7: Reena is Ricardo Thaddeus' Nanny

12.8K 221 46
                                    

“Anu ba ‘to? Breakfast? Anu ba yan? I am a working man. You don’t expect me to be at my best with just an egg, a hotdog and worse of all a plain rice?” wika ni Ricardo Thaddeus Traviel.

Agang-aga ay talagang sinisimulan siya nito.

Anu sa tingin nito ang oras ngayon?

Alas tres!

3 in the morning!

Ni hindi pa tumitilaok ang manok sa mga oras na ito.

Tulugan pa ang lahat ng tao pero siya mulat na mulat na ang mata at gising na gising na ang lahat ng senses dahil sa napakagaling na bagong amo.

Nababaliw na talaga ito. The building where they currently live is just adjacent to the building they are working. Hence, the travel time is just ten minutes maximum but the jerk asked her to be at his condo unit at 3 in the morning. At heto na nga luto na ang almusal ng pontio pilato pero andami pang angal. Gigil na gigil na talaga siya. Sabi nito sa kanya kahapon alas singko daw. Tapos, ang hudas tumawag ipagluto ko daw siya ng breakfast. Yung alas singko daw ay call time sa office needs nito at hindi sa personal needs nito.

Eh di sana kahapon pa lang kinlaro na niya para as clear as crystal ang usapan. Hindi yung dagdag siya ng dagdag ng rules. 

Peste talaga!

Pero hindi siya magpapatalo. Never will she accept defeat.

Kinuha niya ang kutsilyo na malapit dito.

Nanlaki ang mga mata nito. “Jesus! Mag-ingat ka naman! Panu kung masugatan ako? Di wala ka ng inspiration niyan! Panu na lang ang kumpanya ko?!”

This guy! Seriously! He just know how to piss me off! This beast! Arghh!

Hinawakan niya ang kamay nito.

“Sori na sir. I won’t do anything to harm you. You know that.” At mahigpit na pinisil ang hawak hawak na kamay.

“Aw! Dammit woman!” Wika nito habang kinakampay ang nasaktang kamay.

“Sir, ipagpatawad niyo pero hindi po talaga ako maalam magluto."

It was a lie. Maalam siyang magluto. Actually, maalam siya ng lahat ng uri ng gawaing bahay. Bata pa lang ay sanay na siyang magbanat ng buto. Hindi kasi siya kagaya nitong magaling niyang amo na pinanganak na mayaman. Ang nanay niya ay naglalako sa daan ng iba't-ibang gulay at kakanin minsan sumasideline ito ng manicure at pedicure. Ang tatay naman niya ay tricycle driver. Ganun pa man, hindi siya nagsisisi na hindi siya kasingyaman nitong magaling niyang amo dahil kung naging kasingyaman siguro siya nito ay makuha pa niya ang pagkaantipatiko at hambog nito.

Tiningnan niya ang among kunot na kunot na ang noo. "Ito lang po ang alam kong lutuin so if you would mind Sir...” kumutsara siya ng kanin at itlog. “Please, say ah.”

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now