49: Doña Victorina Traviel

7.9K 136 3
                                    

“Anak, may dumating mukhang mayaman.”  Wika ng kanyang ina sa kanya.

Naalarma siya. Ano na naman kayang kamalasan ang kailangang kaharapin niya?

Ric, the love of her life, hates him.

Sabel, her bestfriend, betrayed her.

Anu pa?

Anu pang kamalasan ang kailangan niyang madanasan ng dahil sa isang pagkakamaling nagawa niya ng dahil sa katangahan niya sa pag-ibig?

Napabuntung-hininga siya. Napapagod siya.

Nagulat siya. Naramdaman na lang kasi niya ang pagyakap ng ina sa kanya. 

She bit her lip. Nagsisikip kasi ang dibdib niya. Bigla-bigla na lang kasi ang pamimigat ng mata niya.

Wala siyang sinasabi sa ina. Paano ba niya masasabi ditong mamamatay-tao siya? Paano niya masasabi dito iyon? Siguradong sobra lang itong mag-aalala sa kanya. Hindi pa nga maayos ang kanyang ama ay bibigyan pa niya ito ng problema. Wala rin siyang trabaho. Kaunti lang ang naipon niya. Baka makalipas lang ng ilang buwan ay kailangan na ulit niyang maghanap ng trabaho dahil papaano na ang gastusin nilang pamilya kung hindi siya magtratrabaho. Masyado na itong maraming problema kaya naman ayaw na niyang dumagdag pa.

“Hindi ko alam kung ano yang problema mo at di mo masabi sa akin pero tandaan mo anak nandito lang ako para sayo.” Mahinang sambit ng ina.

Napahagulgol na siya. Nang mga nakaraang araw pa niya pinipigilan ang luhang umaagos ngayon sa kanyang mga mata. Pinipilit niyang maging masaya para hindi mahalata ng mga magulang ang problema niya pero mukhang napansin pa rin ng mga ito ang dinadanas niyang kasawian. Mahigpit niyang niyakap ang ina.

Kahit papaano…

Kahit gustong-gusto na niyang sumuko sa buhay…

Hindi niya magawa.

Hindi niya magawa dahil alam niyang may pamilya pa rin siya.

Kahit anong mangyari…

Her bestfriend may betray her.

Her boyfriend may hate her.

And the entire world may consider her an outcast.

But she knew…

Kahit anong mangyari…

Her family will always be there for her.

With that in mind she will try to live.

To live and to move on.

 

 ♠♠♠

 

“What took you so long?” Asik agad sa kanya ng bisitang tinutukoy ng ina. Kalalabas lamang niya ng kwarto niya. Naghilamos muna siya ng mukha dahil pagang-paga ang kanyang mata dulot ng pag-iyak niya kanina.

Mataman niyang pinagmasdan ang mayamang babaeng tinutukoy na bisita ng kanyang ina. Despite her age, makikinita ang kasosyalan dito. Paano ba naman hindi makikita ang kasosyalan nito kung wala naman itong ginawa kundi ipamukha talaga iyon sa kanila. Hindi sila nakatira sa subdivision. Ang mga katapat nilang bahay ay puro barong-barong pero ang kanilang bisita dumating dala-dala ang kanyang limousine. Ang mga tao sa kanilang tinitirhan butas-butas ang mga suot na damit o kaya naman ay halatang mga napaglumaan na ang damit pero ang kanilang bisita nakalong-gown na gawa siguro ng isang pamosong designer. Hindi kakikitaan nang kahit na anong mga aksesorya ang mga tao sa kanilang tinitirhan pero ang bisita nila aba walang nakalimutan—kumpleto ito from hairpin to earings to necklace to bracelet to watch and even an anklet! Ang mga tao sa tinitirhan nila pudpod ang tsinelas mayaman ka na kung Islander ang tsinelas mo pero ang bisita nila designer's shoes ang suot at four inches pa ang takong.

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now