-away ito sa kanya kaysa naman sa tahimik lang ito at tinitingnan siya!
Goodness! Ngayon lang talaga niya narealize kung gaano mas powerful ang actions compared sa words!
Arghh!!
“I don’t want you to be my nanny.” Mahina nitong sambit.
Naguluhan siya. “Huh?”
Anu bang sinasabi nito? Ang gulo nito ah.
Bumuntung hininga ito. Nag-iwas ito ng tingin sa kanya.
He cleared his throat. “Bayad ka na sa utang mo. Just promise me two things” Tiningnan niya ito. He looked so serious. “First. You’ll take care of this condo unit (her condo unit) at hinding hindi mo ito patitirhan sa ibang tao maliban sayo." He paused. "Second. You can never leave me. “
Natulala siya. Hindi man lang niya namalayan na lumabas na pala ito ng condo unit niya. She was speechless.
Second. You can never leave me.
Her heart was beating fast.
Umiling siya. Sinampal niya ang sarili. Sinabunutan niya ang sarili. Susuntukin na sana niya ang sarili pero pinigilan na niya ang sarili. Wala siyang balak magka-blackeye.
Pero…
Second. You can never leave me.
Parang sirang cd na paulit-ulit niyang naririnig ang mga sinabi ni Ric.
Ayaw ko! Ayaw kong ma-inlove sa kanya. Ayoko ng masaktan pa.
Naihampas niya ang ulo sa lamesa.
“Aray.”
YOU ARE READING
When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)
RomanceThe Bitches Series Book 1 Meet Ricardo Thaddeus Traviel - the super yaman, the super organized, the super lazy and the super galit lagi sa mundo. On the other hand Meet Reena Mae Mendrez - the super poor, the super burara, the super sipag and...